NEW
Font size
Worksheets2nd Qtr 3rd LE Summative Test
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong kwaderno.
1. Ano ang dapat mong gawin upang makatipid ng kuryente?
A. Hayaang kumapal ang mga alikabok sa bombilya
B. Pinturahan ang iyong silid nang madilim na kulay
C. Iwanang nakabukas ang mga ilaw kahit walang tao.
D. Kapag umaga, buksan ang mga bintana upang pumasok ang liwanag.
2. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog?
A. Huwag gumamit ng mga kagamitang de-kuryente.
B. Takpan lahat ang mga saksakan o outlet pang-elektrisidad.
C. Huwag magsasaksak ng maraming kagamitan sa isang outlet
D. Huwag hihipuin ang anumang kawad o gamit pang-elektrisidad kapag basa ang mga kamay.
3. Ito ay pinagkakabitan ng ilaw. Dito nakukuha ng ilaw ang suplay ng kuryente. Tinatawag din itong lamp socket o ___________.
A. fuse
B. plug
C. receptacle
D. switch
4. Ito ay nagsisilbing bukasan at patayan ng kuryente sa bombilya.
A. fuse
B. plug
C. receptacle
D. switch
5. Isinasaksak ito sa convenience outlet upang dumaloy ang kuryente papunta sa kasangkapang pinagagana nito.
A. fuse
B. plug
C. receptacle
D. switch
6. Nagsisilbi itong saksakan ng mga kasangkapang de-kuryente na kadalasang nakakabit sa mga dingding
A. outlet
B. plug
C. receptacle
D. switch
7. Ito ang tagapangalaga ng mga de-kuryenteng kasangkapan kapag nagkaroon ng short circuit.
A. fuse
B. plug
C. receptacle
D. switch
8. Ang elektrisidad ay hindi nakikita ngunit ito ay _______.
A. naaamoy
B. nababasa
C. nahahawakan
D. nararamdaman
9. Anong bagay ang dapat mong iwasan kung gumagamit ka ng mga kasangkapang de-kuryente?
A. goma
B. kahoy
C. plastik
D. tubig
10. Ang pagkakaroon ng Light Rail Transit o LRT ay nagpapabilis ng biyahe ng mga manggagawa patungo sa kanilang pinagtatrabahuhan. Ano ang nagpapatakbo rito?
A. gas
B. kuryente
C. langis
D. tubig
Panuto: Piliin ang TM kung nagpapakita ng tamang pangangalaga sa kagamitan at kasangkapan at ML kung hindi.
11. Hinuhugasan ni James ang mga kasangkapang marumi gamit ang tubig.
A. TM
B. ML
12. Pagkatapos gamitin ni Sydney ang mga kagamitan at kasangkapan itinatago nya ang mga ito sa isang maayos na lalagyan.
A. TM
B. ML
13. Ginagamit ni Olan ang screwdriver sa kanyang proyekto sa elektrisidad kahit nabalatan na ang hawakan nito.
A. TM
B. ML
14. Ginagamit ni Larry ang kasangkapan na hindi muna binabasa ang paraan ng paggamit nito.
A. TM
B. ML
15. Pinananatili ni Jose na tuyo at malinis ang mga kasangkapang pang-elektrikal bago at habang giagamit.
A. TM
B. ML
Panuto: Markahan ng tsek (/) kung tama ang sinasaad ng pangungusap at ekis (X) kung hindi.
16. Kailangang linisin ng tubig ang mga kasangkapang pang-elektrisidad kung ito ay madumi.
A. /
B. X
17. Tingnan ng mabuti kung ang bawat kagamitan ay maayos bago gamitin
A. /
B. X
18. Ilagay ang mga kasangkapan sa toolbox.
A. /
B. X
19. Panatilihing malinis at tuyo ang mga kasangkapan sa lahat ng oras
A. /
B. X
20. Gamitin ang bawat kasangkapang elektrikal ayon sa wastong gamit nito.
A. /
B. X
