NEW
Font size
WorksheetsSummative Test in EsP Q2
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng iyong guro.
Maaawa ako sa kanya.
Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon namin sa Matematika.
Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.
Pinagtatawanan ng mga kaklase mo ang bagong lipat ninyong kamag-aral dahil sa kaniyang ipinakitang sayaw at kasuotang Muslim sa inyong programa sa paaralan.
Sasawayin ko sila dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang alam at nakasanayan niya.
Sasawayin ko sila dahil nakakaawa naman ang bago naming kaklase.
Sasawayin ko sila dahil masama ang makipagaway.
Wala sa nabanggit
May mga birong nakasasakit ng damdamin kahit hindi sinasadya ng nagbibiro.
Tama
Mali
Tumutukoy ito sa pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa.
dignidad
karapatan
tungkulin
respeto
Kadalasan tuwing may kalamidad o sakuna, likas sa ating mga Pilipino ang mag-alay ng ating panahon, sarili at yaman para sa iba. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita natin?
Kabayanihan
Pagmamalasakit
Kasipagan
Pagmamahal sa kapwa
Ano ang iyong gagawin kapag nakita mo ang iyong kaklaseng Muslim na nag-iisa?
Iiwasan ko siya.
Hindi ko siya papansinin sapagkat isa siyang Muslim
Lalapitan ko siya at aking kakaibiganin
Lalapitan ko siya at sasabihing lumipat na lamang siya ng ibang paaralan.
Sa panahon ng pandemya, nararapat na ang bawat isa sa atin ay
mag iwanan sa oras ng pangangailangan
Pabayaan na lang
nagdadamayan at nagtutulungan
Pagsubok may dumaan ito'y kayang malampasan, magtiwala ka lamang at _____________pahalagahan.
Pananampalataya
Pakikisama
pakikipag kaibigan
Ang pananalig sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa ay nagpapatatag sa _________ng tao.
ispirituwalidad
abilidad
Kapasidad
Ang tumutulong sa kapuwa ay laging_________
iniiwasan
iniiwanan
pinagpapala
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaisa sa pamilya?
Nag-aaway ang mga kasapi ng pamilya.
Nagtutulungan sa mga gawaing bahay.
Nagdadabog kapag inutusan.
Sabay-sabay kumain ng hapunan. Ito ba ay nagpapakita ng pagkakaisa ng pamilya?
Opo
Hindi po
Hindi ko alam
May sakit ang iyong kapatid. Paano mo maipapakita na mayroon kang malasakit sakanya?
Aawayin ko siya.
Pagtatawanan ko siya.
Aalagaan at bibigyan ng gamot.
Pumunta sa palengke ang iyong ina at naiwan kayo ng kapatid mong may sakit. Ano ang gagawin mo?
Babantayan ko ang aking kapatid.
Makikipaglaro ako sa aming kapitbahay.
Iimbitahin ko ang aking mga kaibigan sa aming bahay.
Dumating ang iyong ama galing sa trabaho at pagod na pagod ito. Ano ang gagawin mo?
Hihingi ako ng pasalubong.
Kakamustahin ko siya at bibigyan ng tubig.
Sasabihin ko na wala pa kaming panghapunan.
Ang mga sumusunod ay gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya MALIBAN sa isa.
Sama-sama sa Pagkain
Sama-sama sa pang-aaway ng kapitbahay
Pagdarasal
Nagsisigawan sina nanay at tatay. Ito ba ay nagpapakita ng pagkakaisa ng pamilya?
Opo
Hindi po
Siguro po
Alin sa mga larawan ang HINDI nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya?
Paano mo maipapakita na ang inyong pamilya ay may pagkakaisa?
Sigawan sina ate at kuya kapag inutusan ka.
Nagtutulungan ang lahat sa gawaing bahay.
Hayaang si nanay ang magligpit ng iyong mga laruan.
Alin ang kilos o gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
Pagtawanan ang kaibigan kapag mababa ang kaniyang marka.
Bigyan ng tubig o pagkain ang pulubi.
Ipahiya ang taong namamalimos.
