wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahang Pagsusulit Araling Panlipunan 6

Total questions: 72

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula 1942-1945 ay tinawag na _____.

a)

Panahon ng Kataksilan

b)

Panahon ng Kadiliman

c)

Panahon ng Kapayapaan

d)

Panahon ng Paghihimagsik

2.

Mga dayuhang naging malupit na mananakop ng mga Pilipino.

a)

Hapones

b)

Tsino

c)

Alemanya

d)

Italyano

3.

Anong makasaysayang pahayag ang sinabi ni Heneral Douglas MacArthur?

a)

"We will win.”

b)

“I shall return.”

c)

“We will prevail.”

d)

“We are victorious.”

4.

Anong lungsod ang idineklara bilang “Open City” upang maiwasan ang pagkawasak nito at mailigtas ang buhay ng mga mamamayan?

a)

Baguio

b)

Davao

c)

Manila

d)

Cebu

5.

Sinong heneral ang nagpasuko ng mga Pilipino at Amerikanong kawal sa Bataan noon Abril 9, 1942?

a)

Heneral Masaharu

b)

Hen. Manjaru

c)

Hen. Yamashita

d)

Hen. Wainwright

6.

Sa anong mga lugar nagsimula at nagtapos ang Martsa ng Kamatayan?

a)

Batac, Ilocos Norte hanggang Bulacan

b)

Maynila hanggang Cavite

c)

Mariveles, Bataan at San Fernando, Pampanga

d)

Mariveles, Bataan hanggang Batangas

7.

Sinong heneral ang pumalit kay Hen. Douglas MacArthur?

a)

Jonathan Wainwright

b)

William McKinley

c)

William Taft

d)

Edward Jones

8.

Ilang taon namalagi ang mga Hapon sa Pilipinas?

a)

4

b)

3

c)

5

d)

6

9.

Ano ang tanging layunin ng Greater East Asia Co-prosperity?

a)

maparami ang kanilang nasasakupan

b)

mapag-isa ang mga bansa sa Asya

c)

mapag-isa ang mga pinuno ng bansa sa Asya

d)

Para ipalaganap ang Kristiyanismo

10.

Sino-sino ang bumubuo sa Allied Powers?

a)

Great Britain, France, USA, Austria

b)

Germany, Italy, Japan

c)

France, USA, Great Britain, Russia

d)

USA, Japan, France, Great Britain

11.

Ito ang dahilan kung bakit lumahok ang U.S sa digmaan.

a)

Pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor

b)

Pagbomba ng Japan sa Germany

c)

Pagbomba ng U.S sa Japan

d)

Pagsakop ng Japan sa Pilipinas

12.

Kailan naganap ang pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor?

a)

Disyembre 21,1939

b)

Marso 7, 1939

c)

Disyembre 8, 1941

d)

Disyembre 25,1940

13.

Ano ang naging hudyat ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagbomba sa Pilipinas

b)

Pagbomba sa Pearl Harbor

c)

Pagbomba sa Mollucas

d)

Labanan sa Mactan

14.

Bakit sinakop ng mga Hapones ang bansang Pilipinas?

a)

Dahil sa hangarin nilang mapalawak ang kanilang teritoryo

b)

Upang makakuha ng ginto

c)

Upang makakuha ng mga pampalasa

d)

Upang ipalaganap ang Kristiyanismo

15.

Ano ang tawag sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na nagsitakas sa kabundukan?

a)

NPA

b)

Katipuneros

c)

HUKBALAHAP

d)

Gerilya

16.

Bakit itinuturing na isang “war crime” ang mga pangyayari sa Bataan Death March?

a)

Maraming karahasan ang nangyari dito.

b)

Naging lubhang masama ang mga ginawa ng mga Hapones

c)

Kaawa-awa ang nangyari sa mga sundalong Pilipino at Amerikano.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

17.

Sino ang naging kumander ng United Stated Army Forces in the Far East (USAFFE)?

a)

William Howard Taft

b)

Douglas MacArthur

c)

Jacob Schurman

d)

Wesley Merritt

18.

Saang kampo ikinulong ang mga sundalong Amerikano at Pilipinong “prisoners of war” matapos nilang makaligtas sa “Death March”?

a)

Bataan

b)

Camp O’Donnell

c)

Maynila

d)

Cavite

19.

