WorksheetsLong Quiz Filipino 6 (1st Part)
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
Ang pang-uring ito ay karaniwang nagsasaad ng mga
katangian na napupuna gamit ang limang pandama
(five senses).
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pamilang
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Paari
Ang pang-uring ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon
sa pagkakasunodsunod ng pangngalan.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pamilang
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Paari
Ang pang-uring ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.
Pang-uring Panlarawan
Pang-uring Pamilang
Pang-uring Pantangi
Pang-uring Paari
Alin dito ang hindi Pang-uri?
mabilis na sasakyan
mahinang pag-ikot
mahinang boses
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
Panlarawan
Pangngalan
Pangngalan
Pamilang
"Si Rodrigo Duterte ang ikalabing-anim na pangulo ng Pilipinas."
Ang uri ng pang-uring ginamit ay ___________________.
Pamilang
Panlarawan
Pantangi
Paari
Alamin kung ano ang pang-uri at uri ng pang-uring ginamit:
"Nagsaliksik kami tungkol sa mga katangian ng kulturang Koreano."
nagsaliksik
(Pamilang)
katangian
(Panlarawan)
kulturang Koreano
(Pantangi)
Anong uri ng Pang-uri ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
Marami ang apektado sa nagdang bagyo.
panlarawan
pantangi
pamilang
paari
Anong uri ng Pang-uri ang salitang may salungguhit sa pangungusap?
Mababait ang mga kaiibigan niya.
Paari
Panlarawan
Pamilang
Pantangi
Napakaganda ng mga banderitas sa mga daan tuwing Pista ng Senyor Sto. Nino!
lantay
pasukdol
pahambing
Magandang asal ang paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa iyo.
lantay
pasukdol
pahambing
Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba kaysa buhok ni Sarah.
lantay
pasukdol
pahambing
Di-gaanong mabigat ang dalang bag ni Joshua.
lantay
pasukdol
pahambing
Ang galing-galing ng mga mananayaw na napanood namin!
lantay
pasukdol
pahambing
Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa pabrikang ito.
lantay
pahambing
pasukdol
Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.
lantay
pasukdol
pahambing
Ano ang uri ng nakasalungguhit na pang-uring pamilang?
"Nagtataka ang tindera dahil tatatlong piraso na lamang ang natitira niyang panindang pamaypay."
Ito ay pang-uring pamilang na panunuran.
Ito ay pang-uring pamilang na patakda.
Ito ay pang-uring pamilang na patakaran.
Ito ay pang-uring pamilang na pahalaga.
Ano ang uri ng nakasalungguhit na pang-uring pailang sa pangungusap?
"Si Aling Marites ang pangatlong babae sa kanilang magkakapatid."
Ito ay pang-uring pamilang na pahalaga.
Ito ay pang-uring pamilang na palansak.
Ito ay pang-uring pamilang na pamahagi.
Ito ay pang-uring pamilang na panunuran.
Ano ang uri ng nakasalungguhit na pang-uring pamilang sa pangungusap?
"Tig-wawalong piraso ng patpat ang ipababali sa inyo upang mapatunayan ninyo ang inyong galing sa karate."
Ito ay pang-uring pamilang na patakda.
Ito ay pang-uring pamilang na pamahagi
Ito ay pang-uring pamilang na patakaran.
Ito ay pang-uring pamilang na pahalaga.
Iisa lamang ang dala kong kendi.
Pamahagi
Patakda
Patakaran
Panunuran
