NEW
Font size
WorksheetsFilipino sa Piling Larang (PFPL) Lakbay Sanaysay
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay- sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa wastong rekomendasyon ng sanaysay. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.
TAMA
MALI
Ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.
TAMA
MALI
Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman.
TAMA
MALI
Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista, dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay.
TAMA
MALI
Maging subhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng lugar na pinuntahan.
TAMA
MALI
Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa _____.
a.pansariling kasaysayan
b. maidokumento ang kasaysayan
c.kawilihan lamang
Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat maging _______ sa paglalatag ng mga impormasyon.
a.obhetibo
b.organisado
c.malinaw
Ang paggawa nito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring pagkakitaan.
a. travelogue
b. blog
c. travel blog
Ang taong susulat ng lakbay-sanaysay ay dapat may mga sumusunod na gamit maliban sa isa___________.
a. panulat
b. dyornal
c. radyo
Ito ay sang matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa__________.
a. sanaysay
b. talumpati
c. nobela
Ang mga kasanayan sa paggamit ng wika sa pagsulat ng sanaysay maliban sa isa___.
a.malinaw
b. malaman
c.walang bisa
Isa sa mga dapat taglayin sa pagsulat ng lakbay-sanaysay na kung saan nilalagyan ng maikling deskripsyon.
a.dyornal
b.sanaysay
c.larawan
Ang mga sumusunod ay konsepto ng sanaylakbay maliban sa isa______________.
a. pasalaysay
b. sanay
c. lakbay
Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay.
a. sanaysay
b. nobela
c. lakbay-sanaysay
Ito ay itinuturing na isang mahalagang libangang isinasagawa ng marami na kung saan pupunta sa isang lugar__________.
a. pagsasadula
b. paglalakbay
c. pag-aawit
