wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP Week 1 at 2

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliiin ang pinakatamang sagot sa bawat bilang.

Ito ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas (natural) sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.

a)

act of man

b)

human act

c)

kusang-loob

d)

di kusang-loob

2.

. Ito naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, kalayaan, at pagkukusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

a)

act of man

b)

human act

c)

kusang- loob

d)

di kusang-loob

3.

Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa o boluntaryong pagkilos.

a)

kusang-loob

b)

di kusang-loob

c)

walang kusang-loob

d)

makatong kilos

4.

Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

a)

kusang-loob

b)

di kusang-loob

c)

walang kusang-loob

d)

makataong kilos

5.

Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

a)

kusang-loob

b)

di kusang-loob

c)

walang kusang-loob

d)

makataong-kilos

6.

Tumutukoy ito sa masidhing pagaasam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.

a)

kamangmangan

b)

takot

c)

masidhing damdamin

d)

karahasan

7.

Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa

a)

gawi

b)

karahasan

c)

kamangmangan

d)

takot

8.

Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na ____________.

a)

kamangmangan

b)

masidhing damdamin

c)

takot

d)

gawi

9.

Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.

a)

masidhing damdamin

b)

karahasan

c)

takot

d)

kamangmangan

10.

Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.

a)

karahasan

b)

masidhing damdamin

c)

takot

d)

kamangmangan