Worksheets2QSciencetest#4
Total questions: 20
Worksheet time: 9mins
Piliin ang star kung ang pangungusap ay wasto at buwan kung hindi wasto.
Ang mga halaman ay may pangunahing pangangailangan din tulad ng mga
tao.
Isa sa pangunahing pangangailangan ng hayop ay tirahan.
Ang laruan ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang batang
katulad mo.
Ang hangin ay kailangan ng tao, hayop at halaman upang ito ay mabuhay.
Kailangan ng tao, halaman at hayop ang sikat ng araw upang mabuhay.
Basahin ang mga pangungusap . Piliin ang (/) kung naayon ang sinasaad ng pangungusap, at piliin (x) kung ito naman ay mali.
Ang mabeberdeng damo ay ang nagsisilbing pagkain ng mga hayop sa
kapaligiran.
Ang sariwang hangin na nagmumula sa mga halaman ay kailangan ng mga tao.
Malaki ang naitutulong ng kapaligiran sa pagdami ng mga nabubuhay na nakatira rito.
Ang mga tao ay patuloy na mabubuhay kahit hindi umasa sa kanyang kapaligiran.
Ang sanga ng mga puno ay nagsisilbing tirahan ng mga ibon.
Piliin ang tamang sagot sa bawat sitwasyon
Ano ang mangayari kung hindi na makapagbigay ng ating mga pangangailangan ang kapaligiran?
a. Mas makakatipid tayong mga tao.
b. Hindi na sasapat ang ating mga pagkain at iba pang pangagailangan.
c. Lalong dadami ang mga taong yayaman.
Ano ang mangyayari kung ang anyong tubig na ating pinagkukunan ng inumin ay puno ng basura at kemikal?
a. Lalong magiging mabitamina ang ating inuming tubig.
b. Mas maraming isda at hayop ang maninirahan dito.
c. Mawawalan tayo ng malinis na inuming tubig
Ano ang masamang dulot ng pagsusunog ng basura at plastik sa ating kapaligiran?
a. Magdudulot ito ng sakit sa mga tao tulad ng hika at iba pa.
.
b. Magiging pataba ito sa mga halaman at hayop.
c. Madaragdagan ang bitamina sa ating katawan
Bakit kailangan nating ingatan at pangalagaan ang ating kapaligiran?
a. Sa kapaligaran galing ang ating mga pangangailangan.
b. Para protektahan ang lahat ng may buhay at ang ating tirahan .
c. Ang lahat ng nabanggit.
Sino ang may pangunahing reponsibilidad na ingatan at pangalagaan ang ating
kapaligiran?
a. Ang kapit bahay mong laging gumagamit ng plastik.
b. Ang kaibigan mong masipag at mabait.
c. Tayong lahat na may na nakikinabang sa mga biyayang dala ng kapaligiran.
Piliin ang tsek ( / ) kung ang larawan ay nagpapakita ng wastong pangangalaga sa halaman at ekis ( x) kung hindi.
Pumili ng pangunahing pangangailangan ng isang batang katulad mo.
Ano pa ang pangunahing pangangailangan ng batang tulad mo
