wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP KOLONISASYON NG ESPANYA

Total questions: 67

Worksheet time: 53mins

Name
Class
Date
1.

Mga taong o sundalong nanguna sa isang krusada na isinagawa ng mga Europeo na naglalayong muling bawiin ang Holy Land o Jerusalem sa kamay ng mga Muslim.

C (a)  

2.

Nagsimula ang pagnanais ng mga taga-Europa na marating ang Asya nang ________.

a)

Mabalitaan nila na maganda ang mga tanawin dito.

b)

Mabalitaan nila mula sa mga Crusader.

c)

Sagana ito sa likas na yaman.

d)

Dahil sa kahanga-hangang mga kuwento ni Marco Polo sa kanyang aklat tungkol sa kayamanan at kulturang nakita niya sa Silangan.

3.

Paglalakbay ng grupo ng mga taong may tiyak na layunin tulad ng paghahanap ng lugar o mahahalagang bagay.

e (a)  

4.

Lugar na matatapuan sa Mediterranean na tumutukoy sa Israel at Palestina sa kasalukuyan.

H___ L___



(a)  

5.

Patakaran ng isang bansa na may kinalaman sa pagpapalawak ng mga lupain sa pamamagitan ng pananakop.

k (a)  

6.

Tumutukoy sa isang patakaran ng pagsasailalim, pagsupil, at tuwirang pamamahala o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.

k (a)  

7.

Sistemang o pamamaraang pangkabuhayan kung saan ang batayan ng kaunlaran o yaman ay nasusukat sa dami ng ginto o pilak na pag-aari ng isang bansa.

m (a)  

8.

Mga sulat, kautusan, o mga dekretong inilalabas ng papa ng Roma na noong una ay si Papa Alexander VI.

P____ b___



(a)  

9.

Mga sundalong nakibahagi sa pagbawi ng mga Kristiyano sa mga lupaing sinakop noon ng mga Muslim sa Holy Land.

a)

Crusader

b)

Crusade

c)

Kolonyalismo

10.

Manlalayag o manlalakbay na taga Venice o Venetian, Italy.

Una niyang narating ang Tsina.

Nagsulat ng aklat na “The Travels of M____ P___”

(a)  

11.

Napag-alaman din nilang maraming p_________ p________ ( spices) ng pagkain ang matatagpuan dito tulad ng paminta, luya, sili, oregano, at cinnamon.

(a)  

12.

Ang mga g produktong pampalasa ito ay mahalagang gamit noon bilang sangkap sa pagluluto at pampreserba ng mga pagkaing iniimbak nila para sa taglamig. Dahil dito, maraming mga Europeo ang nagnasang makarating sa Asya lalong-lalo sa M_______ o M______ na kilalang-kilala bilang Spice Islands.

(a)  

13.

Ginamit ng mga estado sa Europa ang pamamaraang pangkabuhayaang tinatawag na ______ . Ang batayan ng kaunlaran at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng GINTO at PILAK na kanilang pag-aari.

a)

merkantilismo

b)

sistemang kolonyalismo

c)

ekspedisyon

14.

Naniniwala ang mga Bansa noon sa Europa na higit na magiging malakas at matatag ang isang estado kung ito ay may sapat na ginto o pilak at yaman sa kaban ng bansa.

a)

tama

b)

mali

15.

Upang dumami ang GINTO at PILAK na pag-aari ng isang bansa . Isinasagawa nila ito sa pamamagitan ng ____________ o pananakop ng mga lupain upang mapakinabangan ang yaman ng mga lugar o bansa na kanilang magiging kolonya.

a)

merkantilismo

b)

sistemang kolonyalismo

c)

ekspedisyon

16.

Nakapaloob din dito ang patakaran ng isang malakas na bansa sa pagpapatupad at pagpapanatili ng awtoridad o kapangyarihan nito sa isang nasakop na bansa o teritoryo.

a)

merkantilismo

b)

sistemang kolonyalismo

c)

ekspedisyon

17.

Ang pananakop ng mga lupain upang mapakinabangan ang yaman ng mga lugar o bansa na kanilang magiging kolonya.

a)

merkantilismo

b)

kolonyalismo

c)

ekspedisyon

18.

