NEW
Font size
WorksheetsESP 5 Quiz 8 Q2
Total questions: 5
Worksheet time: 1hrs 15mins
Sa pagbabasa mo tungkol sa mga napapanahong isyu, may nabasa kang bagong
salita na hindi mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang
kahulugang salita at mapaunlad ang iyong kaalaman?
Ipagsasawalang bahala
Tatawagan ang iyong kamag-aral
Hahanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan nito.
Hihintayin ang mga magulang para magtanong
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tradisyonal na media maliban sa isa, ano
ito?
pelikula
radio
social media
telebisyon
Paano maipapakita ang mapanagutang paggamit ng media at teknolohiya?
Pagpapaliban ng paggawa ng takdang aralin upang makagamit ng computer
Pagbili palagi ng bagong modelo ng cellphone
Pagpili ng mga bubuksang website ayon sa kagustuhan
Paglimita sa sarili ng panahon na igugugol sa paggamit ng social network
account
Araw ng pagsusulit, hindi nakapag-aral si Liza dahil nawili siyang manood ng
bagong pelikula. Nakita mong kumopya siya ng mga sagot sa kaniyang kwaderno.
Matalik kayong magkaibigan ni Liza. Nais mo siyang isumbong sa inyong guro
subalit nangangamba kang baka siya ay mawala sa honor roll. Isusumbong mo pa
rin ba siya sa inyong guro sa kabila ng pagiging magkaibigan ninyo? Bakit?
Hindi, dahil ayoko kong magalit siya sa akin at mawalan ako ng kaibigan
Hindi, dahil gusto ko siyang makakuha na malaking marka
Oo, para kasiyahan ako ng aming guro
Oo, dahil ayokong mapasama ang aking kaibigan at magabayan siya ng aking
guro kung ano ang tama.
Inatasan kayo ng inyong guro sa Filipino na sumulat ng sarili ninyong tula bilang
inyong takdang-aralin ngunit konting oras na lang para gawin ito dahil
pinagbantay ka pa ng iyong ina ng nakababata mong kapatid.
Ano ang gagawin mo?
Kumuha lamang sa internet ng mga tula na kailangan para hindi na
mapagod sa paggawa
Lumiban na lamang sa klase kinabukasan
Sikaping makasulat ng sarili mong tula na maipagmamalaki mo sa iyong
guro at kaklase.
Umiyak na lamang sa harap ng mga kaklase at guro
