WorksheetsQ2 ESP6 SUMMATIVE2
Total questions: 20
Worksheet time: 16mins
Nagkukunwari akong may sakit para lamang hindi makapasok sa aming synchronous class.
Tama
Mali
Sinasabi ko na sira ang aking camera kahit hindi naman upang hindi ako makita na nakahiga pa rin.
Tama
Mali
Ako lamang ang sumasagot sa aking mga takdang –aralin at hindi ko pinapasagutan sa iba.
Tama
Mali
Pinag-iisipan ko ang mga inilalagay ko sa aking ginawang islogan at hindi ako nandaraya o kumokopya sa google.
Tama
Mali
Kapag mayroon kaming online games nagpapaturo ako ng sagot sa kasama ko sa aming bahay.
Tama
Mali
Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang panoorin.
NAKABUBUTI
HINDI NAKABUBUTI
Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa YouTube.
NAKABUBUTI
HINDI NAKABUBUTI
Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.
NAKABUBUTI
HINDI NAKABUBUTI
Nakakapag-Facebook nang magdamag.
NAKABUBUTI
HINDI NAKABUBUTI
Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
NAKABUBUTI
HINDI NAKABUBUTI
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaunlad ng pagkatao sa pakikipagkaibigan?
a. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
b. Natututuhan kung paano maging mabuting tagapakinig
c. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan
sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan
d. Natututong maging madamot
. Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan MALIBAN sa:
Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa.
Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan.
Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling pananaw.
Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga kaysa sa isang ordinaryong kakilala lamang.
Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan MALIBAN sa:
Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang pagbabahagi ng sarili.
Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na makukuha sa iba.
Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.
Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin.
Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian kagaya sa kaparehong kasarian. Upang maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian nararapat na isaalang alang ang:
Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit-ulit na pagdanas dito
dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapwa
dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
Ang sumusunod ay naidudulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao MALIBAN sa:
Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.
Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.
Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag- kaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.
Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng obserbasyon sa sariling ugnayan at ugnayan ng iba.
Para sa bilang 17-19. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Zeny at Cely sa paaralang kanilang pinapasukan. Nagustuhan ni Cely ang pagkamasayahin, makuwento, at maalalahanin ni Zeny.
Masaya sila sa kanilang relasyon bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t isa; ang mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Cely, lubos at walang kondisyon ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag natataasan niya ang iskor ni Zeny sa kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay pumupuri sa magagandang gawaing naipamalas ni Cely, sa ibang kaklase sumasama ang loob ng huli. Nasasaktan si Cely pero wala siyang lakas ng loob sabihin ito kay Zeny. Ang lahat ng kaniyang saloobin ay sinasarili na lamang niya.
Kung ikaw si Cely ano ang pinakamakatwirang hakbang upang maging malinaw ang katayuan ng kaniyang pakikipagkaibigan kay Zeny?
Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan
Ipakita kay Zeny na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas sa kaniya
Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong asal / ugali ng kaibigan
Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Zeny sa kaniyang kaibigan?
Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan
May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa
Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase
Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan
Mula sa kuwento ng pagkakaibigan nina Zeny at Cely, alin sa sumusunod na konsepto ang angkop dito?
Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayang namamagitan.
Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago.
Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa kanila na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
Bakit mo siya kaibigan?
Dahil nanlilibre
Dahil pinapautang ako
Dahil mapagkakatiwalaan.
Dahil madamot.
