WorksheetsESP WW#3
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Bakit hindi dapat makisali sa usapan ng ating magulang?
A. Dahil iyon ay usapan ng mga nakatatanda
B. Dahil bata pa ako para sa usapin ng matatanda
C. Dahil hindi dapat pakinggan ang kanilang usapan
2. May pinapaliwanag ang Nanay kung paano ang tamang
paghuhugas ng pinggan, Ano ang dapat mong gawin?
A. Tumingin kay Nanay at makinig mabuti sa kanyang sinasabi
B. Makikinig habang nagsasagot ng modyul
C. Makikinig habang naglalaro
3. Paano mo masasabi na mahalaga ang paggamit ng po at
opo?
A. Aayusin ko ang pagsagot na may paggalang at gagamit
ako ng “Po at Opo”
B. Kakausapin ko sila ng maayos na may mahinang boses
C. Sasabihin ko ang nalalaman kong sagot
4. Ano ang wastong magalang na pananalita na sasabihin mo kay Nanay na nahihirapan ka sa iyong aralin?
A. “Nanay, pwede po ba ninyo akong tulungan sa aking
aralin?”
B. “Nanay, tama ba ang sagot ko dahil hindi ko alam ang
gagawin.”
C. “Nanay, mahirap ang aralin namin kaya gawin mo ito.”
5. Inuutusan ka ng iyong kuya na magwalis sa bahay. Ano ang iyong isasagot sa kanya?
A. “Ayoko pong magwalis.”
B. “Mamaya na po ako magwawalis.”
C. “Opo, Kuya ,magwawalis na po ako.”
6. Bakit mahalaga ang paggamit ng salitang “pakiusap” sa iyong pananalita?
A. Upang makasagot nang tama
B. Bilang tanda ng paggalang
C. Dahil sila ay nakatatanda
7. Bakit kailangang magpasalamat sa anumang natatanggap?
A. Dahil kailangan magpasalamat sa lahat ng natatanggap
B. Dahil ito ay tanda ng pagtanaw ng utang na loob
C. Dahil ito ay bigay nila
8. Kailan ginagamit ang salitang pakiusap?
A. Dahil gustong magpasalamat
B. Upang magbigay galang
C. Tuwing may hihilingin
9. Kailan ginagamit ang salitang salamat?
A. Tuwing may natatanggap na regalo
B. Kung ipinaghanda ka ni Nanay sa iyong kaarawan
C. Sa regalong buhay na payapa at pamilyang masaya
10. Naiwala mo ang regalong relo sa iyo. Ano ang wastong dahilan na maari mong sabihin?
A. “Hiniram lang kasi ng aking pinsan”
B. “Iniwan ko sa kwarto para hindi mawala”
C. “Nawala po ito dahil nahulog sa imburnal”
