Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 8 (Banaba) - Pagtataya ng Pagkatuto sa Ikalawang Markahan

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Bakit itinuturing na unang kapuwa ang magulang?

a)

nagsisilbing gabay sa ating buhay

b)

may malaking impluwensiya sa lipunan

c)

naghubog sa pagbasa, pag-uugali at pagpapahalaga

d)

unang tao na nakasasalamuha mula pagkaluwal sa atin bilang tao

2.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang pamamaraan ng pakikipagkapuwa?

a)

si Toni na nagpahiram ng pera kay Alex na may kasamang interes

b)

si Bryan na masugid na manliligaw ni Lisa noong una pa lamang silang magkakilala

c)

si Joey na nag-alok ng tulong sa kaniyang kasamahan na napilayan

d)

si Rosa na laging masama ang tingin kay Lennie habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan

3.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagtugon sa pangangailangan na makipag–ugnayan sa iba, pakiramdam na kailangan ng tao ng makakasama, at mapabilang sa isang pangkat?

a)

pakikibagay

b)

pakikilahok

c)

pakikipagkapuwa

d)

pakikialam

4.

Sino ang pangalawang magulang na umaalalay sa paghubog nang buong pagkatao ng isang indibidwal?

a)

kaibigan

b)

guro

c)

magulang

d)

kapitbahay

5.

Ikaw ay bagong lipat lamang sa Cagdianao National High School gayunman madali kang nakilala ng iyong mga kaklase dahil palagi kang sumasagot sa oral recitation. Kinaibigan ka ng iyong kaklaseng si Heart na isang sikat na mananayaw sa inyong paaralan. Ang buong akala mo ay tapat ang kanyang pakikitungo sa iyo pero nilapitan ka lang pala niya upang tulungan siya sa kanyang mga hindi pa natatapos na proyekto. Ipagpapatuloy mo pa ba ang pakikipagkaibigan sa kanya?

a)

hindi, dahil marami akong sariling proyekto na dapat tapusin

b)

oo, dahil pareho kaming may kailangan sa isa’t isa

c)

hindi, dahil mapagsamantalang tao si Heart at hindi ito mabuting pag-uugali ng isang tao

d)

oo, dahil naniniwala akong bawat isa ay may pag-asang magbago at ganoon din si Heart

6.

Alin sa mga sumusunod ang impluwensiya ng pagmamalasakit sa atin ng kapuwa?

a)

nahikayat gumawa ng kabutihan sa iba

b)

kusang tumulong at naghihintay ng kapalit

c)

may benepisyong makukuha mula sa kaniya

d)

naging malapit sa kapuwa

7.

Sa tahanan tinuturuan ng magulang ang mga anak ng mga magagandang asal at aral sa buhay. Kung kaya pinag-iisipang mabuti ng mga anak ang mga bagay-bagay bago gumawa ng isang desisyon. Anong aspekto ng pagkatao ang napauunlad ng mga anak?

a)

pangkabuhayan

b)

panlipunan

c)

politikal

d)

intelektuwal

8.

Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng impluwensiya ng kapuwa sa aspektong intelektwal ng isang indibiduwal?

a)

isang doktor na libreng nanggagamot ng may sakit

b)

isang mangingisda na namimigay ng mga nahuling isda sa kaniyang mga kapitbahay

c)

isang guro na libreng nagtuturo dahil ninanais matuto ang mga batang-lansangan na hindi nakapag–aral

d)

isang manggagawa na sumulat ng resolusyon ukol sa paghingi ng kaukulang budget para sa mga magsasaka

9.

Pursigido si Janine na makagawa ng mabisang pamamaraan upang makapagbigay ng magandang serbisyo sa kaniyang mga kliyente. Naniniwala siyang magagawa niya ito kagaya ng kaniyang ama na nagsusumikap sa paghahanap ng mapagkakitaan upang matugunan ang kanilang pangangailangan noong sila ay bata pa. Anong katangian ni Janine ang nabago dahil sa ugaling ipinakita ng kaniyang ama?

a)

matulungin

b)

maawain

c)

malikhain

d)

mapagbigay

10.

