wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Mother Tongue 3

Total questions: 60

Worksheet time: 32mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga bayani ay bantog dahil sa kanilang katapangan. Ano ang kahulugan ng bantog?

a)

tanyag

b)

matalino

c)

matapang

d)

malakas

2.

Ang labis na pagputol ng mga puno ang naging sanhi ng mga pagbaha sa Bicol. Ano ang kahulugan ng sanhi?

a)

dulot

b)

galing

c)

dahilan

d)

epekto

3.

Ang bandila ay iwinagayway na parang dahon sa bukid na sumasayaw sa ihip ng hangin. Ang kasingkahulugan ng salitang iwinagayway ay _____?

a)

iwinasiwas

b)

ipinagpag

c)

inihagis

d)

itinaas

4.

Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng mabango?

a)

mabaho

b)

maamoy

c)

madumi

d)

mahalimuyak

5.

Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng mabilis?

a)

matapang

b)

matulin

c)

mabagal

d)

masigla

6.

Kung ang kasingkahulugan ng magalang ay marespeto, ang dayuhan naman ay ______

a)

ninuno

b)

katutubo

c)

banyaga

d)

etniko

7.

Kung ang matatakutin ay duwag, ano naman ang magiting?

a)

maamo

b)

matapang

c)

mabilis

d)

malambot

8.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? Siya ay may matibay na paninindigan.

a)

marupok

b)

mahina

c)

matatag

d)

malambot

9.

Kung ang kahulugan ng handog ay alay, ano naman ang trabaho?

a)

hanapbuhay

b)

pinuno

c)

alipin

d)

pangulo

10.

Si Teresa pala ang nagtamo ng medalyang ginto.

a)

nagkamit

b)

nagtapon

c)

nagsalo

d)

nag-alis

11.

Piliin ang tamang aspekto ng pandiwa?

______ si Janet ng gamot kanina.

a)

Ininom

b)

IInom

c)

Uminom

d)

Umiinom

12.

______ siya mamayang hapon.

a)

Matutulog

b)

Natutulog

c)

Natulog

d)

Matulog

13.

_________ko ang kampana tuwing umaga.

a)

Nadinig

b)

Nadidinig

c)

Madidinig

d)

Dinig

14.

_________ kami ng bundok noong Marso.

a)

Aakyat

b)

Umakyat

c)

Umaakyat

d)

Inakyat

15.

_______ sina Gina at Maira tuwing Mayo.

a)

Umalis

b)

Umaalis

c)

Naalis

d)

Inalis

16.

______ kami ng tinapay palagi.

a)

Bumili

b)

Binili

c)

Bumibili

d)

Bibili

17.

Ang mga bata ay ____ ng kanilang umagahan kahapon.

a)

nagluto

b)

nagluluto

c)

niluto

d)

magluluto

18.

______ si Airey ng kaniyang kaarawan noong Disyembre 6.

a)

Nagdiwang

b)

Nagdiriwang

c)

Magdiriwang

d)

Diwang

19.

Ang aso namin ay ____ sa tuwing nakaririnig ng ingay sa gabi.

a)

tumahol

b)

tumatahol

c)

tatahol

d)

tahol

20.

Maagang _____ ang tatay ni Icay mula sa trabaho.

a)

uuwi

b)

umuuwi

c)

umuwi

d)

uwi

21.

Kumpletuhin ang pangungusap ayon sa larawan.

_____ gulay ay sariwa.

a)

Ang

b)

Si

c)

Ang mga

d)

Sina

22.

Kumpletuhin ang pangungusap ayon sa larawan.

_________ Jinky at Mae ay magkaibigan.

a)

Si

b)

Ang

c)

Ang mga

d)

SIna

23.

_________ Bb. Cecille ay ang aking guro sa Filipino.

a)

Si

b)

Sina

c)

Ang

d)

Ang mga

24.

