NEW
Font size
WorksheetsEPP 4 -REVIEW (2nd)
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Saang grupo ng pagkain kabilang ang gatas?
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Saang grupo ng pagkain kabilang ang talbos ng kamote at talbos ng sayote?
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa protina na siyang responsible sa pagpapalaki ng mga kalamnan at ng buong katawan.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng mga sustansiyang carbohydrates, taba at langis.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang mga pagkaing ito ay pinagkukunan ng bitamina at mineral. Ang mga bitamina A,B-1,6,12 C at mga mineral tulad ng iron, calcium, iodine, phosphorus at potassium.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Nililinis nito ang mga bituka at tiyan upang maging laging maayos at mahusay ang mga ito.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang mga bungang ugat tulad ng kamote, gabi, kamoteng kahoy, ube at iba pa. Kabilang din ang mga matatmis na pagkain tulad ng asukal, tubo at pulot o honey.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang karne ng baboy, baka at manok, isda, itlog,at gatas ay kabilang sa grupong ito.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang mga lamang dagat tulad ng alimango, hipon, dilis, halaan, tulya, tahong,talaba, at talangka.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Ang mga prutas tulad ng tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito, langka, saging at mga gulay tulad ng okra, sitaw, talong, at sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa pagbabawas ng dumi.
Go Foods
Grow Foods
Glow Foods
Gumamit ng apron kung magluluto upang hindi marumihan ang damit.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Paglaruan ang matutulis na kagamitan sa pagluluto gaya ng kutsilyo.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Ilagay agad ang gulay upang madali itong maluto dahil sayang ang oras.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Linisin ang ginamit na kagamitan sa pagluluto matapos itong gamitin.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Iwasan ang sobrang paglalagay ng patis, suka, asin at betsin sa pagluluto.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Linisin at ligpitin ang lahat ng gamit matapos magluto pati ang lugar na pinaggawaan.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Isara ng maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Ilagay sa high ang apoy kung ang niluluto ay kumukulo na, magpapatuloy pa rin ito kahit mahina ang apoy.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag apaw, pagkatuyo,o pagkasunog nito.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati narin ang pot holder.
Tama
Mali
Hindi Sigurado
Ito ay mahalagang gawain bago at matapos kumain.
Magdasal
Maglaro
Umiyak
Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang mga ____.
Kuya
Lalaki
Babae
Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong ang mga ____ sa ibabaw ng mesa.
paa
siko
kamay
Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor.____ang gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
Sandok
Kamay
Tinidor
Kung sopas o may sabaw naman ang pagkain gamitin ang gilid ng kutsara nang ____ at higupin ang sabaw nang walang ingay.
palapit sa iyo
paiwas sa iyo
paikot sa iyo
Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang____ng kutsara at hindi ang dulo nito.
gitna
dulo
gilid
______ ang pagkaing malayo sa iyo, kung gusto mong kumuha pa ng pagkain.
Itago
Hilahin
Ipakisuyo
Maging _____at ibigay ang atensyon sa iba pang kasamahang kumakain.
maharot
magalang
maingay
Iwasang hipan ang pagkain kung mainit pa ito.____lamang ng kaunti.
Paglaruan
Palamigin
Itago
Huwag mag sasalita kung puno o may pagkain ang ____.
kutsara
kamay
bibig
Mag kwento ng ____ bagay.Iwasan ang paksang ukol sa patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakakawala ng gana sa pagkain.
malulungkot
masasayang
magulong
Iwanang _____ ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang kutsara at tinidor sa pinggan.
may tira
puno
ubos
Punasan ang mesa at maglagay ng ____ o placemat sa lugar ng bawat taong kakain.
mantel
plastic
pamunas
Ilagay ang _____ plato sa gitna ng cover na may pagitan ng isang pulgada mula sa gilid ng mesa.
nakataob
nakatihayang
nakatagilid
Ilagay sa____ bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin.
gitna
kanan
kaliwang
Maglagay ng tubig sa baso na may ___ na tubig.
3/4
1/8
1/4
Ilagay ang nasa tray na ___ sa gitna ng hapag-kainan.
bulaklak
gulay
prutas
Hugasang mabuti ang mga bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.
mukha
paa
kamay
Ilagay sa ____ ang apoy kung ang niluluto ay kumukulo na, magpapatuloy pa rin ito kahit mahina ang apoy.
medium,low
medium, high
low, high
Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom ng kaunting ___ kung ito ay titikman uli.
gatas
tubig
alak
Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basura upang hindi magkalat sa lugar na paglulutuan.
tama
mali
hindi sigurado
Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay,isda at karne bago balatan at hiwain.
hindi sigurado
tama
mali
Iwasang ibabad ang mga gulay upang hindi mawala ang sustansiya.
hindi sigurado
tama
mali
Gawing masaya ang pagluluto ng pagkain para sa bawat miyembro ng pamilya
hindi sigurado
tama
mali
Maging magulo tuwing nasa harap ng hapag kainan.
hindi sigurado
tama
mali