K (a)   ang tawag sa bansang nasakop ng isang malaki at malakas na bansa.

19.

Noong ika-16 na dantaon, nanguna ang mga bansang _______ at ________ sa larangan ng paglalayag at pananakop ng mga lupain .

(a)  

20.

Ayaw magpalamang ng Espanya at Portugal sa isa’t isa sa pagpapayaman at pananakop ng mga lupain kaya’t mula noon ay naging m (a)   ang dalawang bansang.

21.

Bansang Muslim ang Portugal at ang Espanya naman ay bansang Kristiyano kaya't kapwa sila humingi ng pahintulot mula sa Papa ng Roma para sa kanilang gagawing pagtuklas at pananakop ng mga lupain.

a)

tama

b)

mali

22.

Dalawa sa mga pinakamakapangyarihang bansa sa Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas ay ang E______ at P_______.

(a)  

23.

Isang kompetisyon at tunggalian ang namagitan ng bansang Portugal at Espanya na nag-ugat sa kapwa paghahangad ng higit na malawak na teritoryo at makalinang ng mga likas na yaman.

a)

tama

b)

mali

24.

Labis ang pagnanais ni Papa Alexander VI na lubos maipalaganap ang relihiyong K____________ o K__________ sa maraming lugar sa mundo kaya sa kabila ng di pagkakaunawaan ng Portugal at Espanya sa pagtuklas at pananakop ng mga lupain patuloy pa ring pinahihintulutan ng Papa ang pagsasagawa ng ekspedisyon at Kolonisasyon.

(a)  

25.

Pinakamataas na pinuno ng Simbahang Romano Katolika mula 1492-1503. Ang Papa ng Roma na naglabas ng dekreto o papal bull na may kinalaman sa pagkakahati ng mga lupaing sasakupin ng Espanya at Portugal.

(a)  

26.

Nagpalabas ng dekreto o papal bull si Papa Alexander VI , na nakasaad na ang Portugal ay may karapatang tumuklas ng mga teritoryo at bansa sa Africa at ang Espanya naman ay sa mga lugar sa bagong daigdig .

a)

May 3, 1493

b)

May 4, 1493

c)

Hunyo 7, 1494

27.

Nagpalabas ng dekreto o papal bull si Papa Alexander VI , na nakasaad na ang Portugal ay may karapatang tumuklas ng mga teritoryo at bansa sa ______ at ang Espanya naman ay sa mga lugar sa ______ _______ .

(a)  

28.

Naglabas ng panibagong dekreto kung saan nagtatadhanang paghahati ng mundo para sa Potugal at Espanya sa pamamagitan ng pagguhit ng hanggahan na nagsisimula sa Hilagang Polo ( North Pole) patungong Timog Polo ( South Pole) na dumaraan sa Karagatang Atlantiko doon sa 100 liga sa kanluran ng mga pulo ng Azores at CapeVerde.

a)

May 3, 1493

b)

May 4, 1493

c)

Hunyo 7, 1494

29.

Sa panibagong dekreto o papal bull na ito ay maliwanag na nakasaad na lahat ng bansang matatagpuan sa silangan ng hanggahang ay para sa Portugal at lahat ang lupain matatagpuan pakanluran ay mapupunta sa Espanya.

a)

May 3, 1493

b)

May 4, 1493

c)

Hunyo 7, 1494

30.

Nilagdaan ng Papa ang Treaty of Tordesillas o ang Kasunduan sa Tordesillas .Ayon sa kasunduan, nahati ang gagalugaring bahagi ng daigdig ng likahang-isip na guhit na bumabagtas sa Atlantic Ocean, 370 liga o leagues ng Azores Island at Cape Verde Islands.

a)

May 3, 1493

b)

May 4, 1493

c)

Hunyo 7, 1494

31.

T (a)   ng hari ng Portugal ang nabuong dekreto o papal bull dahil may mga bansa sa silangan nasa kanilang paghahari na hindi napaloob sa ginawang paghahati kaya't upang malutas pinagtibay ang Kasunduan sa Tordesillas.

32.

Pinagtibay ang _________ __ ___________ kung saan binago ang hanggahan ng pagkakahati. Ang hanggahan sa 370 liga sa kanluran ng mga isla ng Cape Verde.

