NEW
Font size
WorksheetsBalik-aral Module 3
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Naghanda ng kodigo si Jose bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa oras ng pagsusulit, nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masama gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jose?
Bago ang kilos
Habang isinasagawa ang kilos
Pagkatapos gawin ang kilos
Habang iniisip ang kilos
Pagtapos ng kaniyang klase sa hapon, niyaya si Roy ng kaniyang kaklase na manood ng sine at kumain sa isang mall. Bago magpasiya si Roy, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa ng takdang-aralin. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Roy?
Bago ang kilos
Habang isinasagawa ang kilos
Pagkatapos gawin ang kilos
Habang iniisip ang kilos
Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?
Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos.
Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.
Ito ang sinusunod ng kilos-loob.
Isang gabi, naghanda si Karla ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit kinabukasan. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama siya ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo.
Ano ang hindi sinasabi ng pagkabalisa na naramdaman ni Karla sa sitwasyon?
Ito ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Karla ng kaniyang moral na obligasyon na maging tapat at hindi umasa sa kodigo.
Ito ay indikasyon na sinasabi ng kaniyang konsensiya na masama ang gumamit ng kodigo.
Ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang kilos.
Ito ay paghatol ng kaniyang isip na baka mahuli siya ng kanilang guro.
Kung susundin ni Karla ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang hindi niya dapat gawin?
Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral.
Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos.
Pag-iwas sa labis na pag-aalala.
Pagpili ng mabuting opsiyon.
“Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama si Karla ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo”. Ang pagkabalisang ito ay:
ang paghatol ng konsensiya sa kasamaan ng kilos at ang pakiramdam ng obligasyong piliin ang mabuti
ang tinig ng Diyos na bumubulong kay Karla na aminin niya na mali ang pagsilip sa kodigo
babala na baka masanay na siya sa paggawa ng masama
hudyat na kumikilos ang kaniyang konsensiya
Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
Kalayaang tumukoy
Panlabas na kalayaan
Kalayaang gumusto
Panloob na Kalayaan
“Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi”. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan ng tao.
Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
Nagsisi ako dahil may kalayaan ako
“Nagsisisi ako dahil ginawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa.” Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Nagsisisi lamang ang tao sa mga pansariling kilos na ginawa niya
Pagsisisi ang resulta ng hindi paggamit ng kalayaan nang tama.
Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
Ang kasamaan ay dapat pinagsisisihan.
Ayon kay Ester Esteban, ang sumusunod na pahayag ay ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
Hindi sumasalungat ang kilos sa Likas na Batas Moral.
Nakahandang magsisi sa resulta ng pipiliing kilos
