Font size
WorksheetsQ2 AP4 SUMMATIVE3
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Ano ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas?
Lupang Hinirang
Lupang Sinilangan
Lupang Tinibuan
Lupang Minamahal
Ano kaya ang isinasalaysay sa ating pambansang awit?
Ang pakikipaglaban ng mga Hapones para sa kalayaan ng Pilipinas
Ang pakikipaglaban ng mga Espanyol para sa kalayaan ng Pilipinas
Ang pakikipaglaban ng mga Amerikano para sa kalayaan ng Plipinas
Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan ng Pilipinas.
Sino ang gumawa ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas?
Juan Luna
Jose Palma
Antonio Luna
Julian Felipe
Ang orihinal na pamagat ng ating pambansang awit ay _______.
Marcha Filipina Magdiwang
Filipinas
Marcha Nacional Filipina
Marcha Filipina Magdalo
Kailan naganap ang pagtugtog ng komposisyon ni Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni Aguinaldo sa Cavite?
Hunyo 15, 1898
Hunyo 14, 1898
Hunyo 13, 1898
Hunyo 12, 1898
Sino ang may akda ng liriko ng ating pambansang awit na hango pa sa isang tulang pinamagatang FILIPINAS?
Jose Palma
Antonio Luna
Juan Luna
Julian Felipe
Ano ang kumakatawan sa walong sinag ng araw sa watawat ng PIlipinas?
Ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan
Ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng himagsikan
Ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa ilalim ng Batas Mlilitar.
Ang walong lalawigan na hindi napasailalaim ng Batas Militar
Isa sa mahahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas. Tatlo ang pangunahing kulay nito. Ano ang mga ito?
bughaw, pula, at puti
bughaw, pula, at itim
bughaw, pula, at berde
bughaw, dilaw, at puti
Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas. Piliin kung alin ang mga ito.
Luzon, Mindanao, at Visayas.
Manila, Visayas at Mindanao
Luzon, Palawan at Mindanao
Luzon Visayas at Marinduque
Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay unang tinahi sa loob ng limang araw sa Hongkong. Sino ang mga babaing nagtahi ng ating watawat?
Melchora Aquino, Josephine Bracken at Gabriela Silang
Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad
Gregoria Montoya, Teresa Magbanua at Trinidad Tecson
Teodora Alonzo, Maxima Bonifacio at Josefa L. Escoda
Tatlo ang pangunahing kulay ng watawat ng Pilipinas. Anu-ano ang mga ito?
bughaw, kahel at pula
bughaw, berde at lila
bughaw, pula at puti
berde, pula at puti
Kung ang bughaw na kulay sa watawat ay para sa kapayapaan, ang pula ay para sa kagitingan, ano naman ang sinisimbolo ng kulay na puti?
kalinisan
kapangyarihan
kapurihan
kadakilaan
Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng Pilipinas. Ito ay ang _______.
Laguna, Valenzuela at Maynila
Luzon, Visayas at Maguindanao
Laguna, Pampanga at Bulacan
Luzon, Visayas at Mindanao
Ang walong sinag ng araw ay kumakatawan sa walong lalawigan na ____________
unang naghimagsik upang ipatalo ang bayan
unang naghimagsik upang ipagtanggol ang kalayaan ng bayan
unang sumuko sa pagtatanggol sa bayan
huling naghimagsik uoang ipagtanggol ang bayan
Siya ang nagdisensyo ng watawat ng Pilipinas.
Andres Bonifacio
Apolinario Mabini
Emilio Aguinaldo
Jose Rizal
Ang tatlong babaeng nagtahi ng Watawat ng Pilipinas ay sina Marcella Agoncillo, Delfina Herbosa Natividad at si ______.
Gabriela Silang
Josefa L. Escoda
Lorenza Agoncillo
Melchora Aquino
Tuwing anong petsa ginugunita ang National Flag Day?
May 1
May 28
June 12
June 28
Ito ang batas na nagbibigay sa atin ng alituntunin tungkol sa paggalang at pagrespeto sa bandila at pambansang awit.
Executive Order 179 s. 1994
Artikulo XVI, Seksyon 1
Republic Act 8491
Wala sa mga nabanggit
Naihahayag na ang bansa ay nasa digmaan kapag ang _______ kulay ng watawat ay nasa itaas habang nakawagayway
bughaw
dilaw
pula
puti
Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng watawat maliban sa isa.
Sumasagisag din ito sa Kalayaan
Pinaka-mahalagang simbolo ng ating bansa
Sumasagisag sa pakikipagdigmaan sa ibang bansa
Sumasagisag ito sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga mananakop na dayuhan
