wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Klasikong Kabihasnan ng Africa, America at mga Pulo sa Pacific

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Umusbong ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa Sahara.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

2.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

3.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Dito napapaloob ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

4.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Dito makikita ang istruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

5.

Anong klasikong kabihasnan ang tinutukoy?

Ang imperyo ng Axum ay ang kasalukuyang Ethiopia.

a)

Kabihasnang Africa

b)

Kabihasnang America

c)

Kabihasnan ng mga Pulo sa Pacific

6.

Alin sa mga sumusunod ang hindi ambag ng kabihasnang Mesoamerica?

a)

Islam

b)

Chinampas

c)

Quipu

d)

Pyramid

7.

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga pulo sa Pacific ang may pinakamalawak na nasasakupang teritoryo?

a)

Australia

b)

Melanesia

c)

Polynesia

d)

Micronesia

8.

Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Kaugnay nito, nagawa ng mga Inca na mapalawak ang kanilang sakop sa Timog na bahagi ng America. Sa huling bahagi ng kanilang kasaysayan ay bumagsak din ang imperyong Inca

a)

Dumating ang mga Espanyol at sinakop ang imperyo ng Inca

b)

Nagkaroon ng epidemya na kumutil ng maraming buhay

c)

Nagkaroon ng mga rebelyon sa nasakop nilang mga pamayanan

d)

Nagkaroon ng mahihinang pinuno ang imperyo

9.

Ano ang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga pamayanan ng mga pulo sa Pacific?

a)

Turismo

b)

Pagmimina

c)

Industriyal

d)

Pangingisda at pagsasaka

10.

Sinasabing ang Mali ay tagapagmana ng Ghana. Ito ay isang dating mahalagang outpost ng Ghana na bumagsak matapos salakayin silang salakayin nito. Sinong pinuno ng Mali ang nagpabagsak ng Ghana?

a)

Haring Al-Barki

b)

Haring Sunni Ali

c)

Sundiata Keita

d)

Mansa Musa

11.

Sinasabing mayroon nang mataas na kaalaman ang mga Mayan tungkol sa arkitektura, inhenyerya at matematika. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

Mayroong maayos na pamumuhay ang mga Mayan

b)

Nagkaroon ng epidemya na kumutil ng maraming buhay

c)

Nakapagtala sila ng mahahalagang pangyayari sa kanilang kasaysayan.

d)

Nakapagtayo sila ng mga piramide para sa kanilang mga diyos

12.

Ang Islam ang pinakamalaganap na relihiyon sa kalakhan ng Africa. Ano ang dahilan nito?

a)

Dahil nagmula ang relihiyong Islam sa Africa.

b)

Dahil sa kalakalan, napadpad ang mga Muslim sa Africa

c)

Dahil angkop ang lugar ng Africa sa mga Muslim

d)

Dahil sa Africa lumipat ang ilang Arabe mula sa Asya

13.

Maliban sa kabihasnang Egypt, naitatag din sa Africa ang mga Imperyong Ghana, Mali at Songhai. Ano ang naging daan sa pagsibol at paglakas ng mga imperyong ito?

a)

Mayroon silang masiglang kalakalan sa iba’t ibang bahagi ng Africa

b)

Malawak ang kanilang sakahan at pastulan

c)

Mayroon silang malakas na pwersang militar.

d)

Nasakop nila ang maliliit na pamayanan ng mga katutubo sa Africa

14.

Ang sumusunod na pahayag ay kabilang sa mga ambag ng kabihasnang Mesoamerica. Alin sa mga ito ang nabibilang sa ambag ng mga Aztec?

a)

Nakapagtatag sila ng imperyo

b)

Mayroon silang laro na tinatawag na pok-ta-pok.

c)

Gumawa sila ng mga floating garden sa mga sapa.

d)

Sila ay sumasamba sa diyos ng araw na si Quetzalcoatl

15.

Sumibol ang mga klasikal na kabihasnang Inca, Aztec at Maya sa Mesoamerika. Alin sa sumusunod na katangian nagkakatulad ang tatlong kabihasnan?

a)

Mandirigma ang kanilang mamamayan kung kaya lumawak ang kanilang nasasakupan.

b)

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao

c)

Nakapagtatag sila ng imperyo na sumakop sa kalupaan ng Amerika.

d)

Nakapagtayo sila ng mga templo para sa kanilang mga diyos.

16.

Anong sinaunang kabihasnan ng America na ngangahulugang "rubber people"?

a)

Aztec

b)

Inca

c)

Maya

d)

Olmec

17.

Ano ang tawag sa mga maliliit na isla na matatagpuan sa kapuluan ng Pacific?

a)

Marquesias

b)

Melanesia

c)

Micronesia

d)

Polynesia

18.

Paano pinangalagaan ang mana ng mga sinaunang tao sa Polynesia?

a)

Nagkakaroon ng pag-aayuno ang mga mamamayan.

b)

May mga batas na sinusunod upang hindi ito mawala.

c)

Nag-aalay sila ng mga hayop upang hindi ito mabawasan.

d)

Nagkakaroon ng mga pagdarasal sa kanilang mga tahanan.

19.

Batay sa iyong kaalaman sa pag – aaral sa pulo ng Pacific, ano ang iyong gagawin upang ikaw ay makatulong sa mga nakatira dito na sadyang malayo sa sibilisadong pamumuhay.

a)

Magbigay ng tulong sa abot ng aking makakaya kung saan gagamitin ko ang social media sa pagbibigay ng kaalaman sa kabuhayan ng mga tao dito.

b)

Magsulat ng article na kung saan tumatalakay sa kalagayan ng mga tao dito at mabigyan ng pansin ng mga bansang mayayaman.

c)

Makiisa sa mga programang makapagbibigay ng kamalayan sa kabuhayan ng mga tao dito.

d)

Lahat ng nabanggit

20.

Ang mga taong naninirahan sa mga pulo sa Pacific ay magkakaiba sa pisikal na anyo, sa kultura at gawi. Ano ang ibig ipahiwatig nito?

a)

Nagmula sa iba’t ibang lugar

b)

Iba-iba ang mga sumakop sa isla

c)

Nakibagay na lamang ang mga tao sa kanilang paligid

d)

Nanggaling sila sa iisang ninuno ngunit nagkaroon ng away ang bawat isa.