wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP-AGRI 4-Q2 W3

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Sa paghahalaman, binibigyan ng pansin ang wastong paghahanda at pangangalaga ng tanim upang maging mabuti ang pagtubo ng mga halaman. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang mga pananim?

a)

A. Mga kahoy

b)

B. Mga bulok na binhi

c)

C. Abonong organiko

d)

D. Mga nasirang pagkain

2.

Maayos na ang punlang pananim na inaalagaan ng mga bata ngunit ibig pa nilang maging malago ang mga ito. Ano ang dapat nilang gawin?

a)

A. Diligin ng sobrang tubig

b)

B. Sugpuin ang mga peste’t kulisap

c)

C. Bisitahin ito ng madalas

d)

D. Hayaan ang mga damong tutubo sa paligid nito

3.

Ang mga nasa ibaba ay ilan sa mga natutuhan mong wastong pangangalaga ng mga halaman. Alin ang di dapat?

a)

A. Paglagay ng sobrang tubig

b)

B. Sugpuin ang mga peste’t kulisap

c)

C. Paggamit ng pataba mula sa mga nabubulok na bagay

d)

D. Paglagay ng bakod

4.

Mahilig sa paghahalaman si Mang Abe. Marami siyang ipinunlang buto ng talong. Upang pangalagaan ang mga ito sa init ng araw, alin sa mga sumusunod ang tamang oras ng paglilipat ng punla?

a)

A. Pagsikat ng araw

b)

B. Katanghaliang tapat

c)

C. Hapon o kulimlim na ang araw

d)

D. Sa pagitan ng ika-10 at ika-11 ng tanghali

5.

Lalong kailangan ng mga pananim ang wastong pagdidilig upang sila ay maging malusog at lumaking malago. Kailan at anong oras dapat magdilig ng pananim?

a)

A. Araw-araw sa may bandang umaga at hapon

b)

B. Araw-araw tuwing tanghaling tapat

c)

C. Minsan isang lingo at maaga

d)

D. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon

6.

Ito ay isang paraan ng pagpapaluwag ng lupa. Kapag maluwag na ang lupa, madaling bunutin ang mga damo. Kailangang alisin ang damo upang hindi nila maagawan ng sustansiya ang mga tanim.

a)

Pagbubungkal

b)

Pagdidilig

7.

Ang mga halamang gulay ay kailangang diligin araw-araw. Ang mga halamang ugat naman ay kaunting tubig lamang ang kailangan.

a)

Pagbubungkal

b)

Pagdidilig

8.

Nakadaragdag sa sustansiya ng lupa ang paglalagay ng abono. Isa ito sa mga paraan ng pagpapataba ng mga halaman.

a)

Paglalagay ng abono

b)

Pagdidilig

9.

Dapat laging alisin ang mga damong tumutubo sa paligid ng halaman upang hindi nila maagawan ng sustansiya ang mga tanim. Nagdadala rin ito ng mga kulisap at sakit. Ang damo ay dapat alisin paglitaw sa lupa.

a)

Paglalagay ng abono

b)

Pag-aalis ng damo sa halamanan

10.

Pagkatapos mong alisin ang mga damo sa paligid ng halaman kailangan mong takpan ng lupa ang ugat at sinsinin ang lupa sa pagitan ng tanim.

a)

Sinsinin ang lupa

b)

Pag-aalis ng damo sa halamanan