Ano ang nangyari sa mga kababaihan noong Panahon ng Hapones?

a)

Iginalang

b)

Binigyan ng trabaho

c)

naging " comfort women"

d)

bumuto

20.

Ang bansang pinuntahan ni Arthur MacArthur pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan sa mga Hapon.

a)

Amerika

b)

Australia

c)

Germany

d)

Canada

21.

Ang USAFFE noon ay sapat sa eroplano at mga kagamitang pandigma kaya naman natalo nila ang mga hapones.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

d)

Di Tiyak

22.

Ang tanging partido na tinangkilik ng mga Hapones.

a)

KALIBAPI

b)

KEMPEITAI

c)

HUKBALAHAP

d)

NACIONALISTA

23.

Si Jose B. Vargas ay naging Pangulo ng Philippine Commission.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

d)

Di tiyak

24.

Anong uri ng pamahalaan ang itinatag sa panahon ng mga Hapon?

a)

Demokratiko

b)

Monarkiya

c)

Militar

d)

Diktador

25.

Ito ang nangangasiwa at kumukontrol sa maayos at makatarungang pagbabahagi ng mga pangunahing bilihin.

a)

BIBA o Bigasang Bayan

b)

NADISCO o National Distribution Commission

c)

MAKAPILI

d)

KALIBAPI

26.

Ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan tuwing Abril 9 dahil sa pangyayaring ito upang pahalagahan ang katapangang ipinakita ng mga sundalo.

a)

Pagbomba sa Pearl Harbor

b)

Pagsuko ng Corregidor

c)

Pagdeklara na Open City ng Maynila

d)

Pagbagsak ng Bataan

27.

Binuo niya ang Pambansang Pederasyon ng mga Samahan ng kababaihan noong Mayo 26,1940.

a)

Josefa Llanes -Escoda

b)

Melchora Aquino

c)

Gabriella Silang

d)

Corazon Aquino

28.

Mga sundalong Hapones.

a)

Tulisan

b)

USAFFE

c)

Kempeitai

d)

Gerilya

29.

Ang kilusang ito ay binubuo ng mga magsasaka sa katahimikan ng bayan.

a)

Gerilya

b)

Tulisan

c)

HUKBALAHAP

d)

Katipunero

30.

Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa paaralan?

a)

latin

b)

Tagalog

c)

Niponggo

d)

Ingles

31.

Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Jose P. Laurel noong panahon ng pananakop ng mga Hapones?

a)

Totalitaryan

b)

Militaryan

c)

Puppet

d)

Malaya

32.

Alin ang tama sa panahon ng Puppet Government?

a)

May higit na kapangyarihan ang pangulo ng Republika.

b)

May posisyon para sa pangulo.

c)

Mga militar na Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan

d)

Walang pakialam ang mga Hapones.

33.

 

Sino ang nagbuwag ng partido politika?

a)

Espanyol

b)

Hapon

c)

Amerikano

d)

Alemanya

34.

Salaping ginagamit noong panahon ng Hapones.

a)

Mickey Mouse

b)

Minnie Mouse

c)

Money Tree

d)

Hello Kitty

35.

Bakit tinawag na puppet republic ang pamahalaan?

a)

Dahil naging sunod sunuran lamang ito sa kanilang kagustuhan

b)

Dahil marami silang palabas na puppet show

c)

Dahil sa pagbibigay tiwala ng mga Hapones sa Pilipinas

d)

Dahil sa kasipagan ng ating namumuno.

36.

Sikat na hanapbuhay noong panahon ng mga Hapones

a)

Online Selling

b)

Buy and sell

c)

Pagsasaka

d)

Lazada and shoppee

37.

Namamahala sa pantay-pantay na pamamahagi ng pangunahing bilihin

a)

National Distribution Corporation (NADISCO)

b)

Department of Trade and Industry (DTI)

c)

Bigasang Bayan (BIBA)

d)

Bureau of Internal Revenue (BIR)

38.

Ano ang ibig sabihin ng KALIPABI?

a)

Kapisanan ng Pagkakaisa sa Pilipinas

b)

Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas

c)

Kapisanan ng Pagsasamahan sa Pilipinas

d)

Kapisanan ng Pagsasamahan sa Pilipinas

39.

