wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbibigay ng Reaksiyon, Opinyon at Saloobin

Total questions: 10

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

Kinausap ng guro si Beth dahil hindi ito nakapagpása ng kaniyang proyekto. Ibinigay niya ito tatlong araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng pagpapása.

a)

A. Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Beth.

b)

B. Dapat hinayaan na lamang ng guro si Beth dahil nakapagpása pa rin naman.

c)

C. Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Beth sa klase.

2.

Oras ng rises, pinasingit sa pila ni Miko ang kaniyang matalik na kaibigang si Sid na hulíng dumating.

a)

A. Maganda ang ipinakitang pagkakaibigan ng dalawa.

b)

B. Sa aking palagay, dapat pumila si Sid nang maayos.

c)

C. Sang-ayon ako sa ipinakita nina Miko at Sid.

3.

Si Neth ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba’t ibang paligsahang pampaaralan at pambarangay.

a)

A. Nagpapakita si Neth ng kayabangan.

b)

B. Nakatutuwa na ipinakikita niya ang kaniyang talento.

c)

C. Hindi siya lumalahok sa barangay dahil wala itong grado.

4.

Ipinagbabawal sa klase ni Bb. Narciso ang paglalaro ng cellphone sa oras ng klase.

a)

A. Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit.

b)

B. Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral.

c)

C. Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig.

5.

Gustong-gusto na ni Karl na maglaro sa labas. Ipinagbabawal pa ito sa kasalukuyan kaya nanatili na lang siya sa loob ng bahay.

a)

A. Sumasang-ayon ako dahil iyon ang makabubuti.

b)

B. Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.

c)

C. Sa opinyon ko ay maaari nang lumabas.

6.

Ang pagsusuot ng face mask ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

a)

A. Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.

b)

B. Hindi ako sang-ayon dahil nakasasagabal ito sa paghinga

7.

Umiwas sa mga táong may lagnat, ubo at sipon.

a)

A. Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.

b)

B. Di ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.

8.

Ang táong nakisalamuha sa pasyenteng positibo sa virus ay kailangang humingi ng agarang atensiyong medikal.

a)

A. Sang-ayon ako upang masuri kung nahawahan.

b)

B. Di ako sang-ayon dahil magastos magpatingin sa doktor.

9.

Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig.

a)

A. Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.

b)

B. Di ako sang-ayon sa umaagos na tubig dahil maaksaya.

10.

Hindi maaaring lumabas ang mga 65 taóng gulang o senior citizen, person with disability (PWD), buntis at mga táong mayroong panganib sa kalusugan.

a)

A. Nauunawaan ko at sumasang-ayon ako dahil madaling kumapit ang virus sa kanila.

b)

B. Tama ngunit dapat pinahihintulutan din lumabas o mamasyal paminsan-minsan.