WorksheetsARALING PANLIPUNAN 1ST QUARTER REVIEW
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
May bago kang kalaro at nais niyang makipagkilala sa iyo. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nararapat mong sasabihin?
Juan Dela Cruz
09234567890
anim na taong gulang
1234 Pacheco St. Tondo,Manila
Ang iyong kapatid ay nag-imbita ng kanya mga kaibigan para sa salo-salo sa susunod na linggo dahil kaarawan niya. Ano ang kaniyang ipagdiriwang?
Araw ng Kapanganakan
Araw ng Pasko
Araw ng mga Puso
Araw ng mga nanay
Unang araw mo sa paaralan. Bawat isa sa inyo ay tinanong ng guro kung ilang taon na ang bawat isa sa inyo. Alin sa sumusunod na sagot sa guro ang dapat mong sabihin?
Ako po ay anim na taong gulang.
Ako po ay nakatira sa Barangay San Roque.
Ako po ay nasa unang baitang.
Ako po ay anak nina Jose at Marta.
Naliligaw ang kaeskuwela mong si Ivana. Alin sa sumusunod na impormasyon ang unang dapat niyang sabihin upang matulungan siyang makauwi?
A.Saan siya nag-aaral?
Saan siya nagsisimba?
Saan siya ipinanganak?
Saan siya nakatira?
Papasok ka na sa paaralan at tinanong ka ng iyong kalaro kung saan ka nag aaral. Ano ang iyong sasabihin mo?
Ako ay nag aaral sa Manuel L. Quezon Elementary School.
Ako ay nag aaral sa Magat Salamat Elementary School
Ako ay nag aaral sa Isabelo Delos Reyes Elementary School
Ako ay nag aaral sa Teodoro R. Yangco Elementary School
Dapat bang ipagmalaki ang pisikal na katangian ng isang tao?
Opo, dahil ito ang bigay ng ating panginoon.
Hindi, dahil ang pisikal na katangian ko ay di tulad ng iba.
Ewan ko po.
Marahil, kung kamukha ko ay sikat na tao
Kung ang mga magulang mo ay Pilipino, ikaw ay__________.
Amerikano
Intsik
Hapon
Pilipino
Ang pagkakaroon ng pangalan ay mahalaga sa isang bata.
Oo, dahil ito ay Karapatan niya bilang bata.
Siguro,upang siya ay maging sikat
Hindi, dahil maalala ka naman ng mga nakakakilala sayo.
Hindi mahalaga ang pangalan sa isang bata
Ano ang karaniwang kulay ng isang Pilipino?
maputla
kayumanggi
maputi
madilaw
May mga bagay na nagbabago sa buhay ng isang tao maliban sa isa?
katawan
pangalan
buhok
damit
Kailangan natin ito upang tayo ay lumakas at maging malusog?
softdrink
junkfood
masustansyang pagkain
tsokolate
Ito ay isinusuot ko panlaban sa init at lamig?
laruan
tirahan
pagkain
kasuotan
Kung may talento ka sa pag-awit. Ano ang dapat mong gawin?
Hindi ko ipakikita sa iba upang hindi tularan.
Sasali sa paligsahan ang ipakikita ang talento.
Ikakahiya ang talento.
Wala akong gagawin.
Isinasali ka sa paligsahan ng pagsayaw. Ano ang gagawin mo?
Magtatago ako.
Iiyak ako
Magsasanay ako
Hindi ko ito papansinin
Maaari mo pang isuot ang damit at sapatos noong ikaw ay maliit pa.
Hindi na dahil hindi na ito kasya sa akin
Oo, dahil paborito ko ito
Siguro, dahil bago pa ito.
Hindi ko alam.
Ito ay mga bagay na hindi nagbabago habang lumalaki ka maliban sa isa, alin ito?
Pisikal na Anyo
Petsa ng kapanganakan
Thumbprint
Pangalan
Ipinapakita rito ang pagkasunod sunod mga pangyayari o mga bagay na nagbago sa buhay ng isang tao?
Graphic Organizer
Thumbprint
Timeline
Collage
Bakit hindi mo maaaring ipahiram ang iyong pansariling gamit?
Dahil isa lamang ang panyo ko.
Upang makaiwas sa anumang nakakahawang sakit.
Dahil marumi na ito.
Dahil malinis ito.