Ano ang tawag sa pamahalaan na itinatag ng mga Hapones kung saan ay nahirang si Jose Vargas bilang Komisyong Tagapagganap?

a)

Central Administrative Organization

b)

Central Corporation

c)

Pamahalaang Demoktratiko

d)

Totalitaryan

40.

Ano ang mabubuting resulta ng pananakop mga Hapones sa bansa?

a)

pag-aalaga at pagpaparami ng mga isda, hipon at mga bibe, ang pagsasaka at pangingisda.

b)

Walang-awa nilang ginahasa ang mga kababaihan.

c)

Paggamit nila ng karahasan

d)

Hindi naging tapat ang mga Hapones.

41.

Paano pinigilan ng mga Hapones ang pagkanasyonalismo Pilipino noong panahon ng pananakop?

a)

Pinarusahan ng kamatayan ang mga nagkasala.

b)

Pinakulong ang mga kumakalaban na Pilipino sa mga batas.

c)

Ginawang bihag ang sinumang hindi sumunod sa mga utos.

d)

Ipinagbawal ang pag-awit at pagtugtog sa publiko ng pambansang awit ng Pilipinas.

42.

Ano ang pinakamalaking suliranin ang dinanas ng mga Pilipino noong panahon ng mga Hapones?

a)

kawalan ng mga karapatan

b)

kakulangan sa pagkain

c)

kawalan ng trabaho

d)

kawalan ng disiplina

43.

Ang mga sumusunod ay ang mga masasamang epekto ng pananakop ng mga Hapones sa bansa maliban sa isa.

a)

Paggamit ng wikang Tagalog.

b)

Nagdulot ng takot at paghihirap sa maraming Pilipino.

c)

Nawalan ng kalayaan na makapagsalita at makapagpahayag ng damdamin.

d)

Nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon.

44.

Bakit hindi pa rin naging payapa ang buhay ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagbabagong inilunsad ng Pamahalaang Hapones?

a)

Dahil tumaas pa rin ang bilang ng mga pagdakip at pagparusa

b)

Ang ibang Pilipino ay nagsilbing mga espiya

c)

Maraming Pilipino ang nagtaksil

d)

Lahat ay tama

45.

Ano ang ginagawa sa mga Pilipinong kumakalaban sa mga Hapones?

a)

Pinaparangalan

b)

Pinaparusahan

c)

Pinapatawad

d)

Binebenta

46.

Binibigyan ng mga Hapones ang mga Pilipino ng pagkain sa pamamagitan ng _________.

a)

pagrarasyon

b)

paggogrocery

c)

feeding

d)

Pag-iipon ng pagkain

47.

Ang sumusunod ay mga patakaran na inilunsad ng mga Hapones, maliban sa isa.

a)

Pagputol ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos.

b)

Pag-alis ng kalayaang makapagsalita at makapagpahayag.

c)

Pagpaparusa sa mga taong kumakalaban sa mga Hapones.

d)

Lahat ay tama.

48.

Ano-anong mga paghihirap ang dinanas ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones?

a)

Pang-aabusong sekswal sa mga kababaihan

b)

Pagkakaroon ng malayang pamumuhay

c)

Kakulangan sa pagkain

d)

Wala sa sagot

49.

Anong Saligang Batas ang nabuo sa panahon ng Pananakop ng Hapones?

a)

Saligang Batas ng 1943

b)

Saligang Batas ng 1987

c)

Saligang Batas ng

1934

d)

Saligang Batas ng 1986

50.

Ano ang tawag sa mga Pinunong Pilipino na sumusuporta sa mga gawaing pampolitika ng mga Hapones?

a)

Kempeitai

b)

Makapili

c)

Kolaboreytor

d)

Kalibapi

51.

Alin sa sumusunod ang naging resulta ng pagbagsak ng Bataan?

a)

Rally

b)

Military Parade

c)

Death March

d)

Protesta

52.

Sino ang namuno sa HUKBALAHAP?

a)

Jesus Lava

b)

Macario Pelarta

c)

Luis Taruc

d)

Ruperto Kangleon

53.

 

Alin ang tawag sa pantalan ng hukbong-dagat ng mga Amerikanong nasa Hawaii?

a)

Pearl Harbor

b)

Hiroshima

c)

Clark Field

d)

Nagasaki

54.

