WorksheetsAspekto ng Pandiwa
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Salitang nagpapakita o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
pangngalan
panghalip
pandiwa
pang-uri
Alin ang pandiwa sa pangungusap?
Ang bata ay sumayaw sa plasa kahapon kasama ang kanyang mga kaibigan.
sumayaw
kahapon
kasama
kaibigan
Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang ________________sa bakuran.
naglaro
naglalaro
maglalaro
Humingi ng meryenda si Allan kaya____________________________ ko siya ng turon.
binigyan
binibigyan
bibigyan
Ikaw ba ang_________________________ ng larawang ito? Napakaganda ng gawa mo!
gumuhit
gumuguhit
guguhit
______________________ ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit ang ulo niya.
Nagpahinga
Nagpapahinga
Magpapahinga
Ang tatay mo ay______________________ bukas nang alas otso.
tumawag
tumatawag
tatawag
Pinulot ni Sam ang mga manggang__________________sa ilalim ng puno
nahulog
nahuhulog
mahuhulog
Magsisimba ako mamaya._________________ ba kayo sa akin?
Sumama
Sumasama
Sasama
___________ ang mga tao ng magandang panahon sa susunod na araw. Nanalangin sila na bumuti na ang lagay ng panahon.
Umasa
Aasa
Umaasa
Aasahan
Ibigay ang salitang kilos na nagawa na.
naghuhugas
maghuhugas
naghugas
Ibigay ang salitang kilos na nagawa na.
aakyat
umakyat
umaakyat
Ibigay ang salitang kilos na gagawin pa lang.
naghuhugas
maghuhugas
naghugas
Ibigay ang salitang kilos na gagawin pa lang.
aakyat
umakyat
umaakyat
Kinakausap ni Marco si Anna tungkol sa kanilang takdang aralin. Ano ang pandiwa sa pangungusap?
tungkol
Marco at Anna
Kinakausap
