NEW
Font size
WorksheetsReview-Filipino 9
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sino ang kinilalang bayani ng Indonesia dahil sa pagsulong niya ng karapatan ng mga babae sa lipunan at karapatan na makapag –aral?
Farhana
Estella Zeehandelaar
Raden Adjeng Kartini
Shannon Ahmad
Ano ang tawag sa pagtitipon ng liham kung saan nabibilang ang sanaysay na Kay Estella Zeehandelaar?
liham
nobela
maikling kuwento
tradisyong epistolaryo
Sino ang tinaguriang Ama ng Makabagong Tula sa Pilipinas?
Alejandro G. Abadilla
Buenaventura S. Medina
Francisco Balagtas
Harry Aveling
Mula sa akdang Kay Estella Zeehandelaar, ano ang hangarin ng nagsasalita sa
sanaysay batay sa salitang may salungguhit?
Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon, may isang naiibang kabuluhan ito , isang kahulugan na hindi maaabot ng aking pang-unawa.
lumabas ng bansa
tumakas sa mga magulang
lumaya sa kanilang tradisyon
tutulan ang batas ng kanilang relihiyon
Sa tulang pantun, saan bahagi ng tula makikita o nakasaad ang mahalagang mensahe ng tula?
gitnang taludtod
ikalawang saknong
huling dalawang taludtod
unang dalawang taludtod
Sa tulang pantun, ano ang magiging padron ng isang tula kung nasa ikatlong
saknong?
BCBC
ABAB
CDCD
Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa pantun?
Pag-ibig ang karaniwang paksa ng pantun.
Binubuo ito ng apat na linya at walang nakatakdang dami ng saknong.
Ang padron ng pantun ay A1, b, A2, / a, b, A1, / a, b, A2 .
Ang mensahe ng tula ay makikita sa huling dalawang linya ng pantun.
Batay sa tulang pantun, anong uri ng simbolismo ang ginamit ng may-akda na maiiugnay
sa isang tao na naghahanap o naglalakbay?
bulaklak
kalapati
ibon
paruparo
Alin sa mga sumusunod ang naging taguri ni Kartini kay Estella Zehandelaar?
Ang Prinsesa ng Javanese
Ang Pemenistang Olandes
Ang Modernong Babae ng Amsterdam
Ang Tagapagtanggol ng mga Kababaihan
Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang may salungguhit?
Tulad mo’y isang magandang bulaklak sa halamanan.
dalaga
damo
kaibigan
uri ng halaman
Ano ang konotasyon ng salitang may salungghit batay sa pagkakagamit
sa pangungusap?
Nang tumuntong ako ng labindalawang taong gulang, ako ay itanali sa bahay- kinakailangan na ikahon ako.
ikulong
itali sa bahay
ilagay sa kahon
itago
Tukuyin kung konotasyon o denotasyon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
Huwag kang masyadong lumapit sa apoy at baka mapaso ka.
konotasyon
denotasyon
Tukuyin kung konotasyon o denotasyon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
Isang kaligayahan sa magulang na makitang nagsusunog ng kilay ang
kanilang mga anak.
konotasyon
denotasyon
Tukuyin ang mga pang-ugnay na nagbibigay ng pananaw na nakapaloob sa
pangungusap.
Umulan nang malakas kanina, siguro may bagyo.
nang
kanina
siguro
umulan
Talagang maganda si Rita sa aking opinyon dahil busilak ang kanyang
kalooban.
Alin ang pang-ugnay sa pangungusap?
maganda
talaga
dahil
busilak
Nang siya ay dumating sa aming tagpuan, nakita ko ang saya sa kanyang mga mata. Ano ang aspekto ng salitang may salungguhit?
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Hindi ko maiwasang sumingit sa usapan habang nagsasalita pa siya. Ano ang aspekto ng pandiwang may salungguhit?
perpektibo
imperpektibo
kontemplatibo
Si Alex ang naging top 1 sa klase _________ masipag siyang mag-aral.
Alin ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap?
wari ko
dulot ng
kaya
kasi
. Bumaha sa buong Metro Manila ________ mga basurang itinatapon sa kung saan-saan lang.
Alin ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin sa pangungusap?
dahil sa
kaya
sapagkat
kung kaya
Panoorin mo ang pelikulang iyon, talagang _______ ka
natawa
natatawa
matatawa