Kailan masasabing nagkakaroon ng impluwensya ang kapuwa sa aspekto ng pagkatao ng isang indibiduwal?

a)

nakatutugon sa pangangailangan ng isang tao

b)

nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba

c)

kung may pagbabagong nagaganap sa kaniyang mga kilos o ugali

d)

nakakukuha ng mga ideya na magagamit sa pansariling kapakanan

11.

Alin sa pahayag ang nagpapakita ng likas na katangian ng tao na pinagkaiba niya sa ibang nilalang?

a)

ang pagiging tapat sa tungkulin

b)

ang pagkakaroon ng kakayahang mag-isip

c)

ang pagkakaroon ng kakayahang tugunan ang pansariling pangangailangan

d)

ang pagkakaroon ng kakayahang mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito

12.

Anong katangian ng mga Pilipino ang nagpakita na ang pagmamahal ay indikasyon sa pakikipagkapuwa?

a)

tinatanaw na utang na loob ang mga tinanggap na tulong mula sa kapwa

b)

hindi pagiging sensitibo sa uri ng pakikipag-ugnayan

c)

pagpapakita ng malasakit sa nangangailangan

d)

may kakayahang mag-impluwensiya sa kabutihan man o kasamaan

13.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag- ugnayan sa kapuwa?

a)

“Bakit ba nahuli ka na naman?

b)

“Tatlumpung minuto na akong naghihintay sa iyo.”

c)

“Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.”

d)

“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”

14.

Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa?

a)

kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapuwa

b)

pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao

c)

kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan

d)

pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

15.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag sa Romano 14:7 na “Sapagkat ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili”?

a)

Ang tao ay nabubuhay para sa pansariling kapakanan

b)

Ang tao ay hindi maaaring mabuhay nang mag-isa at hindi nakikibahagi sa lipunan.

c)

Ang tao ay may makakasama ngunit hindi ibig sabihing tutulong ito sa anumang bagay.

d)

Ang tao ay maaaring mabuhay nang mag-isa sa mundo hangga’t may sapat itong kaalaman.

16.

Ano ang maidudulot ng isang tunay na kaibigan sa buhay ng kaniyang kaibigan?

a)

pagkabigo sa buhay

b)

pangmatagalang pagkakaibigan

c)

walang hanggang epekto sa buhay

d)

pansariling kasiyahan

17.

Bakit mahalagang isaalang-alang ang kabutihan ng isang tao sa pagiging kaibigan?

a)

dahil ito ang naayon sa pakikipagkaibigan

b)

upang maging malalim ang samahan

c)

dahil ito ay kwalipikasiyon sa isang kaibigan

d)

upang maging makabuluhan ang pagkakaibigan

18.

Alin sa sumusunod na paglalarawan ang maihahalintulad sa isang kaibigan?

a)

isang sakit

b)

isang yaman

c)

isang kapangyarihan

d)

isang kamangmangan

19.

Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong sa pagpapatatag ng pagkakaibigan?

a)

pera’t kayamanan

b)

pagmamahal at respeto

c)

kagandahan at kasikatan

d)

kasiyahan at pangangailangan

20.

Pinapahalagahan ni Rina at Kim ang kanilang pagkakaibigan kung kaya iniiwasan nila ang makapagbitaw ng masasakit na salita kahit na minsan ay may hindi sila pagkakaintindihan sapagkat iginagalang nila ang bawat isa. Anong katangian ng magkakaibigan ang pinapakita ng dalawa?

a)

paggalang sa isa’t isa

b)

pagsabi ng totoo sa isa’t isa

c)

pagsawalang bahala sa nararamdaman

d)

pagpapatibay at pagpapahalaga sa samahan nila