Font size
WorksheetsQ2 AP6 M3
Total questions: 20
Worksheet time: 13mins
Sila ang nagdala ng Hare-Hawes-Cutting Act sa bansa.
Cayetano Arellano at Ramon Avanceña
Henry John Ford at Francis Burton Harrison
Sergio Osmeña at Manuel Quezon
Sergio Osmeña at Manuel Roxas
Bilang paghahanda sa pagtatag ng pamahalaang Commonwealth, kinakailangan itakda ang Kumbensiyong Konstitusyonal upang buoin ang Saligang Batas para sa itatatag na pamahalaan. Sino ang nahalal na pangulo ng Kumbensiyong Konstitusyunal?
Claro M. Recto
Cayetano Arellano
Sergio Osmeña
Manuel Quezon
Kailan nilagdaan ang Saligang Batas 1935?
Hulyo 30, 1934
Pebrero 8, 1935
Setyembre 17, 1935
Nobyembre 15, 1935
Kailan naganap ang halalang pampanguluhan ng Pamahalaang Commonwealth?
Hulyo 30, 1934
Pebrero 8, 1935
Setyembre 17, 1935
Nobyembre 15, 1935
Sino ang nahalal na pangulo ng Pamahalaang Commonwealth?
Manuel Roxas
Claro M. Recto
Sergio Osmeña
Manuel Quezon
Sino ang nahalal na pangalawang pangulo ng Pamahalaang Commonwealth?
Claro M. Recto
Manuel Roxas
Sergio Osmeña
Manuel Quezon
Noong Nobyembre 15, 1935 ay isinagawa ang panunumpa bilang mga opisyal ng pamahalaan sina Quezon at Osmeña sa harap ng Punong Mahistrado na si....
Claro M. Recto
Cayetano Arellano
Manuel Roxas
Ramon Avanceña
Tawag sa patakaran na nagpatupad ng pagtatayo ng pamayanan sa pagsasaka sa Mindanao at naglikas ng mga manggagawa sa Luzon upang manirahan sa mga pook na ito.
Homestead
Court of Industrial Relations
Public Defender Act
Tenancy Act
Ito ay itinatag noong panahon ng Commonwealth upang sumuri sa mga hindi pagkakaunawaan ng mga mangagawa at may-ari ng negosyo.
Homestead
Court of Industrial Relations
Public Defender Act
Tenancy Act
Ito ay batas na naipasa noong panahon ng Commonwealth na nagtatadhana at naglalaan ng libreng serbisyo ng mga abogadong magtatanggol sa mga mahihirap at manggagawa laban sa mapang-abusong kapitalista.
Homestead
Court of Industrial Relations
Public Defender Act
Tenancy Act
Ito ay pinatupad noong panahon ng Commonwealth na nagtatadhana na magkaroon ng kontrata sa mga taong umuupa at sa nagpapaupa.
Homestead
Court of Industrial Relations
Public Defender Act
Tenancy Act
Alinsunod sa itinadhana ng Saligang Batas 1935 ay itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Ito ay nilikha noong Setyembre 13, 1936. Sino ang namuno rito?
Jaime C. de Veyra
Victorino Mapa
Carmen Planas
Elisa Ochoa
Ilang taon tatagal ang Pamahalaang Commonwealth?
Limang taon
Walong taon
Sampung taon
Dalawampung taon
Alin sa mga sumusunod na diyalekto ang naging batayan at napili bilang Wikang Pambansa?
Tagalog
Kapampangan
Ilokano
Cebuano
Ano ang mahalagang nagawa ng Pamahalaang Commonwealth sa kalagayan ng kababaihang Pilipino?
Ipinadala sa Amerika ang mga kababaihan upang mag-aral.
Libreng pinag-aral ang kababaihan ng pamahalaan.
Nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na magtrabaho.
Nabigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto.
Ayon sa Batas Commonwealth Bilang 1 o Batas sa Tanggulang Pambansa, pagsapit ng ilang taon kailangan maglingkod ang kalalakihang Pilipino sa Sandatahang Lakas?
18 taong gulang
25 taong gulang
30 taong gulang
21 taong gulang
Sino ang hinirang ni Pangulong Manuel Quezon bilang tagapayong pangmilitar ng Pamahalaang Commonwealth?
Heneral Douglas McArthur
Heneral Arthur McArthur
Heneral Dwight Eisenhower
Heneral Wesley Merritt
Anong batas ang pinagtibay ng Asamblea na tumutukoy sa pangangalaga sa panloob at panlabas na panganib ng bansa?
Alin sa sumusunod na ipinatupad na batas ang may kinalaman sa pagtatalaga ng kaukulang sahod at walong oras na paggawa?
Homestead Law
Commonwealth Act 570
Batas Commonwealth Bilang 1
Minimum Wage Law
Ang Commonwealth Act 570 ay ipinasa ni Pangulong Quezon na may kinalaman sa programa ng pamahalaan ukol sa____
Wikang Pambansa
Programang Pangkabuhayan
Tanggulang Pambansa
Programang Pang-edukasyon
