NEW
Font size
WorksheetsARALIN 1
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “Muling Pagsilang” na nagpasimula sa Italya na naganap noong 1350. Sa panahong ito natuon ang pansin ng tao sa Humanismo
A. Reneissance
B. Renesance
C. Rennaisance
D. Renaissance
Ito ay nagsimula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sasariling interes.
A. Kapitalismo
B. Kolonyalismo
C. Kristiyanismo
D. Krusada
Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon- estado sa aspetong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
C. Merkantilismo
D. Sosyalismo
Ito ay prinsipyong ginamit sa unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin, na kung may maraming ginto at pilak may pagkakataon maging mayaman at makapanyarihan ang isang bansa.
A. Humanismo
B. Komunismo
C. Merkantilismo
D. Sosyalismo
Ito ay Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng Europa na nagsilbing ruta ng kalakalan mula Europa patungong India, China at iba pang bahagi sa Asya.
A. Alexandria
B. Constantinople
C. Israel
D. Jordan
Si _________ ay Italyanong adbenturero mula sa Venice, Italy. Nanirahan siya sa China sa panahon ni Kublai Khan. Sa kanyang pagbabalik sa kanyang bansa, inilarawan niya ang kagandahan at karangyaan ng Asya.
A. Amerigo Vespucci
B. Christopher Columbus
C. Ferdinand Magellan
D. Marco Polo
Ito ay mga kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na lupain mula sa kamay ng mga Turkong Muslim.
A. Mga Krusada
B. Mga Katipunero
C. Mga Manlalayag
D. Mga Rebolusyonaryo
Siya ang nagtakda ng line of demarcation na naging solusyon sa tunggalian ng Spain at Portugal kung saan ang España ay maggagalugad sa Kanluran at ang Portugal sa Silangan.
A. Pope Alexander IV
B. Pope Alexander V
C. Pope Alexander VI
D. Pope Alexander VII
Siya ang tinaguriang ”The Discoverer of New World”.
A. Amerigo Vespucci
B. Bartholemeu Diaz
C. Christopher Columbus
D. Ferdinand Magellan
Siya ang Portuges na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng Espanya.
A. Bartholomeu Diaz
B. Christopher Columbus
C. Ferdinand Magellan
D. Vasco Da Gama
