wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP8 Review Quiz 2ndQ

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa apat na pagkakakilanlan ng emotional intelligence?
a)
pagkakakilala sa sarili
b)
pamamahala sa sarili
c)
pampolitikal na pagkakakilala
d)
pamamahala sa relasyon
2.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa emosyon na nagpapahayag ng reaksiyon sa marumi, nakakahawa at nakapaghihimagsik?

a)
galit
b)
takot
c)
pagkadiri o pagkarimarim
d)
kasiyahan
3.
Ang pagkakaroon ng payapang damdamin, normal na paghinga at pagtibok ng puso ay mga halimbawa ng anong elemento ng emosyon?
a)
subjective experience
b)
Physiological response
c)
objective experience
d)
behavioral response
4.

Alin sa mga sumusunod ang may tamang pagkakasunod-sunod ng antas ayon sa mental model ng komunikasyon ni J. D. Meier?

a)
Sending, receiving, understanding, agreement, action
b)
Agreement, sending, receiving, understanding, action
c)
Sending, understanding, receiving, agreement, action
d)
Agreement, sending, understanding, receiving, action
5.
Ang pinakaunang modelo ng komunikasyon ay mula kay Aristotle. Ang modelo ng komunikasyon ni Aristotle ay nakasentro sa audience o nakikinig. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa mga pangungusap?
a)
Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawang pangungusap ay mali.
b)
Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawang pangungusap ay tama.
c)
Ang dalawang pangungusap ay tama.
d)
Ang dalawang pangungusap ay mali.
6.
Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan. Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka na muna dahil sa iyong palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?
a)
nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
b)
napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
c)
nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
d)
nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin
7.
Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at binilisan ang kaniyangpaglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
a)
makapag-iingat si Ana
b)
mapoprotektahan na ni Ana ang sarili
c)
hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
d)
makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli
8.
Sa uri ng komunikasyong ito, maaari ka nang sumali sa isang seminar at mag-aral sa pamamagitan ng internet. Anong uri ng komunikasyon ang tinutukoy?
a)
pasalita
b)
di-pasalita
c)
virtual
d)
walang komunikasyon
9.
Ang pakikipagkaibigan ayon sa kabutihan at pagmamahal ay hindi madaling mabuo, nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung ikukumpara sa pakikipagkaibigan ayon sa pakinabang at paglilibang. Ito ay nagsisimula kapag naging kapansin-pansin ang pagkakatulad ng mga pagpapahalaga at layunin; ng pagkakaroon ng magkaparehong pananaw sa mundo at sa buhay ng dalawa o mahigit pang tao. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa mga pangungusap?
a)
Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawang pangungusap ay mali.
b)
Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawang pangungusap ay tama.
c)
Ang dalawang pangungusap ay tama.
d)
Ang dalawang pangungusap ay mali.
10.
Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay maglalaho sa panahong hindi na maging handa ang isa na muli pang magbigay ng kaniyang tulong. Anong uri ng pakikipagkaibigan ang tinutukoy ng naunang pangungusap?
a)
pakikipagkaibigan ayon sa pakinabang o pangangailangan
b)
pakikipagkaibigan ayon sa paglilibang o kasiyahan
c)
pakikipagkaibigan ayon sa propesyong kinabibilangan
d)
pakikipagkaibigan ayon sa kabutihan at pagmamahal