Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 EsP Quiz 1

Total questions: 15

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Dumating ang kamag-anak ninyo mula sa probinsiya.


Ano ang dapat mong gawin?

a)

Dalhin sa isang mamahaling hotel upang sila ay

masiyahan.

b)

Patuluyin sa inyong tahanan at tiyaking maginhawa at masaya ang kanilang panunuluyan.

c)

Ihatid sa ibang kamag-anak upang doon sila tumuloy.

2.

May bagong pasok na mag-aaral sa inyong klase. Napansin mo sa oras ng recess na mag-isa siyang kumakain sa isang sulok ng inyong silid-aralan.


Ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Lalapitan siya at kakausapin.

b)

Hindi siya papansinin.

c)

Isusumbong siya sa guro.

3.

Nasalubong mo ang kaibigang minsan mo nang nakatampuhan.


Ano ang gagawin mo?

a)

Hahanap ng ibang madadaanan upang hindi mo siya makita.

b)

Ipagpapatuloy ang paglalakad ngunit hindi siya papansinin.

c)

Ngingitian ang kaibigan at kukumustahin.

4.

Namasyal ang kumare ng nanay mo.


Paano mo ipakikita ang pagiging palakaibigan?

a)

Paghihintayin sa labas ng bahay habang tinatawag ang iyong nanay.

b)

Magkukunwaring hindi naririnig ang tawag niya.

c)

Patutuluyin sa loob ng bahay at aalukin ng maiinom.

5.

Pinagbuksan ka ng gate ng guwardiya ng inyong paaralan.


Ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Magpasalamat sa guwardiya at agad na

pumasok sa paaralan.

b)

Tumakbo agad papasok ng eskuwelahan nang

hindi lumilingon sa guwardiya.

c)

Hindi na tutuloy dahil huli ka na sa klase.

6.

May nakita kang matandang bulag na babae na gustong tumawid sa kalsada.


Ano ang pinakamainam mong gawin?

a)

Hindi na lang papansinin ang matandang bulag

na babae.

b)

Tutulungan ang matandang bulag na babae na

makatawid sa kalsada.

c)

Tatawag ng ibang bata para siya ang tumulong

sa matandang bulag na babae.

7.

Nababasa sa ulan ang kaklase mong katutubo.


Ano ang dapat mong gawin?

a)

Pasisilungin ko siya sa aking payong.

b)

Hindi ko siya papansinin.

c)

Papayuhan ko siya na tumakbo na lang.

8.

Napansin mo na hindi nagpapalit ng damit ang kaklase mo.


Ano ang dapat mong gawin?

a)

Bibigyan ko siya ng mga damit na punit na.

b)

Papayuhan ko siya na palagi siyang magpapalit ng damit.

c)

Lalayuan ko siya.

9.

Nakita mong walang baon ang iyong kamag-aral na katutubo.


Ano ang dapat mong gawin?

a)

Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng baon ko.

b)

Hahatian ko siya sa baon ko.

c)

Sasabihan ko siya na humingi siya ng baon sa iba

naming kaklase.

10.

Gustong sumali sa inyong laro ang kapitbahay mong marungis.


Ano ang dapat mong gawin?

a)

Isasali namin siya sa aming laro.

b)

Hindi namin siya isasali sa aming laro.

c)

Paaalisin namin siya.

11.

Naapakan mo ang paa ng iyong kamag-aral.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Maraming salamat!

b)

Ipagpaumanhin mo.

c)

Aalis na po ako.

12.

Isang tanghali, nakasalubong mo ang iyong guro, ano ang sasabihin mo?

a)

Magandang umaga po, Teacher!

b)

Magandang tanghali po, Teacher!

c)

Magandang hapon po, Teacher!

13.

Nag-uusap ang iyong nanay at tiyahin, gusto mo sanang dumaan.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Makikiraan po.

b)

Paalam po!

c)

Tumabi po kayo.

14.

Masaya kayong kumakain, nais mo sanang abutin ang

ulam ngunit malayo ito sa iyo.


Ano ang sasabihin mo?

a)

Pakiabot po ang ulam.

b)

Iabot mo nga sa akin ang ulam.

c)

Alis, aabutin ko ang ulam.

15.

May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo?

a)

Tuloy po kayo.

b)

Maraming salamat po!

c)

Makikiraan po.