NEW
Font size
WorksheetsSUMMATIVE EXAM Q2
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ito ang tao ay may kapangyarihang mangatwiran.
Reason
Intellect
Conscience
Intellectual Conscience
Kakayahan ng taong makapag-isip o magdesisyon.
Reason
Intellecttual conscience
Intellect
Conscience
Ito ay kamalayan ng tao na siya ay may katalinuhan o angking talino.
Intellectual conscience
Intellectual memory
conscience
intellect
Ito ang pagkakilala ng tao sa tama o mali na
naging gabay sa kanyang kilos.
Conscience
Intellectual conscience
Intellectual memory
Reason
Ito ang kakayahan ng taong madaling makapag memorya.
Reason
Intellect
Intellectual conscience
Intellectual memory
Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos?”
a. Ang tao ay kawangis ng Diyos dahil sa kakayahan niyang makialam at magpasya ng malaya
b. Ang tao ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang tao ay may kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
d. Ang tao ay naghahanap ng katotohanan.
Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?
a. Ang tao ay may tungkulin sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip
at kilos loob.
b. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan.
c. Natatanging tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos
ayon sa kanyang kalikasan - ang magpakatao
d. Ang isip ng tao ay kaloob Niya upang maging mapanuri ang bawat isa sa ibang
nilalang dito sa mundo.
Paano naipapakita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos loob sa pang-araw-araw na kilos?
a. Ang isip ay ginagamit sa pang-unawa ng katotohanan at ang kilos-loob ay
gumawa ng kabutihan.
b. Kung anong mabuting naiisip o katotohanan ay siyang isasagawa para sa
kabutihan
c. Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
d. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikha ng may isip at kilos loob?
a. Ang tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos
loob
b. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya ng
malaya.
c. Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob.
d. Ang tao ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpakilala sa kanya.
Nais ni Johanna na magkaroon ng magandang kinabukasan kaya pinagbuti niya kanyang pag-aaral.
Tama
Mali
Nais ni Heart Antonette na makakuha ng mataas na grado ngunit hindi naman niya pinagbubutihan ang kanyang pag-aaral.
Tama
Mali
Hindi nakakasagot ng wasto sa klase si Loraine dahil hindi siya nakikinig sa kaniyang guro.
Tama
Mali
Kusang loob na inayos ni Gabriel ang mga dapat ayusin sa kanilang bahay.
Tama
Mali
Iniisip palagi ni Carol ang kanyang kinabukasan kaya pinagbubuti niya ang kanyang mga gawain.
Tama
Mali
Napulot ni Ysabel ang pitaka ni Karla, Ano kaya ang kanyang gagawin?
a. Hindi niya ibabalik ang pitaka dahil napulot naman niya ito.
b. Ibabalik niya ang pitaka kay Karla, dahil sa kanya naman talaga ito.
c. Gagastusin niya ang mga perang napulot.
d. Hahayaang nakakalat ang pitaka sa lansangan
Mahirap lamang sina Nicole ngunit may pangarap siya sa buhay. Ano ang dapat niyang gawin?
a. Pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral para makapagtapos siya.
b. Papasok lang siya kung kailan niya gusto.
c. Gawing dahilan ang kahirapan para hindi na makapagpatuloy sa pag -aaral.
d. Magmumukmok nalang ako siya bahay.
Ang magulang ni Francine ay parehong abala sa trabaho. Siya ang inaasahang kaakibat sa pamilya. Ano ang dapat gawin ni Francine?
a. Hindi niya pakikinggan ang kanyang magulang.
b. Susunod siya sa payo o bilin ng kanyang magulang para makamit ang
pangarap
c. Maglalaro na lamang siya kaysa tumulong sa magulang.
d. Masyado pa siyang bata para isipin ang mga ba bagay na ganyan.
May pangarap sa buhay si Dwight ngunit kapos sila sa yaman. Ano dapat niyang gawin?
a. “Bahala na” iyan ang palagi niyang sinasambit.
b. Gusto niyang tumulong sa kanyang magulang ngunit tinatamad siya.
c. Magpupursige siyang tutulong sa kanyang magulang para makamit ang
pangarap niya.
d. Huminto sa pag-aaral, dahil mahirap ang buhay.
Paano maipakikita ni Marie ang kanyang kabutihan at katotohanan gamit ang isip at kilos-loob?
a. Gagawin niya ang alam niyang tama at nakabubuti lamang sa kanya.
b. Hindi siya gagawa ng ikabubuti niya dahil wala siyang pakialam dito.
c. Susundin niya ang sinasabing kaniyang isipan at damdamin.
d. Panonoorin na lamang niya ang mga gumagawang kabutihan.
Paano mo lilinangin ang iyong isip at kilos-loob?
a. Sa pamamagitan ng paggawa ng wasto na naaayon sa iyong kalooban.
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa gusto lamang.
c. Sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa iyong kalooban.
d. Sa pamamagitan ng paggawa ng di kanais-nais.
