NEW
Font size
WorksheetsGrade 9 Filipino (Pre-Test)
Total questions: 40
Worksheet time: 14mins
A. Istruktura ng Wika
Ito ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog na nabubuo sa isang wika
morpema
ponema
diskurso
Ito ang tawag sa pag-aaral ng pinakamaliit yunit ng tunog sa isang wika
Morpolohiya
Ponolohiya
Sintaksis
Ito ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na nabubuo sa isang wika
ponema
morpema
diskurso
Ito ang tawag sa pag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng salita sa isang wika
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaksis
Ito ay ang tawag sa pag-aaral ng kahulugan ng isang wika
Sintaksis
Semantika
Morpolohiya
Ito ang tawag sa grupo ng mga salita na may iisa at kumpletong diwa
sugnay
talata
pangungusap
Ito ang tawag sa lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa
sugnay
talata
pangungusap
Ito ay lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na maaaring buo o hindi ang diwa
sugnay
talata
pangungusap
Ito ay ang siyang pinag-uusapan sa loob ng isang pangungusap
paksa/simuno
panaguri
sugnay
Ito ay ang tungkol sa pinag-uusapan sa loob ng isang pangungusap
paksa/simuno
panaguri
sugnay
B. Gramatika
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng NG?
Nag-ayos ng mga paninda si Aling Luz.
Nagulat si Alice ng biglang may dumaang pusa sa kanyang harapan.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng NANG?
Nag-ayos nang mga paninda si Aling Luz.
Nagulat si Alice nang biglang may dumaang pusa sa kanyang harapan.
Alin sa mga sumusunod na salita ang may diptonggo?
bahay
gatas
alahas
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng RIN?
Binigyan rin ng parangal si Luisa.
Natuto rin sa wakas si Luisa sa paggigitara.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng DIN?
Tila nagsaka din sa karatig-bayan ang ama ni Manuel.
Gitara din ang regalo ni Manuel sa kanyang kapatid.
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang gamit ng KUNG?
Kung ako man ang mapipili bilang kinatawan ng klase ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.
Ang halaman kung kakaiba ay iniregalo ko na lamang sa aking lola.
Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang nararapat gamitin sa pangungusap na:
Ang aking buong akala ay bibisita sina Elena____hindi pala____sila ay abala sa kanilang modyul.
pero, kung
ngunit, sapagkat
at, dahil
Ito ay ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na natapos na
imperpektibo
kontemplatibo
pekpektibo
Ito ay ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na gagawin pa lamang
imperpektibo
kontemplatibo
perpektibo
Ito ang tawag sa mga salitang humahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari at iba pa.
Pang-uri
Pang-abay
Panghalip
Ito ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, pook, pangyayari at iba pa.
Pang-uri
Pang-abay
Panghalip
Ang salitang SIYA ay nasa anong panauhan ng panghalip?
unang panauhan
ikalawang panauhan
ikatlong panauhan
Ang salitang TAYO ay nasa anong panauhan ng panghalip?
unang panauhan
ikalawang panauhan
ikatlong panauhan
Ito ay tumutukoy sa pagkakolokyal, lalawiganin, pambansa, pampanitikan at pagkabalbal ng wika.
Ayos ng Pangungusap
Antas ng Wika
Ito ay ang antas ng wika ng ginagamitan ng pagkakaltas.
Pambansa
Lalawiganin
Kolokyal
Ito ay ang antas ng wika na ginagamit sa mga aklat at iba pang pormal na sulatin at babasahin
Pambansa
Pampanitikan
Balbal
Ito ay ang tawag sa morpemang ikinakabit sa salitang-ugat upang makabuo ng panibagong salita at kahulugan
Pangatnig
Panlapi
Panghalip
Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa Karaniwang Ayos?
Si Elena ay masipag na bata.
Masipag na bata si Elena
Ang Dra. Ruth Morano ay nasa anong uri ng pangngalan?
Pangngalang Pambalana
Pangngalang Pantangi
Ang salitang Jollibee ay nasa anong uri ng pangngalan?
Pangngalang Pambalana
Pangngalang Pantangi
C. Panitikan
Ito ay uri ng panitikan na ang akda ay hango sa tunay na pangyayari.
Piksyon
Di-Piksyon
Ito ay uri ng panitikan na ang akda ay mula sa malawak na imahinasyon ng awtor.
Piksyon
Di-Piksyon
Ito ay ang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng kaisipan at isinusulat sa paraang patalata o naratibo.
Tuluyan/Prosa
Patula
Ang Epiko ay nasa anong anyo ng panitikan?
Tuluyan/Prosa
Patula
Ito ay salaysaying tungkol sa pinagmulan ng bagay-bagay.
Alamat
Maikling Kwento
Ito ay salaysaying kinasasangkutan ng mga alagang hayop
Parabula
Pabula
Ito ay isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
Duplo
Moro-moro
Ito ay ang kilalang Epiko ng mga Ilokano.
Ullalim
Biag ni Lam-ang
Sino ang kinikilalang Ama ng Balagtasang Pilipino?
Juan Crisostomo Soto
Francisco Baltazar
Sino ang ama ng Dulang Tagalog?
Juan Crisostomo Soto
Severino Reyes
