wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 HEKASI 4 PRE-TEST

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

1. Masasabing ang Pilipinas ay isang arkipelago at nahahati sa tatlong malalaking pangkat --- ang Luzon, Visayas at Mindanao. Alin sa tatlong pangkat ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas?

a)

Manila

b)

Visayas 

c)

Mindanao

d)

Luzon

2.

2. Si Strella ay isa sa magaling na guro sa ikaapat na baiting at nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng kanyang ama na isang mangingisda . Anong uri ng gawaing pangkabuhayan ang ama ni Strella?

a)

Pagsasaka

b)

 Pangingisda   

c)

Pagmimina    

d)

 Panggugubat

3.

3. Sa Pilipinas lamang matatagpuan ang pangunahing produkto ng abaca na makikita sa lalawigan ng ___________?

a)

Camarines

b)

Bicol  

c)

Isabela

d)

La Trinidad Benguet

4.

4. Ito ay tinaguring “Salad Bowl ng Pilipinas” dahil sa ibat’t ibang uri ng prutas at gulay na inaani rito?

a)

La Trinidad, Benguet   

b)

Iloilo

c)

Bukidnon

d)

Davao

5.

5. Laking Makati City si Presilla at nagbabakasyon kasama ang tiya sa rehiyon ng _______  na tinaguriang “Tuna Capital of the Philippines” dahil sa dami ng tunang nahuhuli rito. 

a)

Negros Oriental    

b)

SOCCSKSARGEN

c)

Tawi - Tawi  

d)

Zamboanga City

6.

6. Ang uri ng isdang ito ay maituturing na pinakamalaking produksiyon ng isda sa bansa?

a)

Gold Fish   

b)

Yellow Fin    

c)

Tamban 

d)

 Salmon

7.

7. Tignan ang larawan. Tuwing may mga kalamidad tulad ng bagyo, maaaring dalhin ang sumusunod na pangangailangan, maliban sa____________.

a)
b)
c)
d)
8.

8. Ang ______ ay isang mataas na lupain na kadalasang binubuo ng matatarik na bahagi. Ito ay mas mataas kaysa burol.

a)

Bundok

b)

Bulubundukin

c)

  Bulkan

d)

  Lambak

9.

9. Ang talampas ay patag na lugar sa itaas ng bundok. Dahil sa klima, magagandang tanawin, mga sariwang prutas, at paborito itong pasyalan ng mga tao. Alin sa mga lalawigan ang halimbawa ng mga talampas sa Pilipinas?

a)

   Nueva Ecija at Cabanatuan.

b)

   Baguio at Bukidnon

c)

     Bicol at Pampanga

d)

    Cagayan at Isabela

10.

10. Ang talon ay pinagkukuhanan ng kuryente ng ilang lugar sa Mindanao. Isa sa sikat na talon ang ___________na makikita  sa Lanao del Norte.

a)

   Talon ng Pagsanjan

b)

   Talon ng Maria Cristina

c)

    Talon ng Cambugahay

d)

    Talon-Talon

11.

11. Tanyag na “World Heritage Site” ang larawan ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue sa iba’t ibang bahagi ng mundo bilang isang natataging tanawin. Ang masaganang sakahan dito ay patuloy na pinagyayaman ng mga katutubong Ifugao na nasasakop sa lalawigan ng __________? 

a)

Apayao, Benguet, Mountain Province, at Ifugao

b)

Cotabato

c)

Pangasinan

d)

Camarines Sur

12.

12. Alin sa mga larawan ang Longji Rice Terraces?

a)
b)
c)
d)
13.

13. Ang pambihirang agilang ito ang pinakamalaking agila sa Pilipinas na kilala sa tawag _________?

a)

Haribon

b)

Uwak

c)

Tarsier

d)

Maya-Maya

14.

14. Kilala si Santiago sa kanilang baryo dahil sa nagmamay-ari siya ng limang hectaryang lupa at puno ng mga yamang gubat na tinaguriang pambansang punong kahoy ng Pilipinas.  Ang punong ito ay kilala sa tawag na________?

a)

Niyog

b)

Narra

c)

Mangga

d)

Acasia

15.

15. Pinakatanyag na uri ng marine species at hawksbill na matatagpuan sa mga karagatan ng Pilipinas.

a)

Pawikan o green sea turtles

b)

Crocodile

c)

Chameleon

d)

Snake

16.

16. Nagdulot ng pagkasawi ng higit sa 1,600 na tao ang trahedyang  ____________ noong Hulyo 1991, dulot sa mga epekto ng subduction na nangyayari sa Pacific Ring of Fire.

a)

Lindol

b)

Baha

c)

Pagguho ng Lupa

d)

Bagyo

17.

17. Anong kontinente ang nasa timog-silangang bahagi ng Pacific Ring of Fire?

a)

Arktiko

b)

Antartika

c)

Timog Amerika

d)

Australya

18.

18. Isa sa gawaing pangkabuhayan nagtutustos ng mga produktong agrikultura sa bansa.

a)

Pangingisda

b)

Pagsasaka

c)

Pagmimina

d)

Pangkomersiyo

19.

19. Ano ang isang epekto ng pagiging sakop ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire?

a)

Nagkaroon ito ng maraming pulo.

b)

Naging sagana ito sa yamang dagat

c)

Naging mainit ang klima nito.

d)

Nagkaroon ito ng maraming bulkan.

20.

20. Isang uri na putik na may halong bato, tubig, abo, at iba pang materyal na galing sa bulkan .

a)

Polusyon

b)

Lahar

c)

Tsunami

d)

Baha

21.

Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga bagay na maaaring gawin tuwing may kalamidad sa Pilpinas: Pag-iwas sa mga Epektong Dulot ng Pagguho ng Lupa, Paglindol, at Pagputok ng Bulkan

21. Makilahok sa mga pagsasanay o drill tulad ng earthquake drill sa mga taumbayan hinggil sa paglikas o pag-iwas sa panganib na hatid ng mga kalamidad na ito.

a)

TAMA

b)

MALI

22.

22. Kapag magsimula ang lindol; yumuko, takpan ang sarili, at humawak ng mahigpit.

a)

TAMA

b)

MALI

23.

23. Ugaliing makinig sa radio o manood ng telebisyon para sa mga babala tungkol sa kalagayan ng bagyo.

a)

TAMA

b)

MALI

24.

24. Tiyaking makakayanan ng mga haligi, bubong, at mga bintana ng bahay ang malakas na hangin at ulan.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

25. Lumikas sa ligtas na lugar kung patuloy ang pagtaas ng tubig bago pa masira ang mga daan at mga tulay.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

26. Iwasan ang mga lugar kung saan maaaring ang pagguho ng lupa at pagputok ng bulkan. Iwasan din ang magtayo ng anumang estruktura sa lugar na malapit dito.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

27. Alamin ang mga sistema ng mga babala sa komunidad na nagsasabi sa mga tao kung paano makaiwas sa masamang epekto ng landslide, lindol, at pagputok ng bulkan.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

28. Kailangang tiyakin ng mga opisyales ng local na pamahalaan na laging may nakahandang relief goods sapagkat mataaas ang posibilidad na makulong o ma-isolate ang ilang mga barangay dahil sa epekto ng mga nasabing kalamidad.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

29. Alamin ang Evacuation Center para sa mga lugar na may banta ng panganib at tiyaking may nakalaang ligtas na relocation site na maaaring puntahan ng mga tao.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

30. Maghanda ng mga pagkaing hindi agad nasisira at sapat na malinis na tubig, gayundin ng first-aid kit na may lamang mga gamot.

a)

TAMA

b)

MALI