wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gawaing Pasulat - 2MA45

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang nobelang 'Ang Matanda at Ang Dagat' ay mula sa bansang Cuba.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

2.

Ang mga pangunahing tauhan sa maikling kwentong 'Aginaldo ng mga Mago' ay sina Melchor, Gaspar at Baltazar

a)

Opo

b)

Hindi po.

3.

“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.”


Pagkasabik ang emosyong nangingibabaw sa linyang ito ni Della.

a)

Opo

b)

Hindi po.

4.

“O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”


Pagkalungkot ang emosyong nangingibabaw sa linyang ito ni Della.

a)

Opo

b)

Hindi po.

5.

Ang natatanging kayamanan ni Della ay ang kaniyang kuwintas.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

6.

Ang ebanghelyo kung saan matatagpuan ang kaugnay sa salaysay ng kuwentong 'Aginaldo ng mga Mago' ay sa bahagi ng aklat ng Lukas.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

7.

Ang mga salitang masarap at matamis ay mga salitang magkaugnay.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

8.

Ayon kay Deogracias A. Rosario, hindi maaaring ihambing ang buod ng nobela at ang maikling kuwento dahil ito ay magkaiba.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

9.

Ang mga salitang tampo at galit ay mga salitang magkasingkauhulugan ngunit magkaiba ng antas.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

10.

Ang maikling kuwento ay payak at kakaunti ang tauhan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

11.

May mga maikling kuwento na walang suliraning kinahaharap ang pangunahing tauhan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

12.

Sa isang panitikan, may mga pagkakataong hindi tao ang katunggali ng pangunahing tauhan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

13.

Ang ganda at bisa ng isang akda ay nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay- buhay sa mga karakter na nilikha ng manunulat.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

14.

Ang 'Aginaldo ng mga Mago' ay isang halimbawa ng maikling kuwento ng tauhan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

15.

Sa pagpili ng pangalan ng pangunahing tauhan, mahalagang ito ay laging nasa uso para makuha ang atensyon ng mga kabataang maaaring target nito.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

16.

Mahalagang buuin ang profayl ng pangunahing tauhan na naglalaman ng pisikal, sosyolohikal, sosyal at mental na aspekto nito.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

17.

Ayon sa paniniwala, sa 3 haring mago nagsimula ang kaugaliang pagbibigayan ng regalo lalo na sa pagsapit ng Pasko.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

18.

Ang panitikang dagli ay maikling maikling kuwento na walang mensahe ngunit nakaaaliw.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

19.

Ang dagli na 'Maligayang Pasko' ay nagpakita kung gaano kasaya ang Pasko ng pangunahing tauhan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

20.

Nagalit si Jim dahil nagpagupit ang kaniyang asawang si Della.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

21.

Si O. Henry ang sumulat ng kuwentong 'Aginaldo ng mga Mago.'

a)

Opo.

b)

HIndi po.

22.

Ang mga yapak na nasa disyerto ang sinundan ng mga mago para matunton ang kinaroroonan ng sanggol.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

23.

Maraming ipit sa buhok ang niregalo ni Jim kay Della.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

24.

Mahalagang may character development ang pangunahing tauhan sa kuwento para mapanatili ang kawilihan ng mga mambabasa.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

25.

Si Edgar Allan Poe ang Father of Short Stories.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

26.

Ang mga unang hakbang sa pagsulat ng maikling kuwento ay pagbuo ng pangunahing tauhan at pag-isip ng kawili-wili at kapana-panabik na pamagat nito.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

27.

Ang nobelang 'Bata, Bata Paano ka Ginawa' ay nakatuon sa pagiging asawa ni Amanda sa kaniyang dalawang naging kapareha.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

28.

Ang maikling kuwento ay akdang panitikan na kawing-kawing ang pangyayari, nahahati sa kabanata, maraming tauhan at mahabang panahon ang nasasakupan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

29.

Ang pananaw ay ang mga panauhang ginamit ng may-akda.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

30.

Ang ekserp ng maikling kuwento na 'Ang Kumare Kong TNT' ay nagpakita ng hirap ng buhay ng ating mga OFW.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

31.

Ang maikling kuwento ay nabibilang sa pagpapahayag na nangangatwiran.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

32.

Ang maikling kuwento at nobela ay nagsasalaysay na may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

33.

Ang maikling kuwento ay pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

34.

Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating” tinutukoy dito na ang matanda ay may isipang positibo.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

35.

Nagkamit ng Nobel Prize in Literature si Ernest Hemingway dahil sa nobelang 'Ang Matanda at Ang Dagat.'

a)

Opo.

b)

Hindi po.

36.

Tinawag na salao si Manolin dahil sa labis na kamalasan nito.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

37.

Ang nobelang 'Ang Matanda at Ang Dagat' ay isa ring alegorya.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

38.

Ang salapang ni Santiago ay sumisimbolo sa pananalig ng mga tao na siyang nagiging panangga sa mga problema sa buhay.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

39.

Ang marlin at pating ay sumisimbolo sa dalawang uri ng problema ng tao na (1) dapat ay hinaharap at (2) hindi pinapansin.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

40.

Ang simbolismo ng mast ay nagbibigay ng babala na umiwas o huwag maniwala sa Diyos dahil kadalasan ay sila pa ang inuulan ng suliranin sa buhay.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

41.

Ang buod ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

42.

Ang karakter na si Manolin ay nagpakita ng simbolo ng pag-asa sa nobela dahil wala itong ipinaramdam sa pangunahing tauhan kundi pagmamalasakit sa kabila ng lahat.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

43.

Ang nobelang 'Titser' ay isinulat ni Genoveva Edroza-Matute.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

44.

Sa pangkalahatan, ang nobela ni Hemingway ay tumuon sa pagkakaroon ng kaibigan ng tao para malampasan ang mga suliranin sa buhay.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

45.

Ayon kay Hemingway, mapatutunayan ng isang tao ang kaniyang katatagan sa kaniyang pag-iisa.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

46.

Ang popa ay bahagi ng dagat na pinuntahan ni Santiago.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

47.

Pinatunayan sa wakas ng nobela ni Hemingway na hindi man siya nagwagi na maiuwi ang marlin, nagwagi naman siya sa pagkamit ng respeto ng mga kababayan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

48.

Ang nobelang 'Titser' ay halimbawa rin ng uri ng nobela ng tauhan dahil ito ay ukol sa katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon at pangangailangan.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

49.

Sa nobelang 'Titser', ipinakita kung gaano kataas ang tingin ng lipunan sa propesyon ng mga guro.

a)

Opo.

b)

Hindi po.

50.

Sa mga panahong nakikipagbuno si Santiago sa marlin at pating, nangibabaw ang tunggaliang tao laban sa sarili dahil sa mga isipin ng matanda.

a)

Opo.

b)

HIndi po.