WorksheetsQ2 Summative Test 1
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.
A. Napipilitan lamang magbigay.
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya dahil nasa batas ng kanilang samahan.
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot,damit at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya't magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.
A. Napipiltan lamang magbigay
B. Nagbigay ng bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya sa ibang nagbigay.
D.Nagbigay dahil hindi na nya kailangan ang ipamimigay.
Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa covered court ng barangay. May inililikas na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang mga de latang malapit nang masira.
A. Napipilitan lamang magbigay.
B. Nagbigay ng bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya sa ibang nagbigay
D. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban.
C. Nakikigaya sa ibang nagbigay.
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahana.
Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap subalit may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa iyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.
A. Napipilitan lamang magbigay.
B.Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
C. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
D. Nagbigay ng bukal sa kalooban.
Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya't sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man madalas mong marinig na may pumi[intas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Tanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang mga pintas nila
B. Hindi ko sila papansinin.
C. Aawayin ko sila.
D. pipintasan ko rin sila.
Pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan ka sa iyong kaklase. Paano mo iti tatanggapin?
A. Hihingi ako ng sorry sa aking guro.
B. Ipagpapatuloy ko pa rin ang aking ginagawa.
C. Sisimangutan ko ang aking guro.
D. Hindi ko siya papansinin.
Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta.
C. Aawayin ko sila.
D. Wala akong pakialam.
May bago kang kaklase galing sa malayong probinsya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
A.Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
B. gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
C.Hindi ko sila papansinin.
D. Wala akong pakialam.
Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
A. Kakausapin ko siya ng mahinahon at hihingi ng sorry sa pagkakamaling nagawa.
B.hahamunin ko sya ng away.
c. Babatikusin ko rin siya.
D. Hindi ko na lang siya papansinin.
Narinig mong nakikipag away ang kaibigan mong si Richard. Dali dali kang tumakbo papunta sa kaniya at nakita mong binabato niya ang isang bata? Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan ko ang bata para matakot
B. Tutulungan ko siya upang matalo ang bata.
C. Sasawayin ko at pagsasabihan ang kaibigan ko.
D. Pababayaan ko lang hanggang sa huminto ang kanilang pag-aaway.
Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng maayos at tahimik na kapaligiran MALIBAN sa:
A. Masaya at may pagkakaunawaan ang magkakapitbahay sa Barangay Tahimik.
B. May pag-aalala ang mga mamayan ng Barangay Maalalahanin dahil sa lumalaganap na akyat- bahay sa kanilang lugar.
C. Hindi sumusunod sa "curfew" ang mga mamayan sa Lungsod ng Masunurin.
D. Walang maririnig na ingay ng videoke kapag sumapit ang alas onse ng gabi sa Barangay Bida.
Magkapatid sina Ara at Dana at iisa ang kanilang silid tulugan. Maayos si Ara sa gamit samantalang si Dana ay magulo sa kaniyang mga kagamitan. Minsan naiinis na si Ara dahil hindi siya mapakali sa tuwing makalat ang kanilang silid. Kung ikaw si Ara ano ang iyong gagawin?
a. Aawayin ko si Dana.
B. Hahayaan lang ito.
C. Aayusin ang mga gamit at kakusapin si Dana na tumulong mag ayos ng kanilang silid tulugan.
D. Isusumbong si Dana sa nanay.
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang kaayaayang kapaligiran MALIBAN sa:
A. Makalat na kalye.
B. Luntiang kapaligiran.
C. Maayos at malinis na drainage system.
D. Pagsunod sa "No Parking Area No car Policy"
Paano ka makakatulong para makamit ang pagkakroon ng isang kaaya-ayang kapaligiran?
A. Huwag pansinin ang itinakdang curfew hour
B. Makibahagi sa Clean and Green Program ng Barangay
C. Makipag kaibigan sa mga tambay na naninigarilyo at nag iinuman
D. Magkunwaring hindi nakita ang tambak na basura sa kusina