________ bata ay naglalaro sa palaruan.

a)

Ang

b)

Ang mga

c)

Si

d)

Sina

25.

________bulaklak ay mabango.

a)

Ang

b)

Si

c)

Sina

d)

Ang mga

26.

________ mga bulaklak ay mababango.

a)

Ang

b)

Ang mga

c)

Si

d)

Sina

27.

_______ Alvin Patrimonio ay isang mahusay na manlalaro ng basketbol.

a)

Si

b)

Ang

c)

Sina

d)

Ang mga

28.

__________ kulay sa ating watawat ay asul, pula, dilaw, at puti.

a)

Ang

b)

Ang mga

c)

Si

d)

Sina

29.

__________ pangulo ng Pilipinas ay inihahalal ng mga mamamayang Pilipino.

a)

Ang

b)

Si

c)

Ang mga

d)

Sina

30.

Tinuruan ko ________ Irene at Marielle kung paano magtahi gamit ang sewing machine.

a)

si

b)

sina

c)

ang

d)

ang mga

31.

 

Punan ang patlang ng pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

Ang mga alituntunin ng paaralan ay_______________ kabutihan ng mga mag-aaral kaya kinakailangan itong sundin.

a)

Alinsunod sa

b)

para sa

c)

ayon sa

d)

hinggil sa

32.

Punan ang patlang ng pang-ukol na bubuo sa diwa ng pangungusap.

__________________ batas ang pagtapon ng basura sa ilog at mga dagat sa Pilipinas.

a)

Labag sa

b)

Hinggil sa

c)

Ayon sa

d)

Alinsunod sa

33.

Ang pagsusulit ay______________ mga magigiting na bayani ng ating bansa.

a)

ayon sa

b)

labag sa

c)

tungkol sa

d)

para sa

34.

Ang mga pagkaing ito ay para sa mahihirap. Ano ang pang-ukol sa pangungusap?

(a)  

35.

Ayon sa balita , parating na ang bakuna sa bansa. Ano ang pang-ukol sa pangungusap? (a)  

36.

Uuwi ako nang maaga (a)   bahay para makapagbasa ng aralin sa Filipino.

37.

Matutuloy ang camping natin bukas (a)   pinuno ng klase.

38.

Nakatulog kaagad ang pangulo dahil bumiyahe siya ________ Lebanon hanggang Pilipinas.

a)

para sa

b)

alinsunod sa

c)

mula sa

d)

sa

39.

Bibili si Aling Marita ng regalo ____________ kanyang anak.

a)

ayon sa

b)

tungkol sa

c)

mula sa

d)

para sa

40.

Ano ang hindi pang - ukol sa mga salita?

a)

ayon sa

b)

laban sa

c)

nina

d)

na

41.

Ang paksa ng pag-aaralan natin ay______sakit na COVID-19.

a)

nina

b)

tungkol sa

c)

labag sa

d)

alinsunod sa

42.

__________sa balita, isang eroplano na naman ang bumagsak mula sa himpapawid.

a)

Mula sa

b)

Ayon sa

c)

Tungkol sa

d)

Dahil sa

43.

Ang protestang ito ay _____ pag-aabuso sa mga kabataan.

a)

laban sa

b)

ayon sa

c)

nina

d)

ayon kay

44.

Ano ang angkop na pang - ukol sa pangungusap?

Sinabi _____ Ana at Fe ang nangyari sa kanilang nanay.

a)

si

b)

sina

c)

nina

d)

na

45.

 

Ito ay inuukol ang isang bagay na nakakabit at nakasuporta sa isa pang bagay.

a)

sa

b)

ukol kay

c)

ni

d)

nina

46.

Ano ang angkop na pang - ukol sa pangungusap ?

Si Jorge ay dumating galing ______ paaralan.

a)

sa

b)

ni

c)

nina

d)

ayon kay

47.

 

Piliin ang angkop na reaksyon.

