WorksheetsJONAS AT JOB
Total questions: 21
Worksheet time: 7mins
Sino ang propetang tinakasan ang responsibilidad sa Diyos?
Joshua
Job
Jonas
Jelly
Saan pinadala ng Diyos si Jonas?
Sa Niveve
Sa Nineve
Sa Navotas
Sa Nabannagan
Bakit ayaw pumunta ni Jonas sa Nineve?
Dahil ang bansang ito ay kaaway ng Israel
Dahil ang bansang ito ay maraming plantito at plantita
Dahil may sakit na lumalaganap doon
Dahil may mga masasamang elemento ang nagaganap sa lugar na iyon
Saan sumakay si Jonas upang siya ay makatakas sa Diyos?
Tren
Kabayo
Barko
Paru-paro
Alam ni Jonas na siya ang dahilan ng bagyo, kaya't anong iminungkahi niya sa mga mandaragat?
Siya ay ipakain sa balyena
Siya ay itapon sa dagat
Siya ay bugbugin hanggang mamatay
Siya ay pagbayarin ng malaking halaga
Anong uri ng isda ang lumamon sa kanya, na siyang dahilan ng kanyang hindi niya pagkalunod?
Pirana
Goldfish
Pating
Balyena
Anong ginawa at pinagawa ni Jonas sa Nineve, pagkatapos siyang ibalik sa lupa ng balyena?
(2 Answers)
Ipagtapat sa Diyos ang kanilang mga maling gawain
Sila'y magpatirapa sa harapan niya
Sila'y manumbalik sa kanilang maling gawain
Sila ay magsisi sa kanilang kasalanan
Winasak ba ng Diyos ang Nineve?
Oo, dahil hindi nila sinunod si Jonas
Oo, dahil matitigas ang kanilang puso
Hindi, dahil ginawa nila ang iniuutos ni Jonas
Hindi, dahil wala naman silang ginagawang mali
Ano ang nais ni Jonas na mangyari sa Nineve?
Mawasak ito
Magkasakit silang lahat
Maging paru-paro sila
Maging mabuti sila
Ano ang maaring ipinapahayag sa atin ng buhay ni Jonas?
(More than 1 answer)
Hindi natin matatakasan ang Diyos
Ang Diyos ay may malasakit sa tao
Patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan basta't tayo'y manumbalik sa Kanya
Hindi tayo tatalikuran ng Diyos kahit tayo ay tumalikod sa Kanya
Siya ay isang mayamang tao na nakatira sa isang lupain sa Uz.
Job
Kobe
Sob
Elihu
Anong uri ng tao si Job?
(Multiple answers)
Walang kapintasan
Matuwid
Palaging maingat
Iniiwasang magkasala
Ayon sa kalaban (Satanas), si Job ay...
Mabuti lamang siya dahil sa mga biyayang nakukuha niya
Masama talaga si Job, di lang halata
Isang uri ng palaka si Job na nagkatawang tao
Si Job ay may malubhang sakit
Ano ang ipinagbawal ng Diyos sa kalaban, matapos Niyang payagan na pahirapan si Job?
Huwag masyadong grabehan
Huwag kitilin ang kanyang buhay
Huwag isumpa
Huwag bigyan ng sakit
Ilang mensahe ang natanggap ni Job na nagsasabing namatay na ang kanyang alagang hayop, mga lingkod, at sampung anak niya?
1
2
3
4
Sa pagdadalamhati ni Job, pinunit niya ang kanyang damit. Ngunit ano ang iba pa niyang ginawa?
Pinagpala parin ang Diyos sa kanyang panalangin
Siya ay nagrebelde sa Diyos
Siya nagtanong ng masasakit na bagay sa Diyos
Siya ay nagpasalamat sa kanyang asawa sa kanyang pagdamay sa kanya
Anong nangyari kay Job na naging dahilan ng pagkumbinsi ng kanyang asawa sa sa kanya na sumpain na niya ang Diyos, sumuko at mamatay na, ngunit hindi niya ginawa?
Nagkaroon ng masamang hininga
Nagkaroon ng matinding sakit sa puso
Nagkaroon ng matinding sakit sa utak
Nagkaroon ng kakila-kilabot na sakit sa balat
Ano ang inakala ng tatlong kaibigan ni Job na naging sanhi ng kanyang kakila-kilabot na karanasan?
Siya ay masyadong mabait kaya sinusubok siya ng Diyos
Siya ay masyadong naging mayaman kaya siya ay pinaparusahan
Siya ay hindi nagdarasal, kaya siya ay nagkasakit
Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang mga maling gawa
Ano ang kinalugdan ng Diyos kay Job noong nagtanong siya ng mga retorikang tanong?
(Multiple answers)
Kinilala niya ang kanyang sariling kapangyarihan
Kinilala niya ang walang limitasyong kapangyarihan ng Diyos
Kinilala niya ang kanyang limitasyon
Kinilala niya ang kanyang mga suliranin at isinisi sa iba
Bakit nagalit ang Diyos sa tatlong kaibigan ni Job?
(Multiple answers)
Dahil sa pagmumura sa mahirap
Dahil sa hindi wastong pagpapayo nila
Dahil sa kanilang mga maling pagpapayo kay Job
Dahil sa kanilang mga maling nasabi kay Job
Pinatawad ng Diyos ang kaibigan ni Job at...
(Multiple Answers)
Binigyan ng dobleng dami ng ari-arian
Binigyan siya ng daming anak
Ibinalik ang kanyang kalusugan
Binigyan ng mahabang buhay
