NEW
Font size
WorksheetsQuiz#1 in Araling Panlipunan
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Ano ang dalawang bansang nagtunggalian sa pagtuklas ng mga lupain sa mundo noong ika-15 hanggang ika-17 siglo?
A. Amerika at Espanya
B. Espanya at Portugal
C. France at Netherlands
D. Portugal at Netherlands
2. Ano ang nakasaad sa Kasunduan sa Tordesillas?
A. Ang silangang bahagi ng mundo ay mapupunta sa Portugal, samantalang ang kanluran ay sa Espanya.
B. Ang silangang bahagi ng mundo ay mapupunta sa Espanya, samantalang ang kanluran ay sa Portugal.
C. Maaaring sakupin ng Espanya at Portugal ang mga bansang kanilang matutuklasan sa lahat ng panig ng mundo.
D. Maaaring marating ng Portugal at Espanya ang silangang bahagi ng mundo gamit ang pakanlurang direksyon.
3. Sino ang nagtagumpay sa pananakop sa bansa?
A. Ferdinand Magellan
B. Papa Alexander VI
C. Haring Carlos I
D. Miguel Lopez de Legazpi
4. Saang lugar sa Pilipinas nagtatag ng kauna-unahang pamayanan ang mga Espanyol?
A. Cebu
B. Leyte
C. Maynila
D. Zamboanga
5. Bakit nagtagumpay ang mga Espanyol sa pananakop sa bansa?
A. dahil mas maraming sundalo ang Espanyol kaysa sa mga Pilipino
B. dahil kulang sa pagsasanay sa pakikipaglaban ang mga katutubong Pilipino
C. dahil walang Pilipinong lider ang nagtangkang lumaban sa mga Espanyol
D. dahil sa kawalan ng pagkakaisa at kakulangan sa armas ng mga Pilipino
6. Paano inayos ng mga Espanyol ang pamayanan ng mga Pilipino noong panahon ng Kolonya?
A. sa pamamagitan ng pwersang militar
B. sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga simbahan
C. sa pamamagitan ng Reduccion
D. sa pamamagitan ng paglalagay ng krus sa bawat lugar na kanilang nasasakop
7. Alin ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?
A. Mapalawak ang kanilang kapangyarihan
B. Maipalaganap ang Kristiyanismo
C. Madagdagan ang kanilang kayamanan
D. Lahat ay tama
8. Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malalakas na bansa sa isang mahinang bansa?
A. Kapitalismo
B. Imperyalismo
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo
9. Ano ang idinulot ng Divide and Rule Policy ng mga Espanyol sa mga Pilipino?
A. Pagkakaisa
B. Pagkakawatak-watak
C. Pagmamahal sa bayan
D. Mahigpit na pamumuno
10. Ano ang mabuting naidulot ng Kristiyanisasyon sa mga Pilipino?
A. Matibay na pananampalataya sa Diyos
B. Malalim na pananalig sa mga santo at santa
C. Pagdiriwang ng mga kapistahan
D. Pagsamba sa mga rebulto
11. Paano nakatulong ang naging paglalakbay ni Magellan sa kasaysayan ng daigdig??
A. Marami siyang natuklasang mayayamang bansa.
B. Nadiskubre niya ang Pilipinas bilang pinakamaunlad na bansa sa buong daigdig.
C. Dito nalaman ng lahat na bilog ang mundo.
D. Napatunayan niya na maraming daan ang maaaring gamitin sa paglalakbay.
12. Sino ang may pinakamalaking ginampanan sa pagpapalaganap ng Kristiyanisasyon sa buong bansa?
A. gobernador-heneral
B. prayle
C. sundalong Espanyol
D. katutubong Pilipino
13. Saan inilipat ang mga Pilipinong nakatira sa malalayong lugar at kabundukan?
A. Pueblo
B. Barangay
C. lungsod
D. kweba
14. Saang bahagi ng kulturang Pilipino makikita hanggang sa kasalukuyan ang naidulot ng pananakop ng mga Espanyol?
A. Pamahalaan
B. Paniniwala o Relihiyon
C. Pananamit o Kasuotan
D. Edukasyon
15. Ano ang pinakamagandang aral ang natutuhan mo sa pananakop ng mga Espanyol?
A. Tanggapin ang bagong kultura ng mga dayuhan.
B. Tangkilikin ang doktrina ng Kristiyanismo.
C. Magkaisa sa halip na mag-away-away.
D. Gumamit ng mga matataas na uri ng sandata sa pakikipaglaban.
