wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan sa Pilipinas

Total questions: 12

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Pakinggang mabuti ang tanong at piliin ang wastong sagot.


1. Ito ay ang kauna-unahang windfarm sa PIlipinas na matatagpuan sa Ilocos Norte. Nakaharap sa dagat ang malalaking elisi nito na pinagkukunan ng lakas enerhiya mula sa hangin.

a)

Bangui Windmills

b)

Philippine Eagle National Center

c)

Pearl Farm Beach Resort

2.

2. Ang sentrong ito ay isa sa mga dinarayo ng mga turista sa Malagos, Davao. Ito ay isang lugar na kung saan kinukupkop ang mga agila, ang pambansang ibon ng Pilipinas.

a)

Bangui Windmills

b)

Philippine Eagle National Center

c)

Pearl Farm Beach Resort

3.

3. Ito ay matatagpuan sa Pulo ng Samal sa Lungsod ng Davao. Ang pook bakasyunang ito ay napaliligiran ng puno ng niyog na may puting baybayin. Dito kinukultura noon ang libo-libong malarosas, mapuputi at ginintuang perlas.

a)

Bangui Windmills

b)

Philippine Eagle National Center

c)

Pearl Farm Beach Resort

4.

4. Ito ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang sulok ng Pulo ng Panay sa kanlurang Visayas. Ang pulong ito ay isa sa mga tanyag na pulo sa Pilipinas na dinarayo ng mga turista dahil sa maputing buhangin sa baybayin nito.

a)

Pulo ng Boracay

b)

HUndred Islands

c)

Puerto Prinsesa Subterranean River

5.

5. Ito ay malawak na taniman ng palay na matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay buong tiyagang hinubog ng mga ninunong Ifugao. Tinaguriang itong isa sa Walong Kamangha-manghang tanawin sa mundo (Eight Wonders of the World).

a)

Chocolate Hills

b)

Hagdan-hagdang Palayan (Banue Rice Terraces)

c)

Puerto Prinsesa Subterranean River

6.

6. Ang mga tumpok-tumpok na mga pulong ito ay nagkalat sa Golpo ng Lingayen sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Tinatayang 123 ang bilang ng mga pulong ito.

a)

Chocolate Hills

b)

Pulo ng Boracay

c)

Hundred Islands

7.

7. Ito ay isang underground river na matatagpuan sa Puerto Prinsesa, Palawan. Dahil sa kamangha-manghang rock formations nito, ito ay isinama sa Seven Wonders of the World.

a)

Puerto Prinsesa Subterraean River

b)

Hundred Islands

c)

Pearl Farm BEach Resort

8.

8. Matatagpuan ito sa Pagsanjan, Laguna. Ito ay isa sa mga tanyag na talon sa Pilipinas kayat dinarayo ng mga turista ang talong ito.

a)

Bulkang Taal

b)

Talon ng Maria CRistina

c)

Talon ng Pagsanjan

9.

9. Ito ay tumpok-tumpok na mga burol na matatagpuan sa Carmen, Bohol. Kapag mainit ang panahon, ito ay nagiging kulay tsokolate. Dito rin sa Bohol matatagpuan ang pinakamaliit na unggoy, ang tarsier.

a)

Bulkang Taal

b)

Chocolate Hills

c)

Talon ng Pagsanjan

10.

10. Ang talong ito ay matatagpuan sa Lanao del Norte sa Mindanao. Ang talong ito ay pangalawa sa pinakamataas na talon sa bansa.

a)

Bulkang Taal

b)

Talon ng Pagsanjan

c)

Talon ng Maria Cristina

11.

11. Ang lawang ito ay matatagpuan sa Batangas. Kilala ang lawang ito sa kagandahang dulot ng bulkan.

a)

Bulkang Taal

b)

Bulkang Mayon

c)

Talon ng Maria Cristina

12.

12. -Ang bulkang ito ay isa sa tanyag na bulakn dito sa Pilipinas dahil sa tila perpektong hugis apa nito. Matatagpuan ang bulkang ito sa lalawigan ng Albay sa Rehiyon ng Bicol.

a)

Bulkang Taal

b)

Bulkang Mayon

c)

Talon ng Maria Cristina