WorksheetsAntas ng Wika
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ano ang tatlong antas na nasa ilalim ng kategoryang impormal na ito?
Pormal, pampanitikan, at pambansa
Kolokyal, Balbal, at Bulgar
Kolokyal, Balbal, at Lalawiganin
Pormal, 'di-pormal, at impormal
ang _____ ay itinuturing pinaka dinamikong antas ng wika at tinatawag ding singaw ng panahon.
Balbal
Impormal
Kolokyal
Bulgar
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa antas Kolokyal
nasan
kelan
sakin
sa iyo
Anong antas ang mayaman sa paggamit ng idyoma o tayutay sa paggamit ng wika o salita?
Kolokyal
Pambansa
Panlibro
Pampanitikan
Saan madalas ginagamit ang kategoryang Pormal?
Sa isang intelektuwal na usapin o sulatin
Sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan
Habang nagiinuman
Kapag nakikipagpalitan ng ideya sa iyong matalik na kaibigan
Narinig mong nag-uusap ang iyong mga magulang at kamag-anak gamit ang wikang Bisaya. Ikaw ay tinawag ng iyong Ama upang magmano at makipag kwentuhan sa inyong mga kamag-anak. Anong antas ng wika ang dapat mong gamitin?
Balbal
Pambansa
Lalawiganin
Pampanitikan
14344 – Ano ang ibig-sabihin ng mga numerong ito?
I love you
I hate you
I love you very much
I love you very very much
Narinig mo ang iyong kamag-aral na gumagamit ng salitang ermat, sakalam, at parak. Nasa anong antas kaya ng wika ang ginagamit ng iyong kamag-aral?
Kolokyal
Lalawiganin
Balbal
Pambansa
Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.
Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan.
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Pormal
Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.
Jean: Uy, si Lola, emote na emote.
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Pormal
Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.
Lito: Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya ito eh.
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Pormal
Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.
Tita Lee: O sige, kaon na mga bata... Tayo'y magdasal na muna.
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Pormal.
Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap.
Tito Mando: Kailan ba naman ang pag-iisang dibdib?
Balbal
Kolokyal
Lalawiganin
Pormal
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-araw, at madalas gamitin sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.
.Impormal o Di- Pormal
pambansa
lalawiganin
kolokyal
Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat ng aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
pambansa
lalawiganin
balbal
kolokyal
