Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Wastong Pagpapakatao

Total questions: 5

Worksheet time: 50secs

Name
Class
Date
1.

1. Ipinangako mong isasauli ang damit na hiniram mo sa iyong kamag-aral, ngunit ito ay nasa labahan pa. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa isang linggo ko pa isasauli ang damit.

b)

B. Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko bukas.

c)

C. Isasauli ko ang damit kahit marumi pa ito.

d)

D. Huwag munang isauli at ipahiram sa iba.

2.

2. Sino ang hindi dapat tularan?

a)

A. Nahuli si Emmanuel sa oras ng usapan.

b)

B. Hindi dumating si Justine sa tinanggap na paanyaya.

c)

C. Nagsasabi si Sean na hindi siya makakarating sa usapan

d)

D. Kahit medyo umuulan ay sinikap ni Kobe na makipagtagpo sa kausap na kaibigan sa eksaktong oras ng usapan.

3.

3. Ano ang nangyayari sa taong walang “Palabra de Honor “?

a)

A. Lumalambot ang kanyang puso.

b)

B. Dumarami ang kanyang kaibigan.

c)

C. Tumitigas ang kanyang damdamin.

d)

D. Nawawalan ng pagtitiwala ang ibang tao.

4.

4. Nangako kang magbabayad ng utang sa kaklase mo ngunit wala pang pera ang iyong magulang. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Mangungupit ako sa aking nanay .

b)

B. Uutang muna ako sa iba para mabayaran siya.

c)

C. Liliban muna ako sa klase hanggang makabayad.

d)

D. Mangangalap at magtitinda ako ng dyaryo’t bote na di na napapakinabangan sa bahay para magkaroon ng pambayad sa utang.

5.

5. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?

a)

A. Ito ay makakaapekto at makakaabala sa ibang tao kapag hindi ka marunong tumupad.

b)

B. Ito ay makakabawas sa iyong marka.

c)

C. Ito ay makakasira sa iyong marka.

d)

D. Ito ay isang pag-uutos.