 

Ano-ano ang mga dahilan ng pagkatalo ng mga Amerikano at Pilipino sa mga Hapones?

a)

matinding gutom at uhaw

b)

maraming armas

c)

marami ang may sakit

d)

kulang ang mga armas

55.

 

Bakit nagdeklara si Hen. Douglas MacArthur na gawing “open city” ang isang lungsod nang dumating ang mga Hapones sa lungsod?

a)

Upang umunlad ang turismo ng lungsod

b)

Upang mahikayat ang ibang bansa na sakupin ang lungsod

c)

Upang matigil ang pagsakop ng Amerikano sa lungsod

d)

Upang maiwasan ang pagkasira ng lungsod at pagsalakay ng mga Hapones

56.

 

Alin ang UNANG pangyayari sa pananakop ng Hapon?

(isang sagot lamang)

a)

Naganap ang Martsa ng Kamatayan

b)

Pagbagsak/Pagsuko ng Bataan

c)

Pag-atake sa Pearl Harbor

d)

Pagsuko ng Hapon

57.

Alin ang IKALAWANG pangyayari sa pananakop ng Hapon?

(isang sagot lamang)

a)

Naganap ang Martsa ng Kamatayan

b)

Pagbagsak/Pagsuko ng Bataan

c)

Pag-atake sa Pearl Harbor

d)

Paglisan ni MacArthur

58.

Aling pangyayari ang IKATLONG naganap sa pananakop ng mga Hapones?

(isang sagot lamang)

a)

Naganap ang Martsa ng Kamatayan

b)

Pagbagsak/Pagsuko ng Bataan

c)

Pag-atake sa Pearl Harbor

d)

Paglisan ni DOuglas MacArthur

59.

Anong wika ang ipinagbawal gamitin sa panitikan sa panahon ng Hapon?

a)

Ingles

b)

Pilipino

c)

Niponggo

d)

Tagalog

60.

Ano ang ibig sabihin ng USAFFE?

a)

United States of America Forces in the Far East

b)

United States Armed Forces on the For East

c)

United States Armed Forces in the Far East

d)

United States Armed Forces in the Forest

61.

 

Piliin ang Letra ng tamang Sagot.

Ito ay grupo nang alyansa ng mga bansang Japan, Italy at Germany.

a)

Allied Forces

b)

Axis Powers

c)

HUKBALAHAP

d)

USAFFE

62.

 

Ang grupo na ito ay alyansa ng mga bansang Estados Unidos, Great Britain, Russia at France.

a)

Allied Forces

b)

Hukbalahap

c)

USAFFE

d)

Axis Powers

63.

Ang Mga Gerilya ay Hukbong Hapones.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

d)

Di-tiyak

64.

Ipinagpatuloy ni Jose P. Laurel ang magandang Programa para sa mga Pilipino sa kabila ng Pagkontrol ng mga Hapones sa Pamahalaan.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

d)

Di tiyak

65.

Paano tinugunan ng mga Pilipino ang kahirapang dulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Maraming Pilipino ang naging abala sa buy and sell.

b)

Nangibang bansa ang maraming Pilipino.

c)

Nagsumikap na mag-aral ang mga Pilipino.

d)

Wala sa sagot

66.

Pinatigil ng mga Hapones ang pag-aangkat ng mga produkto at ipinasara ang maraming pagawaan at industriya.

a)

Tama

b)

Mali

c)

Ewan

d)

Di Tiyak

67.

Kailan sinalakay ng mga Hapon ang Bataan?

a)

Abril 9, 1942

b)

Mayo 9, 1942

c)

Abril 8, 1942

d)

Abril 9, 1941

68.

Ano ang ibig sabihin ng "Black market"?

a)

Ilegal na bentahan ng iba't ibang produkto

b)

Pagnanakaw

c)

Buy and sell

d)

Online selling

69.

Ang halaman na ipinapatanim sa Gitnang Luzon.

a)

Tabako

b)

Palay

c)

Bulak

d)

Kape

70.

Itinatag upang makatulong sa kakulangan ng pagkain.

a)

BIBA

b)

BUY AND SELL

c)

NEDA

d)

NADISCO

71.

 

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na Acronymn : HUKBALAHAP

(a)  

72.

Ano sa palagay mo ang reaksyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Hapon? (5 puntos)

4 lines