NEW
Font size
WorksheetsQ2M4M5: Maikling Kuwento at Dula ng SA
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
Si Li Huiquan ay isang dating _________.
Tindero
Bilanggo
Negosyante
Mag-aaral
Ang pagkaladkad ni Huiquan sa walang gulong niyang sasakyan mula sa East China Gate patungong Dongsi at mula roon patungong Chaoyang Gate ay mahihinuha na si Huiquan ay isang _________.
Masinop
Matipid
Matiyaga
Masipag
Ang pakiramdam ni Li huiquian ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. Ipinakakahulugan sa pahayag na ________ ang pangunahing tauhan.
Nagtatago
naiinis
nahihiya
Nagsisisi
Ayon kay Huiquan “Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw.” Ipinakahuhulugan ng pahayag na _________.
Maging matiyaga sa lahat ng pagkakataon
Huwag sumuko sa pag-abot sa tagumpay
Maging masipag sa lahat ng panahon
Huwag tumigil sa paggawa
Binibigyang diin sa kuwento ng __________ ang tagpuan—ang pook o lugar na pinangyarihan ng kwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan tungkol sa pook—hindi lamang pisikal kungdi pati na rin ang pangkalahatang pag-uugali ng tao roon.
Pag-ibig
Katutubong Kulay
Katatawanan
Kababalaghan
Ito ay larawang nalilikha sa imahinasyon o guniguni ng mga mambabasa mula sa mga pahayag ng akdang pampanitikan.
Simbolismo
Imahe
Larawan
Katutubong kulay
Ito ay isang masining na sangkap sa kuwento na ang layunin ay kumatawan sa isang uri ng damdamin o ideya.
Simbolismo
Imahe
Larawan
Katutubong kulay
“Ang bulong ng mga tsismosang nanay na nagmamaang-maangan pa para lamang may pag-usapan” ay isang halimbawa ng _________.
Pisikal na paglalarawan ng kalagayan sa pook
Paglalarawan sa pangkalahatang Pag-uugali ng tao
Pagpapahalaga sa katutubong kulay
Paglalarawan sa kwento
“Lumabas siya at tumayo sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit, maraming paputok sa lahat ng dako.” ang pahayag ay isang halimbawa ng _______.
Pisikal na paglalarawan ng kalagayan sa pook
Paglalarawan sa pangkalahatang Pag-uugali ng tao
Pagpapahalaga sa katutubong kulay
Paglalarawan sa kwento
"Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagama’t natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang." Anong pahayag ang ginamit sa pagtatapos ng kuwento?
Nagwakas
Napawi ang hirap ni Ore
Panalo si Ore
Panalo si Pastor
“Mas mabuting maghintay kaysa umayaw, dahil walang makakaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba?” Nag-iisip si Huiquan. Ang nabanggit na pahayag ay makikita sa __________ ng kuwento.
pagsisimula
pagwawakas
pagdadaloy
pagbibigay-kongklusyon
Ibinigay kay Huiquan ang puwesto sa may daanan sa timog ng Silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadrado-yardang puwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi. Ginamit sa pagdadaloy ng bahaging ito ng akda ang_____________.
paglalarawan sa pook
pagpapaliwanag sa lugar
pagsasalaysay sa lugar
paglalahad ng pook
Matalino si Anthoneth ________ siya ay sakitin.
ngunit
tungkol sa
ayon sa
pati
Ang dulang "Munting Pagsinta" ay nagmula sa bansang _____.
Korea
China
Taiwan
Mongolia
Masipag ____ bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.
ng
na
–g
at
Piliin ang HINDI sangkap o elemento ng isang dula.
Aktor
Direktor
Manonood
Iskrip
Talinghaga
Ano ang tawag sa pinakaluluwa ng isang dula?
tauhan
iskrip
manonood
entablado
“Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.” Alin ang maaring tagpuan sa pangungusap?
Madilim na kalangitan
Takbo ng kapalaran
Magiting na mandirigma
Makipot na piitan
Ang kanyang nilutong ulam na tinolang manok ay _______ lahat.
para sa
tungkol sa
ukol kay
hinggil sa
Piliin ang HINDI bahagi ng isang dula.
Yugto
Eksena
Tagpo
Taludtod
