wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ #1 IN FILIPINO

Total questions: 10

Worksheet time: 2mins

Name
Class
Date
1.

1. Inutusan si Tanya ng kaniyang ina na maghugas ng mga pinggan. Maya-maya ay

tinawag siya ni Lisa upang maglaro. Iniwan niya ang hinuhugasang pinggan.

a)

A. Natuwa ang ina ni Tanya.

b)

B. Nakipaglaro ang ina ni Tanya sa kanila.

c)

C. Napagalitan si Tanya ng kaniyang ina.

2.

2. May isang pasaherong nakaiwan ng bag sa taksi. Natuklasan ng drayber na may laman itong malaking halaga. Nakakita siya ng ID kung saan may nakasulat na pangalan at tirahan.

a)

A. Nalungkot ang drayber dahil hindi napunta sa kanya ang pera

b)

B. Nanghinayang ang drayber.

c)

C. Pinuntahan ito at isinuli ang bag sa may- ari.

3.

3. May butas ang bubong ng bahay nina Mang Kanor. Hindi niya ito natapalan.

Isang araw, bumuhos ang malakas na ulan. Walang mautusan si Aling Dolor sa

pag-aayos ng bubong dahil wala pa si Mang Kanor.

a)

A. Tumulo ang bubong ng bahay ni Mang Kanor.

b)

B. Nilagpasan ng ulan ang bahay ni Mang Kanor.

c)

C. Huminto ang ulan dahil nakitang butas ang bahay ni Mang Kanor.

4.

4. Masarap magluto ang tatay ni Donna. Nagtayo sila ng maliit na karinderya sa

harapan ng bahay nila. Dumarami ang kumakain dito. Minsan may nag-aantay

pa.

a)

A. Masama ang ugali ng mga nagtitinda.

b)

B. Pinalakihan nila Donna ang kanilang karinderya.

c)

C. Hinayaan na nila Donna na magsiksikan habang kumakain.

5.

5. Handang-handa na si Ana sa isang paligsahan ng sayaw. Matinding ensayo ang

kaniyang ginawa. Nakangiti siya nang lumabas sa entablado.

a)

A. Nakalimutan niya ang pagkasunod-sunod ng sayaw.

b)

B. Maayos niyang naipakita ang galing sa pagsasayaw.

c)

C. Tumayo siya sa harapan ng mga hurado.

6.

6. Naiwang mag-isa si Ramil sa bahay nila. May binili lang sa palengke ang

kaniyang ina. Nasa trabaho naman ang kanIyang ama. Nang biglang nawalan ng ilaw.

a)

A. Pumunta si Ramil sa kuwarto at natulog.

b)

B. Natakot si Ramil, tumakbo ito palabas.

c)

C. Naglaro si Ramil habang nag-aantay siya sa kaniyang mga magulang.

7.

7. Dahil sa pandemya nawalan ng trabaho ang tatay ni Christine. Hindi na siya

kayang paaralin sa pampribadong paaralan.

a)

A. Hihinto na sa pag-aaral si Christine.

b)

B. Nagpatala si Christine sa pampublikong paaralan.

c)

C. Mamamalimos na lang si Christine para may pambayad siya

sa matrikula.

8.

8. Naglalaro ng posporo si Ryan. Nakita ito ng kaniyang ama. Ano sa tingin mo ang

susunod na mangyayari?

a)

A. Makikipaglaro ang ama ni Ryan sa kaniya.

b)

B. Natuwa ang ama nang makitang naglalaro ng posporo ang anak.

c)

C. Kukunin ng ama ang posporo na pinaglalaruan ni Ryan.

9.

9. Magkaibigang matalik sina Amihan at Danaya. Si Danaya ay madalas lumiban

sa klase at tamad mag-aral. Si Amihan naman ay masipag pumasok at palaging nag-

aaral gabi-gabi ng mga aralin. Anumang payo ang gawin ni Amihan kay Danaya ay

hindi ito sumusunod. Dumating ang araw ng pagtatapos.

a)

.

A. Hindi nakasama ang pangalan ni Danaya sa mga magsisipagtapos.

b)

B. Nagtapos si Danaya ng may medalya

c)

C. Dalawa silang nagtapos at nakakuha ng medalya.

10.

10. Biglang tumaas ang bilang ng mga taong positibo sa Covid

19. Agad nagpalabas ng babala ang mga Alkalde ng Lungsod. Hindi pinapayagan ang

mga batang lumabas at mga taong wala namang importateng lakad. Mga taong

frontliners lang ang pwedeng lumabas at mga taong nagtatrabaho. Ngunit sa kabila

nito, may mga tao pa ring hindi sumusunod.

a)

A. Hindi na nadagdagan ang mga taong positibo sa Covid 19.

b)

B. Biglang bumaba ang bilang ng mga taong positibo sa Covid

c)

C. Mas lalong pang nadagdagan ang mga nahawaan ng Covid