NEW
Font size
WorksheetsModyul 8- Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
May kamag-aral ikaw na madalas di tumutulong sa pangkatang gawain. Alin sa sumusunod na pahayag ang maaari mong sabihin dito?
"Hindi na ako natutuwa sa iyo" "Tumulong ka naman"
"Mas mapapadali ang ating gawain kung tayo ay magkakaisa"
"Kung ayaw mong tumulong ay di huwag"
"Bukod sa pagtunganga, ano pa ang kaya mong gawin"
Alin sa mga sumusunod ang mapanagutang tagasunod?
Napipilitang sumunod sa lider dahil ibinoto ito ng nakakararami
Bulag sa pagsunod sa ipinagagawa ng lider kahit ito ay labag sa kanyang paninindigan
May tiwala sa kanyang lider
Lumalaban sa kanyang lider
Ang mga sumunod ang nangingibabaw na dahilan kung bakit ninanais ng isang tao ang sumunod sa namumuno.
Dahil sa kapakinabangang natatanggap
Dahil sa kawalan ng disposisyon sa sarili
Dahil sa awtoridad
Dahil sa tiwala sa lider
May gaganaping eleksyon sa Sangguniang Kabataan at sina Kino at Via ay nag-iisip kung sino ang karapat dapat na iboto. Nais nila na ang lider na kanilang iboboto ay mapanagutan. Sa iyong palagay sino sa mga sumusunod ang kanilang karapat dapat na piliin.
Si Kierra na nabigyang inspirasyon ang mga batang lansangan upang mag aral muli.
Si Sev na mahilig mag utos sa mga kabataan na maglinis ng kapaligiran
Si Yanna na madalas lumiban sa pagtitipon ng mga kabataan dahil siya ay nag-aaral sa kolehiyo
Si Samantha na palaging nanlilibre ng miryenda sa mga miting ng kanyang nasasakupang grupo
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat taglayin ng isang tagasunod?
pagsunod sa namamuno
paglilingkod ng tapat
nakikiiisa
sinasarili ang talento
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno.
Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkakamit ng layunin
Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magandang proyekto
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng lider na pinipili ng mga tao?
Nagbibibgay ang lider ng inspirasyon sa pangkat
Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod
Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya
Nagpapamalas ang lider ng integridad
Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod MALIBAN sa_____?
Pagtataguyod na makamit ang pansariling layunin ng pangkat
Pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
Pagiging tapat maunawain at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan ang kapwa
Pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
Ang ganitong uri ng lider ay madaling makatuklas ng magaganda at mabuting pagkakataon upang mas maging matagumpay ang kanyang pangkat gamit ang kanyang talino at kasanayan.
Inspirasyonal
Lohikal
Transpormasyonal
Adaptibo
Bakit mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod kaysa maging lider?
Dahil mas madaling maging tagasunod kaysa maging lider
Dahil mas madaling kumilos, hindi kalangan laging may isinasaalang-alang
Dahil mas madaling sumunod sa paniniwala at prinsipyo
Dahil mas maraming pakinabang ang tinatanggap
