WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao 3
Total questions: 5
Worksheet time: 3mins
May Clean and Green Project sa inyong paaralan. Nakiisa ang kaklase mong pilay na si Marlon. Pagkatapos magtanim ay nauhaw siya. Nakita mong nahihirapan siyang abutin ang baso ng tubig dahil sa hawak niyang saklay. Ano ang nararapat mong gawin?
Hindi ko siya papansinin
Palihim ko siyang pagtatawanan
Ako na ang kukuha ng baso ng tubig para makainom siya.
Pababayaan ko siyang kumuha ng kaniyang inumin.
Mayroong programa sa inyong paaralan at isa ka sa nanonood ng palatuntunan. Habang kumakanta si Jerome, ang isang bulag na iyong kaklase ay bigla siyang napahinto dahil nakalimutan niya ang bahagi ng awit. Ano ang pinakanararapat mong gawin?
Sisigawan ko siya na umupo na lamang siya.
Pagtatawanan ko siya dahil nalimutan niya ang kanyang awit.
Kakantyawan ko siya.
Tatahimik na lang ako at magdadasal ako na maalala niya ang bahagi ng kanyang awit.
Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lamang sa may unahan ng bulwagan dahil wala ng bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin mo?
Titingnan ko siya at pagtatawanan
Lalapitan ko siya upang ibigay ang aking upuan
Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko siyang nakatayo hanggang matapos ang palatuntunan
Magsasawalang kibo na lamang ako at hahayaan kong mapahiya ang kaklase kong bingot.
May paligsahan sa pagsayaw sa inyong paaralan. Alam mong marunong at mahusay sumayaw ang kaibigan mong si Jayson na isang ngongo. Ano ang nararapat mong gawin upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa kaniyang kakayahan?
Wala akong gagawin.
Sasabihin kong huwag na lamang siyang sumali dahil siya ay may kapansanan.
Hihikayatin kong sumali siya sa paligsahan dahil alam kong mahusay siyang sumayaw at tiwala akong mananalo siya.
Hindi ko sasabihin sa kaniya na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.
May paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan. Si Poly na iyong kaklase ay maganda ang boses. Ano ang nararapat mong gawin upang maipakita ang iyong pagmamalasakit?
Wala akong gagawin
Sasabihin kong huwag na lamang siyang sumali dahil siya ay may kapansanan.
Hihikayatin kong sumali siya sa paligsahan dahil alam kong mahusay siyang sumayaw at tiwala akong mananalo siya
Hindi ko sasabihin sa kaniya na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.
