wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2_MODYUL3_SUBUKIN

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?

a)

A. Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos

b)

B. Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.

c)

C. Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.

d)

D. Ito ang sinusunod ng kilos-loob.

2.

Pagtapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase na

manood ng sine at kumain sa isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Rabiya?

a)

A. Bago ang kilos

b)

B. Habang isinasagawa ang kilos

c)

C. Pagkatapos gawin ang kilos

d)

D. Habang iniisip ang kilos

3.

Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa oras ng pagsusulit, nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masama gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jacqueline?

a)

A. Bago ang kilos

b)

B. Habang isinasagawa ang kilos

c)

C. Pagkatapos gawin ang kilos

d)

D. Habang iniisip ang kilos

4.

Ano ang hindi sinasabi ng pagkabalisa na naramdaman ni Kardo sa situwasiyon?

Isang gabi, naghanda si Kardo ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit kinabukasan. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama siya ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo.

a)

A. Ito ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Kardo ng kaniyang moral na obligasyon na maging tapat at hindi umasa sa kodigo.

b)

B. Ito ay indikasyon na sinasabi ng kaniyang konsensiya na masama ang gumamit ng kodigo.

c)

C. Ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang kilos.

d)

D. Ito ay paghatol ng kaniyang isip na baka mahuli siya ng kanilang guro.

5.

Kung susundin ni Kardo ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang hindi niya dapat gawin?

a)

A. Pag-iwas sa labis na pag-aalala

b)

B. Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos

c)

C. Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral

d)

D. Pagpili ng mabuting opsiyon

6.

“Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama si Kardo ng isang pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo”. Ang pagkabalisang ito ay:

a)

A. ang tinig ng Diyos na bumubulong kay Kardo na aminin niya na mali ang pagsilip sa kodigo.

b)

B. babala na baka masanay na siya sa paggawa ng masama.

c)

C. ang paghatol ng konsensiya sa kasamaan ng kilos at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.

d)

D. hudyat na kumikilos ang kaniyang konsensiya.

7.

Anong konklusyon ang mabubuo sa situwasiyong kinakaharap ni Kardo?

a)

A. Kumikilos ang ikalawang elemento ng konsensiya: ang paghatol kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti.

b)

B. Ang pangunahing gamit ng konsensiya ay tukuyin ang dapat gawin sa isang situwasyion.

c)

C. Kumikilos ang unang elemento ng konsensiya: ang pagninilay upang maunawaan ang mabuti at masama sa isang situwasiyon

d)

D. May pinagbabatayan na mas mataas na pamantayan ang konsensiya: ang Likas na Batas Moral.

8.

Anong dalawang mabuting kilos ang nagtutunggalian sa situwasyon na kinakaharap ni Rica at ng mga kaibigan?

Naiwan si Rica, nasa Baitang 7, ng kaniyang mga magulang at pinagbilinan na huwag siyang lalabas ng bahay. Sinunod naman ni Rica ang bilin ng kaniyang magulang ngunit biglang tumawag sina Luis na planong magkita ang magkakaibigan. Batid ni Rica na bawal lumabas lalo na wala pa sila sa tamang edad dahil ito ay mahigpit na ipinatutupad sa panahon ng pandemya. Sa isip ni Rica mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal na ring hindi nakikita.

a)

A. Ang hindi pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita.

b)

B. Ang paglabas ng bahay at pakikipagkita sa mga kaibigan nang sandal lamang.

c)

C. Ang pagsunod sa bilin ng magulang at pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita.

d)

D. Ang pagsunod sa bilin ng magulang at ang hindi pakikipagkita sa mga kaibigan na matagal ng hindi nakikita.

9.

Isinaalang-alang ba ni Rica sa kaniyang pasiya ang mas mataas na mabuti (higher good) sa situwasyong ito? Bakit?

a)

A. Oo, dahil kahit inisip niya na mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang

matagal nang hindi nakikita, hindi pa niya naisasagawa ang kilos na ito.

b)

B. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa

sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa situwasiyong iyon.

c)

C. Oo, dahil pinag-iisipan pa niya kung lalabas ng bahay o hindi.

d)

D. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa

sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.

10.

Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng kaniyang konsensiya? aling katwiran ang ayon sa Likas na Batas Moral?

a)

A. Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang

matagal nang hindi nakikita kaysa ang pagsunod sa utos ng mga magulang.

b)

B. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.

c)

C. Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa s autos ng mga magulang ay paglabag sa Likas na Batas Moral.

d)

D. Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa

sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa situwasiyong iyon.