WorksheetsESP SUMMATIVE 1
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Masakit ang ngipin ng iyong nakababatang kapatid. Oras na ng pananghalian at hindi pa umuuwi ang inyong nanay. Ano ang gagawin mo?
Hindi ko siya papansinin
Patutulugin ko na lang ang aking kapatid
Bibigyan ko muna siya ng pagkaing malambot upang hindi siya mahirapang kumain
Nadatnan mong nakahiga ang iyong nanay pagkauwi mo mula sa paaralan. Masama ang kaniyang pakiramdam. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pagtulong at pag-aalaga sa iyong nanay na may sakit?
Magpapatulong sa nakatatandang kapatid sa pagluto ng sopas upang may makain si nanay
Paiinumin ko siya ng kahit na anong gamot upang siya ay gumaling
Hihintayin ko ang pagdating ng tatay
May benda ang sugatang binti ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan dahil sa aksidente. Nakasaklay pa siya pagpasok sa inyong silid-aralan. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kaniya?
Aayain ko siyang maglaro sa labas
Hindi ako maglilikot upang hindi ko masagi ang kaniyang binti
Aakayin siya at hindi na gagamitin ang saklay
Ang pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman ay hindi lamang sa mga nakatatanda kundi pati rin sa mga kabataang katulad mo.
tama
mali
Walang kakayahan ang mga batang katulad mo na mag-alaga ng mga may karamdaman.
tama
mali
Para higit mong matulungan ang nanay mo na may karamdaman, umiiwas ka na maging pasaway, bagkus ay tumutulong ka sa gawaing bahay.
tama
mali
Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa mga taong may sakit?
Pagkamahiyain
Pagkamalikhain
Pagmamalasakit
May ubo at sipon ang iyong kamag-aral. Wala siyang dalang pamunas ng kaniyang ilong kaya pinagtatawanan siya ng inyong mga kaklase sa tuwing tumutulo ang kaniyang sipon sa ilong. Ano ang iyong gagawin?
Makikitawa rin ako
Huwag pansinin ang kaklase
Ipahihiram ko sa kaniya ang aking malinis na panyo
Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa iyong kapwang may sakit?
Sa pamamagitan ng paghingi ng pera
Sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa kanila
Sa pamamagitan ng pagtulong at pag-aalaga
Sa simple mong paraan, ano ang maaari mong magawa para sa kaibigang may sakit?
Dadalhin sa mamahaling ospital
Hahandugan ng kanta para maaliw
Bibilhan ng tsokolate at mga tsitsirya
Nabalitaan mong may malubhang sakit ang iyong pinsan. Ano ang gagawin mo?
Dadalawin at aaliwin
Wala nang magagawa
Hindi na lang papansinin
Dinalaw mo sa kanilang bahay ang kaklase mong may sakit. Tungkol saan ang pwede ninyong pag-usapan upang siya ay sumigla?
Problemang dulot ng pagkakasakit
Pag-aaway ng mga kaklase sa loob ng klase
Masasayang pangyayari na naganap sa klase
Ang dalawin at aliwin ang taong may sakit ay isang kaugalian na nagpapakita ng ____________________.
pakikialam sa ibang tao
pananampalataya
pagmamalasakit
Nakatutulong ba ang paglalaan ng oras sa pagdarasal para sa mga taong may karamdaman upang mapabilis ang kanilang paggaling? Bakit?
Hindi, dahil wala itong bisa
Oo, dahil sa taimtim na dasal ay walang imposible
Oo, dahil malakas ang kapangyarihan mo
Nagmamadali kang umuwi ng bahay pagkatapos ng klase dahil may sakit ang iyong nanay at ikaw ang tutulong sa iyong tatay na maghanda ng hapunan. Nadaanan mong naglalaro sa plasa ang iyong mga kaibigan. Gustong-gusto mong sumali. Ano ang iyong gagawin?
Maglalaro muna saglit
Aawayin ang mga kaibigan
Ipagpapaliban muna ang paglalaro at tutulong sa tatay
