WorksheetsMAIKSING PAGSUSULIT SA ESP
Total questions: 12
Worksheet time: 6mins
Kinilala ang ‘’Tsinelas Leadership’’ ng yumaong dating Kalihim Jesse Robredo. Piliin ang pahayag na naglalarawan sa ganitong uri ng pamumuno.
A. Pagiging malinis sa katiwalian
B Pagiging payak, simple at makamasa
C. Pagiging mapagbigay sa mga mag-aaral sa bayang nasasakupan.
D. Pagkakaroon ng malapit na koneksyon sa kaniyang mga nasasakupan
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting lider?
A. Si Rose ang namuno sa Samahan ng Tagasuporta ni Kongresman (STK) bagamat ang mga kaugalian nito ay kaiba sa kaniyang mga pinaniniwalaan.
B. Si Jisoo ay tumatanggap ng PHP500.00 kada buwan mula sa pondo ng SSG bilang kabayaran sa kaniyang serbisyo bilang pangulo ng organisasyon.
C. Si Lisa ay nagtatag organisasyong Earth Benders dahil sa pagnanais na maibahagi ang kaniyang kaalaman sa astrology at weather forecasting.
D. Si Jennie ay sumali sa Sangguniang Kabataan (SK) upang madagdagan ang kaniyang kaalaman at karanasan sa pamumuno ng isang organisasyon.
Si Lian ay ang pangulo ng Ika-9 na baitang, pangkat Cherubim. Dumating ang pagkakataon na pinatawag sa Guidance Office ang kanilang pangkat dahil sa pag-eensayo sa labas ng paaralan. Upang hindi mapagalitan, inako ni Lian ang pagkakamali at sinabi na siya ang nagpatawag ng practice bagama’t ito ay desisyon ng buong klase. Maituturing bang mabuting lider si Lian?
A. Oo, dahil ginagawa niya ang kaniyang tungkulin at mga gampanin ng buong puso.
B. Oo, dahil ito ang pinakaangkop na paraan upang hindi mapahamak ang klase at makaiwas sa mas malaking gulo.
C. Hindi, dahil ang isang mabuting lider ay palaging pipiliin ang tama at makatotohanan kahit ano pa ang maaaring maging resulta nito.
D. Hindi, dahil ipinahamak ni Lian ang kaniyang sarili sa bagay na hindi naman dapat inaamin
Ayon kay John Maxwell, ang pamumuno ay itinuturing na sining ng impluwensya. Saang aspeto nararapat na higit na impluwensyahan ng lider ang kaniyang mga tagasunod?
A. Sa
kaniyang mga pagpapahalaga.
B. Sa kaniyang mga prinsipyo sa buhay.
C. Sa kaniyang kakayahan sa pamumuno.
D. Sa kaniyang mga politikal na paniniwala
Mahalaga sa isang mabuting lider ang pagkakaroon ng malinis na hangarin sa paglilingkod. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Hindi tinanggap ni Barangay Capt. Gerona ang ibinibigay na isang milyong piso na suhol sa kabila ng matinding pangangailangan ng kaniyang Barangay dito.
B. Nais ni Ferdie na tumakbo sa pagiging Mayor sa kanilang bayan upang ipagpatuloy ang legasiya ng kaniyang ama.
C. Kumandidato bilang SK Chairman si Sarah dahil nais niyang maiahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan.
D. Gusto ni Ronald na pamunuan ang Boy Scout Chapter ng kanilang paaralan dahil gusto niyang makitang tinitingala siya ng mga nakababatang kasapi.
(a) 6.Ang isang mabuting lider ay magsisilbing tagapamagitan sa tuwing may hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi ng pangkat.
(a) 7. Sa tuwing mapipiling lider ay palaging inaako ni Luis ang pinakamadaling gawain. Si Luis ay isang halimbawa ng mabuting lider.
(a) 8. Ang pagiging isang mabuting lider ay masusukat lamang kung ang organisasyong pinamamahalaan ay may higit isang daang (100) kasapi.
(a) 9. Isa sa mga katangian ng pagiging isang mabuting lider ay ang kakayahang pamahalaan ang sarili at may kasanayang makibagay sa anumang personalidad at sitwasyon.
(a) 10. Ang isang transpormasyonal na lider ay naglalayong makapagpabago ng sistema ng kaniyang nasasakupan.
Paano malilinang ng isang indibidwal ang kaniyang kakayahan bilang isang mabuting lider sa pamayanan? Magbigay ng tatlong espisipikong mga halimbawa.
Batay sa napag-aralan, may tatlong uri ng pamumuno - transpormasyonal, inspirasyonal at adaptibo. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na mamuno sa klase o sa isang organisasyon sa hinaharap, alin sa mga ito ang nais mong gawing batayan? Bakit?
