WorksheetsInteraksiyon ng Demand at supply
Total questions: 11
Worksheet time: 13mins
.Anong konsepto ang nagaganap kung ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse?
Batas ng suplay
batas ng demand
ekwilibriyo sa pamilihan
shortage at surplus
Ang pamilihan ay maaaring makaranas ng _______ kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa dami ng supply.
surplus
shortage
ekwilibriyo
disekwilibriyo
Ipagpalagay na ang bawat baso ng buko juice ay Php10.00 at ang demand function mo ay Qd = 50 – 2P, ano ang iyong magiging quantity demanded?
50
40
30
20
.Anong konseptong pang-ekonomiya ang isinasaad sa pahayag sa ibaba?
Naisipan ni Geraldine na magtinda ng kaniyang home-made ice cream. Sa unang araw, gumawa siya ng 50 ice cream at ibinenta sa halagang sampung piso kada piraso. Nalungkot siya dahil maraming natira sa kaniyang paninda.
surplus
shortage
ekwilibriyo
disekwilibriyo
May 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas
6
10
20,000
30,000
Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
tiangge
talipapa
pamilihan
department store
Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
Sa presyong ito, hindi masaya ang kosyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quatity supplied
Sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.
Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer
Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito
Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito
Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas. Ito ang nagbibigay-daan sa paglipat ng kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahala sa buhay.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag sa konseptong pang-ekonomiya ng surplus?
Biniling lahat ni Alexis ang mga tindang ice cream ni Mary Ann.
Naubos kaagad ang panindang barbecue ni Tiya Isabel matapos itong pakyawin ng mga papauwing studyante.
Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Mang Selo dahil sa suspensiyon ng klase kaninang umaga.
Nais bumili ni Allan ng isang kilong sibuyas ngunit kalahating kilo lamang ang dala nito pag-uwi dahil nagkaubusan na sa palengke.
Biniling lahat ni Franco ang mga tindang biko ni Clara.
ekwilibriyo
shortage
surplus
disekwilibriyo
.Anong konsepto ang nagaganap kung ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse?
Batas ng suplay
batas ng demand
ekwilibriyo sa pamilihan
shortage at surplus