(a)  

33.

Nakasaad sa Kasunduan ng Tordesillas

1. Ang lahat ng mga lupaing matutuklasan sa ________ ng itinakdang hanggahan ay para sa Potugal at ang lahat naman ng matatagpuan sa ________ ng hanggahan ay para sa Espanya.

(a)  

34.

Nakasaad sa Kasunduan ng Tordesillas

2. Ang alinmang lupaing matatagpuan ng Portugal sa kanluran ng nasabing guhit ay i___________ sa Espanya at ang anumang lupaing matatagpuan ng Espanya sa silangan ay i___________ sa Portugal.

(a)  

35.

Nakasaad sa Kasunduan ng Tordesillas

3. Ang Espanya h____ p________________ magpadala ng mga sasakyang pandagat sa mga lupaing nauukol sa Portugal upang makipagkalakalan at gayundin naman ang Portugal

(a)  

36.

Hindi naglaon ang pananakop ng mga lupain sa iba't ibang panig ng muno ay ginawa o ginaya rin ng ibang bansa sa Europa. Ano ang mga mauunlad at malalakas na bansa na sumunod sa pananakop ng mga lupain sa iba't- ibang panig ng mundo? F_____, N__________, at I________.

(a)  

37.

Ang _____________ ng mga bansa sa Silangan ang pangunahing dahilan kung bakit ninais marating ng mga taga- Europa anf Asya.

a)

pagkakaroon ng natatanging kultura

b)

magandang mga tanawin

c)

maraming produktong pampalasa ( spices) ng pagkain ang matatagpuan

38.

Parehong bansang Kristiyano ang Portugal at ang Espanya kaya naman ________ sa mga layunin at adhikain.

a)

nagkakaisa sila

b)

sila ay magkalaban

39.

Bukod sa pananakop ng mga lupain, layunin din ng mga Espanyol na palaganapin ang K (a)   .

40.

Sa sistemang merkantilismo, pinaniniwalaang higit na malakas at maunlad ang isang bansa kung ito ay _______.

a)

maraming sakop na lupain

b)

may sapat na ginto o pilak at yaman sa kaban ng bansa.

41.

Ang Bagong Daigdig (New World) ay kilala rin sa pangalan ________ na tumutukoy sa kontinente ng Amerika. Ang katawagang ito ay sinimulang gamitin noong ika -15 dantaon nang ang Amerika ay "natuklasan" ng mga taga-Europa.

a)

Bagong Mundo

b)

Bagong Amerika

42.

Bukod sa atas ng Papa ng Roma na maipalaganap ang relihiyong Katolisismo ay may iba pang pangyayaring nagbigay – daan upang marating o matuklasan ng Espanya ang Pilipinas.

a)

tama

b)

mali

43.

Pangyayaring nagbigay– daan upang marating o matuklasan ng Espanya ang Pilipinas

1. Mahigpit ang pangangailangan ng Espanya sa mga bansa sa s (a)   bilang bahagi ng kanilang misyong manakop ng mga lupain.

44.

Pangyayaring nagbigay– daan upang marating o matuklasan ng Espanya ang Pilipinas

2. Ang pangangailangan ng Espanya na makatuklas ng b_____ r___ patungong silangan ang isa pa sa dahilan kung bakit nila natunton ang Pilipinas.

(a)  

45.

Pangyayaring nagbigay– daan upang marating o matuklasan ng Espanya ang Pilipinas

3. Ang Pilipinas ay b_____ na rin ng pagkakatukals ng mga lupain noong ika-__ hanggang ika 16- na siglo.

(a)  

46.

May tatlong (3) pangunahing layunin ang Espanya sa panankop sa Pilipinas.

K____________ (Katolisismo) (God), K________ ( Gold), at K_________

(Glory)

(a)  

47.

Una sa tatlong (3) pangunahing layunin ang Espanya sa panankop sa Pilipinas.

Bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga lupain ang pagpapalaganap ang ____________.

a)

Kristiyanismo

(Katolisismo) (God)

b)

Kayamanan (Gold)

c)

Karangalan(Glory)

48.

Pangalawa, sa tatlong (3) pangunahing layunin ang Espanya sa panankop sa Pilipinas.