Gustong-gusto na ni Karl na maglaro sa labas. Ipinagbabawal pa ito sa kasalukuyan kaya nanatili na lang siya sa loob ng bahay.

a)

Sumasang-ayon ako dahil iyon ang makabubuti.

b)

Sa opinyon ko ay maaari nang lumabas.

c)

Dapat ay lumabas na siya kahit saglit lamang.

d)

Walang tamang sagot

48.

Pillin ang angkop na reaksyon.

Ipinagbabawal sa klase ni Bb. Narciso ang paglalaro ng cellphone sa oras ng klase.

a)

Di ako sang-ayon dahil ito’y mahalagang gamit.

b)

Sa aking palagay, magiging sagabal ito sa pakikinig.

c)

Sa opinyon ko, nakatutulong ang cellphone sa pag-aaral.

d)

Walang tamang sagot

49.

 

Piliin ang angkop na reaksyon.

Si Janeth ay mahusay umawit. Lumalahok siya sa iba’t ibang paligsahang pampaaralan at pambarangay.

a)

Nagpapakita si Neth ng kayabangan.

b)

Hindi siya lumalahok sa barangay dahil wala itong grado.

c)

Nakatutuwa na ipinakikita niya ang kaniyang talento.

d)

Walang tamang sagot

50.

Piliin ang angkop na reaksiyon.

Oras ng rises, pinasingit sa pila ni Lyca ang kaniyang matalik na kaibigang si Sid na hulíng dumating.

a)

Maganda ang ipinakitang pagkakaibigan ng dalawa.

b)

Sang-ayon ako sa ipinakita nina Miko at Sid.

c)

Sa aking palagay, dapat pumila si Sid nang maayos.

d)

Walang tamang sagot

51.

 

Piliin ang angkop na reaksiyon.

Kinausap ng guro si Lyzel dahil hindi ito nakapagpása ng kaniyang proyekto. Ibinigay niya ito tatlong araw pagkatapos na magbigay ang guro ng takdang araw ng pagpapása.

a)

 Tama ang ginawa ng guro upang magbigay-aral kay Lyzel.

b)

Hindi ako sang-ayon dahil napahiya si Lyzel sa klase.

c)

Dapat hinayaan na lamang ng guro si Lyzel dahil nakapagpása pa rin naman.

d)

Walang tamang sagot.

52.

Isulat ang iyong Reaksyon o opinyon ayon sa larawan.

(a)  

53.

Ano ang iyong reaksyon tungkol sa dalawang bata?

(a)  

54.

 

Ano kaya ang sasabihin ng bata sa kanyang ama dahil binigyan ito ng regalo? Ibigay ang iyong reaksyon o opinyon.

(a)  

55.

Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw tungkol sa isang balita o isyu.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

56.

Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya.

a)

tama

b)

mali

c)

ewan

57.

Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon, makabubuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging katanggaptanggap ang ating mga opinyon.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

58.

Kapag ikaw ay magbibigay ng reaksyon sa inyong nababasa ,naririnig tulad ng balita, anunsyo o iba pang kaisipan, dapat mong gamitin ang tamang ___

a)

paggalang

b)

ekspresyon

c)

salita

d)

pangungusap

59.

Alin ang hindi ekspresyon?

a)

Nauunawaan ko

b)

Halika!

c)

Sumasang-ayon ako

d)

paumanhin ngunit hindi ako sumasang ayon

60.

Maraming mga proyekto sa paaralan ang mga namumuno. Isa na rito ang pagbibigay ng mga kagamitan sa pag-aaral. Bilang mag-aaral ako ay mapalad.

a)

kaya ako'y mag-aaral ng mabuti para sa mga namumuno

b)

Kaya ako'y mag - aaral ng mabuti at aksayahin ang mga gamit

c)

Kaya ako'y mag-aaral ng mabuti para sa pamilya at bayan.

d)

Kaya ako'y mag-aaral ng mabuti para maraming gamit pa ang maipamimigay