wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Quiz #2 Q2

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Dumaan ang bagyong Ulysses sa inyong lungsod. Marami ang naapektuhan ng mataas na baha. Isa na rito ang iyong kamag-anak. Paano mo sila matutulungan?

a)

A. Bibigyan ko sila ng pera.

b)

B. Patutuluyin ko sila sa aming bahay.

c)

C. Hindi ko sila patutulugin sa aming bahay.

2.

May nakita kang batang umiiyak sa loob ng mall. Nawawala daw sya. Paano mo siya matutulungan?

a)

A. Hindi ko siya papansinin.

b)

B. Hahanapin namin ang kaniyang magulang.

c)

C. Sasamahan ko siya sa guwardiya upang mahanap ang kaniyang magulang.

3.

Naglalaro kayo ng habulan ng iyong mga kaibigan. Biglang nadapa ang isa at nahirapan siyang makatayo. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Tutulungan ko siyang makatayo.

b)

B. Pagtatawanan ko siya dahil siya ay lampa.

c)

C. Tatawagin ko ang kaniyang kapatid para iuwi na siya.

4.

Nakikipagkilala ako kapag may bago kaming kaklase upang mawala ang kanyang pagiging mahiyain.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Habang naglalakad, may nabasa kang patalastas na magkakaroon ng donation drive ng mga lumang laruan para sa mga bata sa bahay-ampunan. Paano ka makakatulong sa kanila?

a)

A. Hahanapin ko ang mga luma at maayos kong laruan para ibigay sa mga bata sa ampunan.

b)

B. Pipili ako ng mga laruan na sira na para ipamigay.

c)

C. Hindi ako magbibigay ng mga laruan.

6.

Marami ka ng maliliit at maayos pang mga damit. Nanghihingi ang inyong paaralan para ibigay sa mga nasalanta ng bagyo. ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Hindi ko ibibigay ang mga maliliit kong damit.

b)

B. Iaayos ko ang mga damit upang dalhin sa aming paaralan.

c)

C. Ibibigay ko na lang sa ibang bata.

7.

Nagkasundo ang iyong pamilya na magluluto ng goto para sa mga nasalanta ng bagyo. Paano ka makakatulong sa kanila?

a)

A. Tutulong ako sa pagpapamigay ng goto sa mga taong nasalanta ng bagyo.

b)

B. Sa bahay lang ako habang sila ay nagpapamigay ng goto.

c)

C. Tutulong ako sa pagbubuhat ng lutong goto.

8.

Naglalaro kayo ng mga kalaro mo sa labas ng inyong bahay. May dumaan na batang pilay. Pinagtawanan siya ng iyong mga kaibigan. Ano ang iyong gagawin?

a)

A. Papasok na lang ako sa aming bahay.

b)

B. Sasawayin ko ang aking mga kaibigan.

c)

C. Makikitawa na rin ako sa kanila.

9.

Hindi ako lumalabas sa kwarto kapag may mga kamag-anak kaming bisita.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Tinutulungan ko ang aking kamag-aral na mabasa ang mga mahihirap na salita.

a)

Tama

b)

Mali