Alin dito ang nagsasabing tama sa kakayahan ng tao?
a. Tanging ang tao lamang ang namamahala sa kaniyang damdamin at emosyon.
b. Ang tao ang mamamahala sa kaniyang sarili at walang iba pang magdidikta sa
kanya.
c. Kayang pantayan ng hayop ang kakayahan ng tao.
d. Ang tao ay naghihintay lamang ng kapwa niya tao para makabuo ng pasya.
Paano ko kokontrolin ang sarili sa udyok ng damdamin?
a. Malaya ang tao na magpasya ng gusto niyang gawin.
b. Ang tao ay may kamalayan sa sarili kung ano ang tama o mali.
c. May kakayahan ang tao upang mangatwiran.
d. Wala siyang kalayaan para mangatwiran
Alin dito sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagpapasiya?
a. Si Daryll ay mahilig sa maalat at mamantikang pagkain subalit nang magkaroon
siyang sakit na UTI naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kakainin.
b. Si Alexa ay mahilig kumain ng kung ano-ano kaya siya ay nagkakaroon ng
masamang karamdaman.
c. Si Dennis ay palaging kumakain ng paborito niyang pagkain tulad ng French fries
kahit alam niyang bawal sa kanya ito.
d. Si Jenny ay mahilig uminom ng softdrinks kahit alam niyang may tama na ang
kidney niya.
Paano maisasagawa ni Analyn ang tamang pagpapasiya para sa kanyang sarili?
a. Hahayaan na lamang niya ang lahat ng suliranin na dumating sa kanya.
b. Gagawa siya ng paraan upang makapagpasiya siya nang naaayon sa kanyang
gusto at alam naman niyang tama ito.
c. Isaalang-alang lamang niya ang kanyang nararamdaman.
d. Kung ano ang sinasabi ng kanyang kaisipan iyon lamang ang kanyang gagawin.
Ang kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti at masama
Konsensya
Obhetibo
Walang Hangan
Mayroong Kaalaman
Ito ay likas sa tao mula sa pagkasilang dahil sa kanyang kalayaan.
Likas na batas moral
Obhetibo
Mayroong Kaalaman
Walang Hanggan
Ano ang kahulugan ng konsensiya.
Walang Hanggan
Obhetibo
Mayroong Kaalaman
Konsensya
Ang tawag sa batas na namamahala sa tao na nakabatay sa katotohanan
Konsensya
Obhetibo
Likas na batas moral
Walang Hanggan
Ang batas na ito ay mananatiling iiral dahil ito ay permanente.
Konsensya
Obhetibo
Likas na batas moral
Walang Hanggan
Humuhusga kung paano ilalapat ang pangkalahatang kaalaman na ito sa partikular na sitwasyon na ating kinakaharap at gumagabay sa atin na magpasiya kung ano ang mabuting kinakailangang gawin at masamang kinakailangang iwasan.
A. Kamangmangan
B. Pagninilay
C. Konsensya
D. Pagsusulit
Isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o nanghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa masamang dapat iwasan.
A. Kamangmangan
B. Pagsusulit
C. Pananagutan
D. Konsensya
Ang likas na batas moral ay hindi imbensiyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ang pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo
B. Unibersal
C. Walang Hanggan
D. Di nagbabago
Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
A. Mapalalaganap ang kabutihan
B. Makakamit ng tao ang tagumpay
C. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli parin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsensya
B. Purong konsensya
C. Maling konsensya
D. Mabuting konsensya
Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya.
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa
pagkilala sa mabuti at masama.
Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. Makakamit ng tao ang kabanalan.
d. Wala sa nabanggit
Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti man o
masama.
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng
tao.
Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya
Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay
kailangan.
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid
dahil sa patuloy na pagsasanay.
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya
magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay:
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang
ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat
gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat
siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.
Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o
tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang
layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa
mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa
nito.
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. Ang mensaheng ito ay tinatawag na?
a.
Gintong aral o Golden Rule
b.
Tula
c.
Bugtungan
Bakit kaya nilikha tayo ng Panginoon na may pagkakaiba?
a.
Dahil hinihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti.
b.
Ipinapahiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa
c.
Nais ng Diyos na yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at
regalo na natatanggap ng bawat tao mula sa kanya.
d.
Lahat ng nabanggit
Ang salitang dignidad ay nagmula sa Latin na “Dignitas” na ang ibig sabihin ay?
a.
Magalang
b.
Nag-iisa
c.
Karapat-dapat
d.
Kakaiba
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a.Pahalagahan mo ang tao bilang tao
b.
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay
hangga’t siya ay nabubuhay.
c.
Ipagsawalang bahala ang mga taong humihingi ng tulong sayo.
Sino ang hindi nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a.
Isang mabuting politiko na handang tumulong sa bayan.
b.
Isang negosyanteng nagpapautang at nagbibigay ng malaking patong sa
taong nangagailangan?
c.
Isang simpleng taong handang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan?
d.
Lahat ng nabanggit?
Mahina sa klase si Abegail. Paano mo siya pakikitunguhan?
a. Hindi ko siya isasali sa group activity.
b. Pagtatawanan ko ang kanyang ginagawa sa klase na mali
c. Bulihin ko siya araw-araw sa paaralan.
d. Igagalang ko ang kanyang kakayahan. Tutulungan ko siyang matuto.
