wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2_MODYUL2_SUBUKIN

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa konsensiya?

a)

A. Ito ay ang batayan ng kilos-loob sa paghuhusga ng mabuti o masama.

b)

B. Ito ay ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.

c)

C. Ito ay ang kilos ng isip na maghusga kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama.

d)

D. Ito ang nagsasabi sa atin nang malinaw kung ano ang dapat nating gawin o hindi gawin.

2.

Mayroon dalawang elemento ang konsensiya: una, ang pagninilay upang maunawaan ang mabuti at masama sa isang situwasiyon; ikalawa, ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti. Ito ay nangangahulugang ang pangunahing gamit ng konsensiya ay:

a)

A. makinig sa pakiramdam na piliin ang mabuti.

b)

B. pagnilayan ang kalalabasan ng pasiya o kilos.

c)

C. tukuyin ang dapat gawin sa isang situwasyion.

d)

D. kilalanin ang mabuti at masama sa isang situwasyion.

3.

Ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama?

a)

A. Batas panlipunan

b)

B. Mga turo sa simbahan

c)

C. Likas na Batas Moral

d)

D. Mga aral ng magulang

4.

Ang Likas na Batas Moral ay hindi naiimpluwensiyahan ng anomang bagay lalo na ng pagtingin ng tao rito. Ito ay nangangahulugang ang batas na ito ay:

a)

A. obhektibo

b)

B. unibersal

c)

C. walang hanggan

d)

D. di nagbabago

5.

Alin sa sumusunod ang tama tungkol sa Likas na Batas Moral?

a)

A. Ito ay batas na binuo ng lipunan upang magkaroon ng gabay ang bawat isa sa pagiging mabuti.

b)

B. Ito ay pamantayan na dapat sundin ng lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay.

c)

C. Ito ang batayan ng paghusga sa kung ano ang tama at maling pasiya at kilos.

d)

D. Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa konsensiya na kilalanin ang mabuti at masama.

6.

Ano ang magandang epekto sa konsensiya kung gagamitin nitong gabay ang Likas na Batas Moral?

a)

A. Matutukoy ng konsensiya ang mabuti o masama at magagabayan ang ating mga pasiya at kilos.

b)

B. Magiging handa tayo sa mga mahihirap na sitwasyon na darating sa ating buhay.

c)

C. Magkakaroon ng pamantayan ang ating konsensiya sa pagtukoy ng ating mga pangarap.

d)

D. Malalaman ng kilos-loob ang kaibahan ng tama sa mali sa mahirap na sitwasyon.

7.

Nakita mo ang iyong matalik na kaibigan na kumokopya ng takdang-aralin sa isang kamag aral. Hinikayat niyang kumopya ka rin dahil sa wala ka ring takdang-aralin Sinasabi sa iyo ng iyong konsensiya na dapat maging tapat ka sa mga gawain pang-akademiko sa paaralan. Ano ang iyong dapat gawin?

a)

A. Makikinig sa iyong konsensiya at hindi na gagawa ng takdang-aralin.

b)

B. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at pakokopyahin mo na lang siya sa susunod na ikaw naman ang may ginawang takdang-aralin.

c)

C. Susundin mo ang iyong konsensiya at gagawa ka ng sariling takdang-aralin upang maging tapat ka sa paggawa ng takdang aralin.

d)

D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang takdang-aralin at gagawin mo na lang ang susunod na takdang-aralin.

8.

Ang konsensiya ay ang personal na pamatayang moral ng tao. Ang pahayag ay:

a)

A. Tama, dahil ang konsensiya ay ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad sa tao.

b)

B. Tama, dahil ang konsensiya ang kumikilala sa tama at mali.

c)

C. Mali, dahil ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.

d)

D. Mali, dahil ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.

9.

Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat ng tao. Ito ay nauunawaan at katanggap-tanggap sa lahat. Dahil ito ay nakaukit sa kalikasan ng tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Ito ay nanginigbabaw sa lahat, anoman ang lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang ipinahahayag dito?

a)

A. Walang hanggan ang Likas na Batas Moral.

b)

B. Ang Likas na Batas Moral ay unibersal.

c)

C. Ang Likas na Batas Moral ay laging obhektibo.

d)

D. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral.

10.

Sa pamamagitan ng Likas na Batas Moral, nakikilala ng tao ang mabuti at masama. Ngunit mayroon ding malayang kilos-loob ang tao na may kakayahang piliin ang mabuti o masama. Ano ang mabubuod mula sa mga pangungusap na ito?

a)

A. Laging mabuti ang pipiliin ng tao dahil alam niya ng konsensiya niya ang pamantayang Likas na Batas Moral.

b)

B. Nakikilala ng tao ang mabuti o masama dahil sa Likas na Batas Moral ngunit dahil malaya siya, maaari pa rin niyang piliin ang masama.

c)

C. Hindi kailanman pipiliin ng malayang kilos-loob ang gumawa ng masama dahil alam nito ang mabuti at masama.

d)

D. Dahil sa Likas na Batas Moral, nalalaman ng konsensiya ang tamang batayan ng mabuti at masama.