NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 3
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ito ang mga salitang nagtatanong tungkol sa pangngalang tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
panghalip pananong
panghalip pamatlig
panghalip panao
Ito ang mga salitang pamalit sa pangngalang tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayaring itinuturo na may pantukoy o panandang ang, ng at sa.
panghalip pananong
panghalip pamatlig
panghalip panao
Ito ang mga salitang ginagamit na pamalit sa pangngalang tao/mga taong nagmamay-ari.
panghalip pananong
panghalip panao
panghalip paari
Ito ay pamalit sa pangngalang tao.
panghalip na panao
panghalip na pamatlig
panghalip na pananong
"Ako si Mark." Ano ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap?
ako
si
mark
"Aalis kami bukas papunta sa probinsiya." Ano ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap?
aalis
kami
bukas
"Sasakay kami sa tren." Ano ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap?
sasakay
kami
tren
"Tayo ay magluluto ng sinigang." Ano ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap?
magluluto
sinigang
tayo
"Sila ay pupunta sa Bacolod." Ano ang panghalip panao na ginamit sa pangungusap?
Sila
pupunta
Bacolod
Ang panghalip ______ ay pumapalit sa ngalan ng tao lamang.
panao
pamatlig
pananong
Ang panghalip na pamatlig na _____ ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay malayo sa nagsasalita.
iyan
ito
iyon
Ang panghalip panao sa ikalawang panauhan ay tumutukoy sa taong _________.
nagsasalita
kinakausap
pinag-uusapan
Ang panghalip _____ ay pumapalit sa bagay na itinuturo.
pananong
panao
pamatlig
Ang panghalip na pamatlig na _____ ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay hawak o malapit sa nagsasalita.
ito
iyan
iyon
Tumutukoy sa taong _______ ang mga panghalip na siya, niya at kaniya.
nagsasalita
kinakausap
pinag-uusapan
Ang panghalip panao sa unang panauhan ay tumutukoy sa ________.
nagsasalita
kinakausap
pinag-uusapan
Ang panghalip pamatlig na ______ ay ginagamit kapag ang tinutukoy ay malapit sa iyong kausap.
iyan
iyon
ito
"______ ang gumagamot sa taong may sakit? " Ano ang angkop na panghalip pananong sa pangungusap?
sino
saan
kailabn
"______ ang tungkuling ginagampanan ng nars? " Ano ang angkop na panghalip pananong sa pangungusap?
ano
sino
saan
"______ kayo pumupunta sa simbahan o pook-sambahan? " Ano ang angkop na panghalip pananong sa pangungusap?
saan
kailan
ano
"______ ang maituturing mong bayani ng inyong pamilya? " Ano ang angkop na panghalip pananong sa pangungusap?
sino
saan
kailan
"______ sa inyong pamayanan makikita ang palengke? " Ano ang angkop na panghalip pananong sa pangungusap?
sino
ano
saan
"_______ ang maong na may punit sa tuhod. Bigay iyon sa akin ng pinsan ko." Ano ang angkop na panghalip na paari sa pangungusap?
akin
amin
atin
"Ang malinis na silid-aralan ay sa _______. Kami ay mga mag-aaral ng III-Patience." Ano ang angkop na panghalip na paari sa pangungusap?
iyo
atin
amin
"Maria,_____ ba ang pitakang ito? nakita ko kasi ang ID mo saloob ." Ano ang angkop na panghalip na paari sa pangungusap?
kanila
iyo
kaniya
"Ang asul na sepilyo ay kay Peter. Sa _____ rin ang asul na baso." Ano ang angkop na panghalip na paari sa pangungusap?
inyo
kaniya
kanila
"Nawawala ang payong ni Fely. Sa _____ kaya angpayong na napulot natin?" Ano ang angkop na panghalip na paari sa pangungusap?
iyo
inyo
kaniya
"Dennis at Kobe, sa _____ ba itong mga magasin sa mesa?" Ano ang angkop na panghalip na paari sa pangungusap?
inyo
iyo
kanila
Ano ang hindi kasama sa pangkat ng panghalip panao?
ano
ako
siya
Ano ang hindi kasama sa pangkat ng panghalip pananong?
saan
kailan
iyon
