NEW
Font size
WorksheetsMTB WW#3
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. (Ako ay) _______maghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
A. Ako’y
B. akoy’
C. Kami’y
2. (Siya ay) _______aking guro sa Mother Tongue Based.
A. Siya’
B. Siya’y
C. sila’y
3. (Tayo ay) _______ dapat sumunod sa mga pamamaraan sa pag-iwas sa COVID-19 para sa ating kaligtasan.
A. tayoy’
B. ami’y
C. Tayo’y
Ang Batang Malusog
Ang batang malusog ay batang masaya
Katawan ay malakas at laging masigla
Malinis lagi ang buong katawan
Malayo sa mikrobyo , malusog kailanman.
Masustansiyang pagkain ang baon sa eskwela
Pagkaing pampalakas kahit murang-mura
Ang batang malusog ay yaman ng bayan
Ipagpatuloy mo nag magandang nasimulan.
4. Ano ang pamagat ng tula?
A. Ang Batang Mapayat
B. Ang Batang Malusog
C. Ang Batang Masipag
Ang Batang Malusog
Ang batang malusog ay batang masaya
Katawan ay malakas at laging masigla
Malinis lagi ang buong katawan
Malayo sa mikrobyo , malusog kailanman.
Masustansiyang pagkain ang baon sa eskwela
Pagkaing pampalakas kahit murang-mura
Ang batang malusog ay yaman ng bayan
Ipagpatuloy mo nag magandang nasimulan.
5. Ano ang dapat baunin sa eskwela ?
A. Juice at chichirya
B. Burger at pizza
C. Masustansiyang pagkain
6. Bakit kailagan nating alagaan ang ating sarili?
A. Upang maging batang malusog at hindi sakitin
B. Upang maging batang payat at sakitin.
C. Upang maging batang iyakin.
Ang Aso at ang Uwak
May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay niya ito at lumipad nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”
Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak. Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan kaagad sinunggaban ng aso. Walang nagawa si uwak kundi tingnan ang pagkain ng aso sa nahulog nyang karne.
Mula noon hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.
7. Tungkol saan ang binasang pabula?
A. Tungkol sa Pusa at Daga
B. Tungkol sa Ibon at Uod
C. Tungkol sa Aso at Uwak
8. Anong mapupulot nating aral mula sa pabulang binasa na "Ang aso at ang uwak "??
A. Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para maisahan ka.
B. Dapat mag-aral nang mabuti.
C. Maging matipid sa anumang bagay.
9. Isang umaga, papasok ka sa paaralan, nasalubong mo ang iyong kapitbahay na si Mang Tisoy. Anong pagbati ang gagamitin mo?
A. Magandang umaga po.
B. Magandang tanghali po.
C. Magandang gabi po.
10. Hindi sinasadyang nabangga mo ang iyong kaklaseng pilay. Anong magalang na salita ang sasabihin mo?
A. Walang anuman.
B. Maaari ba na tumabi ka?
C. Sorry, hindi ko sinasadya.