Itinuturing na _________ ang mga lupaing kanilang nasasakop sapagkat napakikinabangan nila ang yamang-tao at kalikasan nito.

a)

Kristiyanismo

(Katolisismo) (God)

b)

Kayamanan (Gold)

c)

Karangalan(Glory)

49.

Pangatlo, sa tatlong (3) pangunahing layunin ang Espanya sa panankop sa Pilipinas.

Itinuturing na isang ________ ng mga mananakop na bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.

a)

Kristiyanismo

(Katolisismo) (God)

b)

Kayamanan (Gold)

c)

Karangalan(Glory)

50.

Isang Portuges ang “nakatuklas” o unang taga-Europa na nakarating sa Pilipinas at sinakop niya sa ilalim ng Espanya.

(a)  

51.

Madaling araw ng __________, natanaw Ferdinand Magellan, kasama ang mga tauhan ng tatlong natitirang barkong naglayag mula Espanya ang pulo ng Samar.

a)

Marso 16, 1521

b)

Marso 14, 1521

c)

Marso 17, 1521

52.

Madaling araw ng Marso 16, 1521, natanaw Ferdinand Magellan, kasama ang mga tauhan ng tatlong natitirang barkong naglayag mula Espanya ang pulo ng S (a)   .

53.

Sila Ferdinand Magellan ay nagpatuloy sa paglalakbay hanggang sa marating ang pulo ng H_______ noong _______. Mula sa araw na iyon, hanggang sa mga sumunod na ekspedisyon ipinadadala ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay maraming nagbago sa buhay ng mga katutubo o sinaunang Pilipino.

a)

Hamonhon, Marso 16, 1521

b)

Himonhon, Marso 14, 1521

c)

Homonhon, Marso 17, 1521

54.

Noong 1565 itinuturing na pinakamatagumpay na ekspedisyong ni _______ ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. 1565 hanggang 1898 ay napakaraming bagay nangyari at nabago sa buhay ng mga Pilipino.

a)

Ferdinand Magellan o Fernando Magallanes

b)

Miguel Lopez de Legazpi

c)

Marco Polo

55.

Sa loob ng ilang taon sinakop ng Espanyol ang Pilipinas?.Masasabing maraming natutuhan ang ating mga ninuno lalo't higit sa kulturang namana sa Espanyol.

a)

333 taon

b)

350 taon

c)

300 taon

56.

Relihiyong pinalaganap ng mga bansang Portugal at Espanya sa kanilang pananakop

(a)  

57.

Tawag sa pagbawi ng mga Kristiyanong taga-Europa sa mga lupaing sinakop ng mga Muslim sa Holy Land.

(a)  

58.

Malaki ang ginagampanan ng mga kuwento ni Marco Polo tungkol sa kultura at kayamanang nakita sa silangan sa pagnanais ng mga taga- Europa na marating ang Asya.

a)

TAMA

b)

MALI

59.

Ang Moluccas o Maluku ang isang sa kilalang lugar sa silangan na tanyag sa pagkakaroon ng maraming produktong pampalasa. "Spice Islands"

a)

TAMA

b)

MALI

60.

Ang Moluccas o Maluku ay matatagpuan sa bahagi ng Indonesia na kabilang din sa rehiyong Timog-Silangang Asya. "Spice Islands"

a)

TAMA

b)

MALI

61.

Ginagamit ng mga taga-Europa ang sistemang kolonyalismo sa pananakop ng mga lupain upang mapakinabangan ang lugar na kanilang masasakop.

a)

TAMA

b)

MALI

62.

Kolonya ang tawag sa isang bansa nasakop ng isang malaki at malakas na bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

63.

Noong ika (a)   na dantaon ay nanguna ang mga bansang Portugal at Espanya sa paglalayag at pananakop ng mga lupain.

64.

Dahil sa pagnanais ng Simbahang Katoliko na mapalaganap ang Kristiyanismo ay pinahintulutan ni (a)   ang pagsasagawa ng ekspedisyon at kolonisasyon.

65.

Hindi nagtagal ang ginawang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas dahil ito ay tinutulan ng mga katutubo.

a)

TAMA

b)

MALI

66.



(a)  

67.



(a)