Paano mo isasa ayos ang pagkakasunod sunod ng mga ideya ng isang malikhain na paraan?
gagamit ng timeline
gagamit ng Graphic Organizer
gagamit ng collage
gagamit ng drowing
Ano ang tawag sa pinagsama samang larawan na nagpapakita ng isang malaking ideya.
Timeline
Collage
Thumbprint
Graphic Organizer
Ito ay pansariling kagustuhan na maaari itong maiwasan makamit, ano ito?
pagkain
laruan
kasuotan
tirahan
Ang mga sumusunod ay pansariling pangangailangan maliban sa isa, ano ito?
computer
pagkain
tirahan
kasuotan
Ito ay pansariling gamit na hindi mo maaaring ipahiram sa kamag-aral, ano ito?
lapis
panyo
payong
papel
Ito ay nagbibigay lunas sa iyong karamdaman, ano ito?
bitamina
junk food
gamot
laruan
Gutom kang umuwi galing sa eskwelahan, binigyan ka ng iyong nanay ng pera upang bumili ng makakain. Anong pagkain ang dapat mong bilihin?
tinapay
soft drinks
kendi
sitsirya
Isang tanghali ay biglang umulan nang malakas, buti na lang ay may bahay na masisilungan ang iyong pamilya. Bakit sa palagay mo ay mahalaga ang tahanang masisilungan?
Dahil masaya sa labas kapag gabi
Dahil nakakatamad lumabas kapag umuulan
Dahil ito ang nagsisilbing proteksyon sa anumang panahon
Dahil may ipagmamayabang ka
Ano ang dapat mong gawin sa iyong pangarap ?
Ipagmalaki ang iyong pangarap
Ikahiya ang iyong pangarap
Matakot sa iyong pangarap
Malungkot sa iyong pangarap
Alin sa mga ito ang dapat mong gawin upang makamit ang mataas na grado sa paaralan?
Huwag sagutan ang mga takdang aralin.
Lumiban sa online class.
Maglaro ng online games.
Mag-aral ng mabuti.
Upang higit ka pang matuto, alin sa sumusunod na katangian bilang mag-aaral ang nararapat mong ipakita habang nagtuturo ang guro?
Pakikinig sa guro
Pakikipaglaro habang nagkaklase
Nakikipag-usap sa kaklase habang nagtuturo si teacher
Pagtahimik at di pagsagot sa tanong ng guro
Ito ay isang uri ng pagkain o inumin na dapat iwasan?
soft drinks
prutas
gulay
gatas
Ito ay mahalagang pangyayari sa buhay mo na kung saan ay binubuhusan ka ng banal na tubig sa iyong ulo. Ano ito?
Kaarawan
Pagbibinyag
Pasko
Bagong Taon
Pagsunod-sunurin ang timeline ng gawain ng isang bata
A-B-C-D
D-B-A-C
C-B-A-D
B-C-A-D-
Ano ang dapat gawin upang makamit ang iyong pangarap?
Mag bulakbol sa oras ng eskwela.
Lumiban sa klase.
Hindi pagsunod sa magulang.
Mag-aral ng mabuti.
Si Nilo ay nag aral ng mabuti at nakinig sa kanyang magulang kaya natupad ang kanyang pangarap na maging isang pulis. Siya ay kailangan nating ___________?
Ikahiya
Tularan
Awayin
Huwag pansinin
Kanino umaasa ang sanggol sa kanyang pagkain?
sa gatas ng ina
sa gatas ng kambing
sa kanyang ama
sa kanyang lola
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap sa buhay?
upang ipagyabang ito
pang magsilbing gabay upang makamit mo ang iyong nais marating sa buhay.
upang kainggitan
upang maging mayaman
Ito ay mahalagang pangyayari sa iyong buhay ito ay anibersaryo ng iyong kapanganakan
Binyag
Pasko
Kaarawan
Bagong Taon
Parepareho ba ang karanasan sa buhay mo at sa buhay ng iyong kamag-aral?
Hindi dahil magkaiba tayo ng karanasan sa buhay.
Oo dahil iisa lang ang ating mga pangarap.
Hindi ko alam.
Marahil dahil pare pareho tayong tao.
Pag sunod-sunorin ang pangyayari sa buhay ng tao.
1-2-3-4-5
2-3-5-4-1
3-1-2-4-5
4-2-3-1-5
Batay sa mga larawan, alin sa mga ito ang may tatlong taong gulang?
