Font size
WorksheetsQUARTER 2: QUIZ 1
Total questions: 20
Worksheet time: 12mins
1. Ang _________ nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma na nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta at mas madaling matandaan o maisaulo?
a. alamat
b. awiting-bayan
c. epiko
d. bulong
2. Ito ay nagpapakita ng kabayanihan ng pangunahing tauhan sa pook na pinanggalingan nito?
a. awiting-bayan
b. alamat
c. bulong
d. epiko
3. Ginagawa ito upang magbigay-galang sa mga nilalang na hindi nakikita?
a. epiko
b. bulong
c. alamat
d. awiting-bayan
4. Ang "pagsasalindila ng panitikan " ay isang paraan upang paraan upang manatili ang mga akda ng sinaunang panahon. Paano nagagawa ang pagsasalindila?
a. sa pamamagitan ng pagsusulat
b. paggamit ng mga simbolo na inukit
c. pagkukuwento ng mga akda sa mga henerasyon
d. wala sa nabanggit
5. Batay sa akda, inaya ng binata ang dalaga na magtungo sa (a) ?
6. Pumayag ba kaagad ang dalaga na sumama sa binata?
a. Oo
b. Hindi
7. Anong mensahe ng akdang lawiswis kawayan para sa mga kabataang tulad mo?
a. mamamasyal habang bata pa
b. umuwi nang maaga sa bahay kung aalis
c. sumama sa kaibigan kapag inaya
d. magpaalam muna sa magulang bago umalis
8. Ang bulong sa Bisayas ay mula sa anong dayalekto?
a. Ilonggo
b. Ilokano
c. Cebuano
d. Waray
9. Ang bulong ay maaari ring gamitin para sa mga kaaway.
a. Oo
b. Hindi
10. Ano ang maaaring mangyari sa taong nakasagi ng mga nilalang na hindi nakikita tulad ng duwende, engkanto at iba pa?
a. magiging engkanto na rin
b. isasama sa kanilang kaharian
c. mamamaga ang bahagi ng katawan
d. hindi makakatulog
11. Ang Bundok Kanlaon ay matatagpuan sa lugar na______?
a. Cebu
b. Negros Occidental
c. Palawan
d. Bohol
12. Ang dalagang si Kang ay anak ni __________?
a. Datu Ramilon
b. Datu Puti
c. Datu Subanon
d. Datu Paubari
13. Tutol si Datu Ramilon sa pag-iibigang Kang at Laon?
a. Tama
b. Mali
c. Hindi Sigurado
14. Bakit sumugod si Datu Subanon sa kasal nina Kang at Laon?
a. dahil ayaw niya ng pagkaing inihanda nila
b. upang magbigay ng regalo sa ikakasal
c. hindi niya matanggap na ikakasal na si Kang
d. gusto lang niyang manggulo sa kasal
15. Ang burol ng pinaglibingan nina Kang at Laon ay tinawag kalaunan na (a) ?
16. Si __________ ang Diyosa ng kalangitan na napangasawa ni Datu Paubari?
a. Anggoy Doroonan
b. Anggoy Ginbitinan
c. Alunsina
d. Sinagmaling Diwata
17. Ang ritwal na isinagawa sa tatlong magkakapatid ay maihahalintulad sa _____________ na nagdadala ng mabuting kalusugan sa sanggol.
a. binyag
b. kasal
c. kumpil
d. paggapos sa kamay
18. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nagpakita ng interes sa mga magagandang babae?
a. Dumalapdap
b. Humadapnon
c. Labaw Donggon
19. Si _________ ang asawa ni Saragnayan ay nagustuhan din ni Labaw Donggon.
a. Anggoy Ginbitinan
c. Sinagmaling Diwata
c. Anggoy Doroonan
20. Ano ang ginawa ni Saragnayan kay Labaw Donggon matapos niya itong matalo?
a. kinalbo niya ito
b. ginapos sa silong ng bahay
c. pinaliguan ng putik
d. inihulog sa dagat
