NEW
Font size
WorksheetsPandiwa
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
[Lagay] pa lamang ng mga babala sa kagubatang bawal pumutol ng puno.
Naglagay
Kalalagay
Naglalagay
Maglalagay
[Ligtas] pa lang ng pamahalaan sa mga hayop na ilegal na hinuli.
Iniligtas
Kaliligtas
Inililigtas
Ililigtas
Noong panahon ng Batas Militar, maraming puno ang [putol].
pinutol
kapuputol
pinuputol
puputulin
Sama-samang [linis] ng buong barangay ang mga baradong estero kamakailan.
nilinis
kalilinis
nililinis
lilinisin
Ang mga proyektong pangkalikasan ay [sulong] palagi ng Kagarawan ng Kalikasan at Likas ng Yaman.
isinulong
kasusulong
isinusulong
isusulong
Ang mga mag-aaral ay [basa] pa lamang ng babala nang ianunsiyo ito ng guro.
nagbasa
kababasa
nagbabasa
magbabasa
[Tanim] ang mga kabataan ng batang puno sa Bundok ng Antipolo sa makalawa
Nagtanim
Katatanim
Nagtatanim
Magtatanim
May mga [huli] pa kayang isda sa mga ilog ngayon?
nahuli
kahuhuli
nahuhuli
mahuhuli
Araw-araw na [linis] ng kanal si Mang Isko upang hindi tirahan ng mga lamok.
naglinis
kalilinis
naglilinis
maglilinis
Mabilis pang [agos] ang mga tubig sa ilog noon kaysa sa nararanasan natin sa kasalukuyan.
umagos
kaaagos
umaagos
aagos
Ang pandiwang ito ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag sa ganang sarili.
Palipat
Katawanin
Imperpektibo
Perpektibo
Ang pandiwang ito ay hindi ganap o buo; nangangailangan ng tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang layon.
Palipat
Katawanin
Imperpektibo
Perpektibo
[Lumipat ng bahay ang pamilya Lirio.]
Alin sa pangungusap ang tuwirang layon?
bahay
lumipat
pamilya
Lirio
[Si Mario ay nagbabasa ng diyaryo.]
Alin sa pangungusap ang tuwirang layon?
Mario
diyaryo
nagbabasa
wala sa nabanggit
[Si Trixie ay nagluto ng keyk para sa kaarawan ng kanyang nanay.]
Alin sa pangungusap ang tuwirang layon?
Trixie
nagluto
keyk
kaarawan
[“Nagprito” ng bangus ang ate para sa aming pananghalian.]
Anong uri ng pandiwa ang “nagprito”?
Palipat
Katawanin
Imperpektibo
Perpektibo
[“Nagkukwentuhan” ang mag-asawa sa loob ng bahay.]
Anong uri ng pandiwa ang “nagkukwentuhan”?
Palipat
Katawanin
Imperpektibo
Perpektibo
[“Nagbigay” ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Ginoong Bautista.]
Anong uri ng pandiwa ang “nagbigay”?
Palipat
Katawanin
Imperpektibo
Perpektibo
[“Natuwa” ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso.]
Anong uri ng pandiwa ang “natuwa”?
Palipat
Katawanin
Imperpektibo
Perpektibo
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang gumagamit ng pandiwang katawanin?
“Ibinigay” kay Martha ang nasabing kahilingan.
Ang batang pilyo ay “sumisigaw” nang napakalakas.
“Hinahangaan” ng tao ang magandang relasyon ng magkaibigan.
Masayang “tinanggap” ng magkaibigan ang tagumpay ng bawat isa.
"Sinulat" ko sa papel ang mga dapat mong gawin.
Nasa anong aspekto ang pandiwang nasa panipi?
perpektibo
perpektibong katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
"Kakain" pa ba kayo ng keyk?
Nasa anong aspekto ang pandiwang nasa panipi?
perpektibo
perpektibong katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Si Helen ang "nag-aalaga" sa pusang iyan.
Nasa anong aspekto ang pandiwang nasa panipi?
perpektibo
perpektibong katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Marami kaming lumang gamit na "ibebenta" sa garage sale.
Nasa anong aspekto ang pandiwang nasa panipi?
perpektibo
perpektibong katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
"Napansin" mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara?
Nasa anong aspekto ang pandiwang nasa panipi?
perpektibo
perpektibong katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
